Ch.8 The Coffee

8 1 0
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng unit ng biglang nag doorbell si Raine "Chin!! Tapos kana ba mag ayos? Pwede na ba ako pumasok?" paalam nya sakin kaya pinag buksan ko sya

"Pasok ka Raine, patapos palang ako upo ka muna" sabi ko sa kanya

"Naideliver na ba sayo uniform mo?" tanong nya sakin

"Oo andito na, yung sayo ba?" tanong ko rin sa kanya

"Oo okay na rin, tapos kana ba tara kain tayo di pa kasi ako kumakain. May alam akong masarap na kainan dito" aya nya sakin sabay hila palabas

Bumaba na kami at pumunta sa sinasabing kainan ni Raine. Habang papunta kami ay di ko alam na naiwan ko pala ang wallet ko sa unit.

"Raine teka yung wallet ko naiwan ko" sabi ko sa kanya kaya napahinto kami sa paglalakad

Napatingin nalang sya sakin sabay tawa "Hahaha hindi mo naman kailangan ng wallet dito eh" sabi nya

Nagulat ako at nag taka "Ha? Bakit di kailangan" tanong ko sa kanya

"Eh kasi yung ID natin ay hindi lang basta ID but it also serves as a credit card" paliwanag nya

(And ngayon ko nga lang nalaman na marami palang uses meron ang ID namin. Siguro nakalimutan iexplain ni miss Yuna at di ko rin natanong ang about sa ID.)

Nandito kami ngayon sa kainan na sinasabi ni Raine "Eto ba yun sinasabi mo?" tanong ko sa kanya

"Oo eto yun masarap mga pagkain dito" sagot nya sabay pumasok na kami

"Ganda napaka luxurious siguro mahal dito" pabulong na sabi ko kay Raine

Hinila ako ni Raine at umupo kami sa vacant na table "Okay lang yan ano pa ba aasahan mo sa high class na university" sabi nya sakin

(Nag order na kami para makakain na. Habang kumakain kami ay biglang may pumasok na grupo ng limang kalalakihan.)

"Hoy tumabi ka wag kang paharang harang sa daan. Hindi mo ba kilala kung sino ang boss namin?" Sabi nung isang lalaki sa isang customer

"Diba si Kyle yan?" Bulong ng isang babaeng customer sa kasama nya

"Oo si Kyle nga yan, nandito na naman sya para manggulo" pabulong na sagot ng isang babae

Napatingin ako kay Raine "Sino yan?" tanong ko sa kanya

"Sya si Kyle Luther Duran, anak sya ng may-ari ng top 3 jewelry company sa buong visayas

"Hoy ikaw anong binubulong bulong mo ha?" tanong ng isang lalaki sa nagbubulongan na babae

"Sinasabi mo ba na walang ginawa si boss Kyle kundi manggulo? Gusto mo ba mamuhay sa impyerno?" pananakot ng isang lalaki sa babae

Lumapit si Kyle sa dalawang babae "kilala nyo pala ako, why not mag enjoy tayo mamayang gabi" sabi nya sa babae sabay hawak sa mukha neto

(Habang nakikipag usap sina Kyle sa dalawang babae ay may lalaking pumasok sa shop na may dalang kape.)

Naglakad sya papunta sana sa counter ng biglang nasagi ng kasamahan ni Kyle ang kamay nya at tumilapon yung kape kay Kyle.

"Aaaahhhhhhh~ What the hell...!! Ang iniiiiiit..!!!" sigaw ni Kyle habang pagulong gulong sya sa sahig

Pinag tinginan ng kasamahan ni Kyle yung lalaki habang gulat naman ang lalaki sa nangyari at di kumibo "Siraulo ka bat mo tinaponan ng kape si boss Kyle?" galit na sigaw ng isang kasama ni Kyle

"H-ha? Hindi ko sya tinaponan nasagi ang kamay ko tapos tumilapon ang hawak kung kape" paliwanag neto

"You as*hole beat him!!" galit na utos ni Kyle

(Sabay sabay nilang pinaulanan ng suntok ang lalaki habang si Kyle ay naka upo sa sahig pinapanood na bugbugin ng mga kasama nya ang lalaki.)

My Husband is a Billionaire Tycoon (On Going)Where stories live. Discover now