1

10 0 0
                                    


Maximilian

I grabbed my duffle bag and slung it over my shoulder. I also took the keys to my BMW so I could leave and head to the university.

Habang nagmamaneho, kinuha ko ang phone ko mula sa bag upang makapagtipa sa aming GC. Ginamit ko ang nakasanayang ugali ko.

Ako:
Otw para pumasok sa first class

Serenity:
Ulol! Sabihin mo, manlalalake ka na naman!

Of course, 'yan agad ang sasabihin niya. I'm known for being gay, a jerk, a freaking horny gay. Nag haha react nalang ako sa chat niyang iyon.

Ang iba naman, ngayon lang nakita ang mga chat sa GC. Anim kaming kasama dito, tatlong lalaki at tatlong babae. Sa totoo lang, GC talaga nila ito, nakisawsaw lang kaming mga tukmol. Boring daw eh.

Bago tuluyang pumasok, dumaan muna ako sa coffee shop para bumili ng aking usual na kape sa umaga. Dala ko ang wallet at ang aking phone na kakatunog lang.

Mom:
Anak, check Mara for me please? Hindi daw sinasagot ni Mara ang calls ng Tita Aila mo.

Ano na naman ang ginagawa mo sa buhay mo, babae.

Ako:
Ma, she has her own life. Baka nag-b-boys lang kaya busy siya at hindi makasagot ng mga tawag from her mom.

Knowing her na mang lalalake? Tsk! Never ako nakakalap ng rumors about diyan. Miski lamok ay hindi niya yata pinapansin dahil sa pagiging seryoso nito sa buhay.

Mom:
Anak, huwag mong itulad sa'yo 'yan na grabe manglalake. Yaya Nene said na may dinadala ka naman daw na lalake diyan sa house.

Ano pa nga bang magagawa ko kung ang bilis mag-change ng topic pagdating sa paborito niyang anak-anakan?

Mom:
Ah, basta. Check her, okay? Kung kinakailangan, puntahan mo siya at kamustahin. Kung hindi, wala kang allowance this month.

Na-ah! Kung walang allowance, walang boys.

Ako:
I will take good care of her, Mom. Don't worry about Amara.

Baby sitter pa nga.

I slip my phone back into my duffle bag dahil kakapark ko lang at palabas na ng kotse. As I get out of my vehicle, siya namang pagdating niya rin gamit ang kanyang big bike habang naka-itim na helmet pa.

She's wearing a sports bra na pinatungan niya ng black crop leather jacket habang high-waisted jeans na humuhulma sa kanyang matangkad na katawan. Pang-model ang height niya, siguro malapit sa 5'11". 6'2" kasi ako, kaya kahit anong pagsuot niya ng kanyang black high boots, mas matangkad pa rin ako.

Siya lang yata ang babaeng parang maangas ang itsura dito. Karamihan kasi ng babae dito ay hatid-sundo ng jowa, bodyguard, o may sariling kotse. Siya lang ang nagmamaneho ng malaking motor na 'yan na sa tingin ko ay sobrang bigat gamitin.

As usual, laging walang emosyon ang mukha niya kapag nakatingin sa akin. Malay ko ba sa babaeng 'yan na akala mo ang laki ng pasan niyang problema.

Ganyan na 'yan simula noong junior high school kami.

"Tita Aila is calling you multiple times, girl. Inabala pa ako ng sarili kong Ina para lang kamustahin ka, para bang wala namang bago sayo." Sabay kaming naglalakad habang hindi niya ako tinatapunan ng tingin.

"You have your rights to say fucking no. Not my fault," she said, para bang nangaasar pa.

"Bitchesa ka talaga!" Usal ko sa kanya kasi masyadong gago ang ugali. Umagang-umaga ha.

Love Me and Never Let Me Go, AmaraWhere stories live. Discover now