Chapter 31: Mutual Feeling

110K 2.7K 296
                                    

Chapter 31: Mutual Feeling

Saturday. 1 day before the wedding.

Rina's P.O.V

          Kasalukuyan akong nasa kwarto at gumagawa ng assignment ko nang bigla na lang tumunog yung cellphone ko. May nagtext.

          [Hope that that puppy finds a home with you. I'm really glad that I picked him up and give it to you. I know that you will be a good mother to him. :)]

          Napangiti ako matapos kong mabasa yung text ni Xander.

          Hindi ko talaga alam kung bakit pero napapangiti na lang ako bigla pag nasa malapit lang si Xander. Everything about Xander makes me smile.

          Nireplyan ko sya.

          [Thank you talaga sa pagbigay mo sa akin ng cute little puppy na 'to. :) Nga pala, ano kayang itatawag ko sa kanya?]

          Inakala kong hindi na ako rereplyan ni Xander pero nagulat ako ng bigla na lang tumunog yung phone ko. Another new message.

          [Ikaw na yung Mommy nya di ba? Ikaw na lang mamili ng ipapangalan sa kanya. Sigurado naman ako na magugustuhan nya kahit anong pangalan pa ang ibigay mo.]

          At nagsimula na kaming magpalitan ng text messages ni Xander.

          [Hmm..ano kayang magandang itawag sa kanya? Ikaw? Any idea?]

            [Hmm...what if we call him Rue?]

            [Rue? Bakit Rue?]

            [Wala lang. Para cute. Kasing cute ng Mommy nya. :)]

          Bigla akong nagblush sa huli nyang text.

          [A-Ano ka ba! Hindi kaya! Mas cute kaya si Baby Rue!]

            [O sige na. Mas cute na si Baby Rue. Pero mas maganda pa din yung Mommy ni Baby Rue. ;) Di ba Baby Rue? Say hi to him for me!]

          Napatingin ako kay Baby Rue na kasalukyang natutulog malapit sa may paanan ko. This puppy is so sweet just like...Xander. *blush*

          [Tulog na si Baby Rue eh. Bukas na lang kita ikukumusta sa kanya.]

            [Ganun ba? Too bad. May binili pa naman akong freebies sa kanya. :(]

            [What's with the sad face?]

            [I wanna see Baby Rue kasi. Dami ko pa namang ibinili sa kanya na toys.]

            Nakatanggap ulit ako ng panibagong text kay Xander.

            [Can I see Baby Rue today?]

            [Huh?] reply ko saka napatingin sa digital clock sa table ko. Its's already 7:00 in the evening.

            [As in, ngayon na?] text ko.

            [Yeah. Kung pwede sana?]

          Rereplyan ko na sana  ng hindi pwede si Xander nang bigla na lang gumalaw yung tuta sa paanan ko at dinilaan yung paa ko.

          [Hey! Gising na si Baby Rue! Mukhang nagising yata sya kasi alam nyang pinag-uusapan natin sya :D]

My Jealous Stepbrother (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon