Ch.1 The CEO

27 2 0
                                    

"Chiiiiin gumising kana anong oras na may pasok kapa" pasigaw na tawag ng babae kay Chin.

(Yup it's me, at ang babaeng nasigaw ay ang aking nanay. My name is Michelle but my family calls me Chin. Hindi ko alam bakit pero maybe dahil sa double chin ako since baby ako. Yes I am cute noong baby ako but now cute parin naman. Siguro?)

*Yawn while stretching*

"Oo na eto na kikilos na" sagot ko kay mama habang nag aayos ng higaan.

(Currently I'm a second year college student at ang course na kinukuha ko ngayon ay business. Tho this was not my dream course kasi gusto ko talaga maging nurse. Call me weird or psycho but I find interesting kapag nakakakita ako ng dugo. And kinikilabutan ako sa excitement kapag nakakakita ako ng syringe.)

=Time Skip=

"Balita ko may event daw sa school nyo ngayon?" Tanong ni mama sakin.

"Meron ba? Di ako na inform" sagot ko sa kanya habang kumakain.

(Napaisip ako na may nabanggit yung kaklase ko about sa Business Event na gaganapin sa aming school. Kaya agad kong tiningnan ang page ng school namin if meron silang announcement.)

"Ah oo meron pala ngayon about business daw. May bibisita ata na businessman sa school at nag s-skills hunt sa mga business ad na students" sabi ko kay mama habang ngumunguya.

"Oh edi pumunta ka malay mo mapili ka mabigyan ka ng chance na magkaroon ng magandang pag tatrabahoan after mo grumaduate" sambit ni mama habang nag titiklop ng damit.

"Opo wala naman akong choice kahit ayaw ko pumunta kasi mandatory at may attendance" sagot ko habang nagliligpit ng pinag-kainan.

(After ko mag asikaso ay umalis na ako ng bahay papasok ng school. Medyo may kalayoan ang bahay namin sa school ko kaya kailangan ko mag bus papunta doon. Kahit may van kami ay hindi naman nila ako prinsesa, kaya wala akong privilege ng hatid sundo. Bunso ako pero mas prinsesa nila ang kapatid ko na teacher kaya less attention ang binibigay nila sakin.)

"Haay jusko ang init tagal tagal pa ng bus" sabi ko habang nakatayo sa tabi ng kalsada.

"Oh iha sasakay kaba may bakante pa" tawag sakin ng kundoktor ng bus.

"Ah opo" sagot habang dali dali sumakay at umupo.

(Habang nasa biyahe ako ay naglaro muna ako ng Mobile Legends. Dito ako madalas babad sa paglalaro kaya minsan napapagalitan ako ni mama.)

"Mag set ka ang bobo mo mag tank nasa likod kalang" galit kong bulong sa sarili ko habang naglalaro.

*You have been slain*
*Enemy double kill*
*Enemy triple kill*
*Enemy maniac*
*Enemy savage*
*Wiped out*

"Bwesit kami pa yung naubos tanga tanga na mga kakampi nakakainis" galit kong bulong sa sarili sabay tingin sa labas.

(Sobrang traffic talaga ng daan papunta sa school namin kaya minsan kahit maaga ako umaalis at nalelate parin.)

=Time Skip=

*Wiped out*
*Defeat*

"Ayan talo bwesit na mga kakampi walang kwenta" sabay off ng cellphone ko.

=Time Skip=

(Dumating na ako sa school namin after ng 3 hrs na biyahe. Nakita ko ang mga kaklase ko kaya sumabay na ako sa kanila. Kahit di ko sila close ay nakisabay nalang ako since pareho lang din naman kami ng pupuntahan.)

Mc: Good Day! Ladies and gentlemen, today is an important event specially to our dear business ad students. As what the announcement says, we will be having a distinguish guest not just a random guest but a very famous one. Not only that his name is well known in the field of entrepreneurship but also in the field of sports. Without further ado, let us please welcome the number one CEO also an honorable partner of our school. Mr. Jay Xie around of applause please.

(Jay Xie, sya ang pinaka batang naging CEO sa pilipinas. Hindi lang basta sa pilipinas kilala ang pangalan nya kundi ay kilala din sya sa buong mundo. At the age of 16 may sarili na syang restaurant. After two years nakapag patayo ng sarili nyang mall known as Jay Mall. Sa edad na 20 may sarili na syang company known as Mister J, ngayon sya ay 24 at hindi ko alam kung anong businesses pa ang meron sya. Although may nakalathala sa news kung ilang businesses meron sya ay alam ng lahat na hindi lang iyon ang lahat ng meron sya.)

"Infairness magandang lalaki sya, pero may pagka mysterious parin ang pagkatao nya" bulong ko sa sarili ko.

"Mister Jaaaaaaayy anakan mokoooo" sigaw ng kaklase ko habang kumakaway kaway pa.

"Alam nyo ba nagmamay-ari din daw sya ng isang cosmetics brand. At hindi lang yun may modeling agency din sya na sya ang nag mamay-ari." kwento ng isang kaklase ko.

"Grabe no ang bata pa pero grabe na yung achievements sa buhay." sabi naman ng isa ko pang kaklase

"Oo nga eh, pero pogi din sya pwede rin sya mag model or mag artista" dagdag naman ng isa.

(Habang patuloy ang ginaganap na event ay hinanap ko na agad ang may hawak ng attendance. Hindi talaga ako pala socialize na tao kaya mabilis maubos ang social battery ko. Mas gusto ko pa umuwi at mag kulong sa kwarto kesa lumabas at makihalobilo.)

=Time Skip=

"Nakakagutom maka kain na nga lang muna bago umuwi" habang naglalakad ako papunta sa isang fast food.

(Pagka dating ko sa fast food ay umorder na agad ako ng maka-kain ko. Tsaka ako naghanap ng pwesto na mauupoan. And luckily may vacant seat sa may bandang sulok which is my favorite spot.)

"Haay makaka-kain na rin sa wakas" sabay lapag ng inorder kong pagkain at upo.

"Excuse me? Pwede bang maki-share ng table?" tanong sakin ng lalaki na naka hoodie naka shades at naka face mask.

"Ah o-oo okay lang" gulat kong sagot sa kanya.

"Thanks" sambit sabay upo.

"Ang weird naman ng lalaking to init init naka hoodie don't tell me kakain ng naka face mask to?" bulong ko sa sarili ko habang kumakain.

(Naunang matapos kumain ang lalaki sabay umalis agad ng walang pasabi. Ako naman ay kakatapos lang kaya nag ayos muna ako bago ako umuwi. Pero may napansin ako sa table habang nag liligpit.)

"Hala naiwan nya ang panyo nya" sabay kinuha ko ang panyo at hinanap yung lalaki kaso hindi ko na sya mahanap.

"Hayaan ko ba? Sayang naman ang ganda ng panyo" sabay amoy

"Wow ang bango eto yung mamahaling pabango ah. Mayaman pala ang lalaking yun?... Ay ano to may tatak? JX? Weird...!" taka kong sabi sa sarili ko sabay tinago ang panyo sa bag ko at umalis.

My Husband is a Billionaire Tycoon (On Going)Where stories live. Discover now