Chapter 14: First Kiss

149K 3.7K 953
                                    

Chapter 14: First Kiss

JD's P.O.V

          Nandito kami ako ngayon sa may modista ni Dad para magpasukat at kuhain yung isusuot ko daw para sa kasal nila days from now.

          Tsk! Kasal. Pinagsasabi nun? Para namang matutuloy yung pagpapakasal nila!

          Remember my plan? For sure na mapapahinto nun ang kasal nila kaysa sa usual na 'Itigil ang kasal' line sa mga pathetic drama. Imagine na sasabihin ko yun during the ceremony? Ang panget di ba? Hindi ako yun! So uncool.

          My plan is more concrete and effective. Panigurado yun!

          "Sir ito po yung damit ninyo."

          Naiinis na hinablot ko sa babae yung damit saka papasok sana sa may dressing room ng bigla na lang magsalita yung mistress ni Daddy at si Dad mismo.

          "Wow! You look beautiful Rina!" sabi nung Mama nya.

          "Wonderful! Perfect! Mukhang malalamangan mo pa yata ang bride ah!"

          Bagot na napatingin ako sa direksyon nila. At ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang Rina na yun suot ang isang putting gown at may suot pang tiara sa ulo nito.

          Teka! Sya ba talaga yun?!

          "Look son! Isn't she lovely?" natututwang tawag sa akin ni Dad.

          'Hmmm...pwede na.' sa isip ko.

          Pero, to tell you honestly, nagandahan talaga ako sa Rina na yun ngayon. I've never imagine na may igaganda pa pala sya. I mean, common na yung pagiging cute sya—wag nyong bigyan ng ibang kahulugan yung sinabi ko. Marunong lang akong mag-appreciate ng beauty especially yung beauty sa dilim at walang damit. But, nevertheless, she looks stunning sa white gown na yun.

          Tango na lang ang naging sagot ko sa sinabi ni Dad. Alam nyo naman? Bait-baitan pa din ang arte ko sa harapan niya.

          I want to make sure na maloloko ko si Dad at mapaniwala sya na sang-ayon na ako sa kasal nila nung Catherine the mistress nya.

          Kung hindi nga lang magiging asawa ni Dad si Catherine, I might like her. She's kind, caring, very wife. Pero dahil nga sa oportunista sila at sisirain nila ang bahay ni Mommy, I have no choice but to hate them without further explanation or reason.

          Nakita kong napatingin si Rina sa direksyon. And I must say na muntik na akong mapaatras doon sa ginawa nya, which I don't know why I almost did that. Siguro makikipag-away na naman sa akin ang babaeng 'to. Defensive mechanisms?

          But I still hate her guts.

          Ngayon lang ako nakakita ng isang babae na hindi natatakot sa akin and that pisses me off! Well, there's Hanna but Hanna is another topic. She's my friends girlfriend and she's cool and she's nice and I have good feeling for her kaya hindi ko sya dapat isama sa magaspang na pag-uugali ng babae na 'to.

          I have never encountered such girl na hindi man lang kumurap whenever I made an eye contact. Sa tingin ko pa lang tumatakbo na palayo yung mga tao sa akin. But this girl?! This Rina whoever she is, never did.

          Yes, she shows fear pero nandoon din yung will to fight against me.

          Her furious eyes and gazes irritates me. I hate her eyes!

My Jealous Stepbrother (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon