Chapter 54: Black Rose Part 2

86.2K 2K 90
                                    

Chapter 54: Black Rose Part 2

Rina's P.O.V

          Nagulat talaga ko ng halikan ako ni Xander sa harap ng mga tao sa may cafeteria. And the way he stands for me, natuwa ako doon.

[Flashback]

          "Rina," sabi nya matapos hawiin yung buhok ko. "Close your eyes."

          "H-Huh?" gulat na sabi ko. "Bakit?"

          "Just close your eyes." nakangiting sabi nya. "Promise wala akong gagawing masama."

          Nagtataka man ay isinara ko nan lang yung mata ko at sumunod sa utos nya.

          At maya-maya pa, may naramdaman akong malambot na bagay na dumapi sa labi ko. At nang buksan ko ang mata ko, I saw Xander kissing me.

          After that kiss, he lie his forehead to mine at saka nya ako nginitian ng ubod ng tamis.

          "To seal our relationship..." sabi nya saka ako iniharap sa mga tao.

          "Tigilan nyo na ang pagsasabi ng kung ano-ano tungkol sa girlfriend ko." sabi nito sa mga tao sa loob ng cafeteria.

           I blushed when he said that I am his girlfriend. Lalo tuloy akong naguguilty sa nagawa ko.

          "Sa susunod na may sasabihin kayong hindi maganda sa kanya, ako na ang makakalaban nyo. Naiintindihan nyo ba?"

          At matapos noon, hinila nya ako papasok sa cafeteria at pumunta kami sa may counter.    

          "Sabi sa inyo eh! Sila na!" at nagsimula na naman yung bulong-bulungan nila.

          "Ano ba naman yan! Unti-unti na nilang inuubos yung mga Prince natin nakakainis! Dapat na ba tayong ma-threaten sa mga transfer student dito?"

          "Nakita nyo ba nung hinalikan sya ni Prince Xander kanina? Grabe ano? Paniguradong sarap na sarap sya doon!"

          "Malandi talaga!"

          Iniwas ko na lang yung tingin ko sa mga nagbubulong-bulungan at saka tumingin sa menu list na nasa harapan ko.

          "Ano bang gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Xander. "Dapat kumain ka ng madami. Wag kang mag-alala akong bahala sa mga kakainin mo."

          Napangiti na lang ako kay Xander at tuluyang inignora yung mga tao doon sa loob ng cafeteria.

          After all, lalong humihigpit yung hawak ni Xander sa kamay ko kapag nakakarinig sya ng mga ganoong bulungan tungkol sa akin. Xander is not the type of guy na nanakit ng babae kaya ganoon na lang yung pagkainis sya sa mga nagbubulungan na iyon.

          And I know that he's telling me that I should stop minding them and that there's nothing to be afraid dahil nandito naman sya san tabi ko.

          Napatingin ako sa magkadikit naming kamay at ngumiti ako doon at saka hinigpitan din yung hawak sa kanya.

[End of Flashback]

          Matapos kong gawin yung tambak na home work na binigay sa amin, bumaba ako sa may sala nang tawagin ako nila Mama at Papa para maghapunan. At sa pagbaba ko, sakto namang pagpasok ni JD sa bahay.

My Jealous Stepbrother (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon