Ch.4 The Crisis

6 1 0
                                    

*Ding*

(Bigla akong nagising dahil sa tunog ng messenger ng cellphone ko. Muntik ko makalimutan na nasa sleep call pala kami ni Maine. Kaya agad agad kong chineck ang messages.)

[Audio Call 5 hours 42 mins]

"Ay namatay pala ang call" bulong ko sa sarili ko habang chinecheck ang phone at nag aayos ng higaan.

Maine: Good morning sleepyhead have a good day ahead *heart emoji*

Tita: Michelle pasensya kana hindi na kita masusustentohan sa pag-aaral mo.

(Oh I forgot to tell you, tita ko nga pala ang nag papaaral sakin. Sya ang nagbabayad ng tuition ko at sya rin ang nagbibigay ng allowance ko. Kaya naman after ko mabasa ang chat ng tita ko bigla akong napatulala. Gusto ko ituloy ang pag-aaral kaso walang gagastos para sakin. Di ko alam kung anong irereply ko sa tita ko kasi wala rin akong magagawa. Nasa isip ko nalang ay mag working student nalang ako.)

Me: Sige po tita pasensya na po kayo salamat po sa tulong nyo sakin para maipagpatuloy ko po ang pag-aaral ko.

Tita: Pasensya kana iha ha.

Me: Okay lang po naiintindihan ko.

Tita: Seen

(Gulong gulo ang isip ko hindi ko alam bakit anong rason at ayaw na ako sustentohan ni Tita. Alam ko rin na wala akong rights para mag demand at hindi ko alam baka may financial problem din na kinakaharap ang Tita ko ngayon.)

*Ding*

Maine: Hey, are you awake?

(Biglang nag chat si Maine sakin kaso nakatulala lang ako habang naka titig sa aking cellphone. Di ko namamalayan unti unti na palang bumabagsak ang mga luha sa mga mata ko.)

*Ding*

Maine: Chat me if you're up okay?

(Nag chat ulit si Maine at dito napaisip ako kung pwede ba ako humingi ng tulong sa kanya. Hindi pa masyado matagal na nagkakilala kami kaya wala akong lakas ng loob para mag ask ng favor sa kanya.)

:Hindi nyo pag-aari yang lupa na yan wag nyo angkinin.

:Hindi nyo rin naman pag-aari ang lupa na to bakit kayo nag iiskandalo dito.

:Binili ko ang lupa na yan kay Danica kaya ako ang nag mamay-ari sa lupang yan

(Naririnig ko na may nag sisigawan sa labas kaya lumabas ako para tingnan kung ano ang nangyayari.)

:Oh edi sayo kunin mo

(Ang nagtatalo pala ay ang papa ko at ang tito ko na kapatid nya. Oo agawan sa lupa ang rason ng pagtatalo nila. Si Danica ay ang tita ko na nagpapaaral sakin. Habang nakikinig ako sa pagtatalo nila hindi ko mapigilan na umiyak kaya bumalik ako sa kwarto. Biglang gumuho ang mundo ko, naaawa ako sa magulang ko na kinakawawa ng mga kapatid nila. Kung sino pa yung kadugo sila pa yung humihila samin pababa.)

"Huhuhu bakit? Bakit nangyayari samin to anong nagawa namin?" tanong ko sa sarili ko habang umiiyak.

(Di ko napigilan ang sarili ko at humagulgol ako ng iyak habang naka takip ng unan sa mukha para di ako marinig. Imbes na magsabi ako sa kanila ay mas pinipili ko nalang itago at iiyak ng mag isa.)

*Ding*

Maine: Wake up cutie it's already 9am don't you have class today?

(Nabasa ko ang chat ni Maine kaya agad ako nag punas ng mukha tsaka ko sya nireplyan.)

Me: Hello wala akong class.

Maine: So it's your free day?

Me: Hindi rin.

Maine: Huh? What do you mean?

(Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para ikwento kay Maine ang nangyari. Dinadaan daan ko nalang sa tawa tawa ang pag kukwento sa kanya kasi ayaw ko na kaawaan nya ako at sabihin na nagpapaawa ako sa kanya.)

Maine: I see, so that's how it is.

Me: Oo pasensya na bigla akong nag open up sayo ng walang pasabi.

Maine: No it's okay I would love to hear that. It makes me feel like I'm a special to you.

Me: Yeah special ka na sakin haha.

Maine: *smile emoji* so what's your plan?

Me: Gusto ko sana mag ask ng favor sayo kung okay lang?

Maine: Sure just ask.

Me: Pwede mo ba ako tulongan maka hanap ng trabaho? Gusto ko sana mag working student gusto ko talaga matapos ang pag-aaral ko.

Maine: Oh that's a good idea. Hmm let me see.

Maine: How about this? You go to Mystic University and apply for a scholarship. Just introduce yourself and you'll get assisted there right away.

(Bigla akong nagulat sa chinat sakin ni Maine.)

"Huh? Mystic University? Hindi ba ito ang nangunguna sa ranking ng universities sa pilipinas?" curious na tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa chat ni Maine.

(Mystic University, eto ang top 1 University sa buong pilipinas na kung saan ay mayayaman at elite na students lamang ang nakakapasa. Mayroon lamang silang 98% passing rate in all field of professions. Sa 100% ng students na nag-aaral sa MU ay binubuo ng 90% anak ng mayayaman at kilalang pamilya sa pilipinas at sa ibang bansa. At ang 10% ay ang mga students na nakatanggap ng privilege na maging scholar ng University. Na kung saan ay matatalino lamang ang nakakapasa sa scholarship exam nila. Kaya hindi ako makapaniwala at napa nga-nga nalang ako sa chat ni Maine sakin.)

Me: Hala tama ba ang pagkakabasa ko? Mystic University?

Maine: Yes just go to the president's office directly when you go there and introduce yourself. You'll know what will happen after. Just follow their instructions.

Me: Sige sige try ko pumunta bukas. Thank you so much in advance Maine sobrang bait mo talaga.

Maine: No worries I'm glad I can help you with one of your problems.

Me: Thank yoouuu *heart emoji*

=Time Skip=

(Kinabukasan ay bumyahi ako papunta sa Mystic University.)

=Sa entrance ng MU=

Manong Guard: Visiting Ma'am?

Me: Ah o-opo kuya.

Manong Guard: Log book po muna ma'am.

Me: Sige po.

Manong Guard: Eto po Visitor's ID nyo ma'am.

(After ko mag log book ay binigyan ako ni manong guard ng ID. Tsaka ako pumasok sa campus.)

Naglakad papasok "ang gara naman dito visitor palang may ID na tsaka bat ang haba ng isle ng campus?"

(Ang lawak ng campus ng MU at ang haba ng isle mula sa entrance. 6x6 kilometers ang sukat na sakop ng MU aakalain mo na bumili sila ng isang city at ginawa itong campus. Napapaligiran ng 20 feet na wall at may kapal na 5 feet ang campus. Sa likod ng pader ay mga kakahoyan kung saan sa gitna ay makikita mo ang nag isle mula sa entrance papunta sa main field ng campus. Ang isle ay may halos 400 meters ang haba. Pag maglalakad ka mag isa sa gabi talagang namang nakakatakot. Kasi nasa gitna ang isle ng mga kakahoyan. Although may mga poste naman ay di parin maiiwasan na matakot ka lalo na kapag gabi.)

"Hoooo kaya pala mayayaman lang ang nag aaral dito. Isle palang kailangan mayroon kang service e kundi hihingalin ka talaga daig ko pa nag jogging dito." reklamo ko habang pawis na pawis at nag pupunas sa mukha.

(At sa haba ng nilakad ko ay narating ko na rin ang entrance building ng campus.)

"Halaaa woooow grabe" manghang titig ko sa mga building na nakikita ko sa campus.

My Husband is a Billionaire Tycoon (On Going)Where stories live. Discover now