Chapter 13: Alexander

122K 3.2K 230
                                    

Chapter XIII: Alexander

 

 

Xander's P.O.V

 

 

          "What the?! Ano bang ginagawa nya?!"

          Mula sa kinahihintuan ng kotse ko sa kabilang giid ng kalsada, pinapanuod ko ang isang babae sa balak nyang pagtawid sa may highway.

          "Nagsusuicide ba sya?!" sabi ko na lang saka bumaba ng kotse.

          Balak ko sanang tumawid sa may kabilang gilid ng kalsada upang mapagsabihan ang babaeng iyon sa balak nyang pagpapakamatay pero hindi ko magawa dahil sa walang humihintong sasakyan sa parteng iyon ng expressway.

          Kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang panuorin na lang ang babae sa attempts nya na pagtawid sa kalye.

          She looks cute. Iyon ang comment ko nang matitigan kong mabuti ang mukha nung babae. Kahit na pawisan na ito at mukha ng haggard, cute pa din sya. Sayang naman kung magpapakamatay lang sya.

          "Can someone stop? I need to get my bag!" narinig kong sigaw ng babae sa mga dumadaang sasakyan.

          "Bag?" sabi ko saka sinundan ng tingin ang direksyong gusto sanang puntahan ng babae.

          And there, lying in the middle of expressway is a bag—yung bag ng babae.

          Sinubukan pa ring tumawid ng babae pero wala pa ding mangyari hanggang sa makita na lang nya na maluha ito sa sobrang frustration at umalis na lang.

          "Sino ang naglagay ng bag nya doon?" tanong ko sa sarili ko.

          Pinanuod ko na lang na maglakad ang babae palayo.

          She doesn't have a car? At isa pa, bakit sya maglalakad? Wala ba syang balak sumakay?

          At doon pumasok sa utak ko yung tungkol sa bag nya. Hindi kaya nasa loob din ng bag nya yung pera nya?

          And beause of that, I have this urge na tulungan yung babae kaya bumalik ako sa loob ng sasakyan at sinimulan ko ng paandarin yung sasakyan ko.

          Mabilis kong pinaharurot yung sasakyan ko saka ko biglang hininto sa may gitna ng kalsada kung saan malapit din sa bag na gustong kuhain ng babae.

          "WHAT THE F*CK! Bakit ka huminto dyan!" sigaw ng isa driver ng sasakyan na muntikan ng bumunggo sa sasakyan ko dahil sa bigla kong paghinto.

          At ang sumunod na noon ay malalakas na busina mula sa sasakyan ng mga naabala ko.

          Binilisan ko ang paglabas sa kotse ko saka kinuha ang bag ng babae.

          Aaalis na sana ako at patatakbuhin ng mabilis ang sasakyan nang may isang traffic enforcer ang humarang sa daraanan ko at pinapalabas ako ng sasakyan.

          "Alam mo ba na bawal huminto sa parteng ito Sir?"

          At sunod-sunod na ang sermon sa akin ng traffic enforcer at mura ng mga naabala kong pasahero.

          Pero ewan ko ba kung bakit napapangiti pa ako sa nangyayari. Maybe because of the bag na hawak ko ngayon.

          And then, I have decided na hanapin ang babaeng nagmamay-ari ng bag at ibalik iyon sa kanya.

Westside University

 

 

          Dito ako unang naghanap dahil sa pamilyar sa akin ag uniform nung babae. Ganoon din kasi ang uniform ng kapatid kong babae.

          "Kuya Alex?"

          Sinundan ko pinanggalingan ng boses na iyon.

          "What are you doing here?" tanong sa akin nung kapatid ko nang makalapit na ito sa akin.

          "I'm looking for the owner of this bag."

          Tinaasan ako ng kilay ng kapatid ko. Ang taray talaga ng maliit na babaeng 'to. Well, she's not small, mas matangkad lang talaga ako sa kanya.

          "At saan mo naman nakuha yan?"

          "Sa gitna ng expressway."

          "Huh?!"

          At sinimulan ko na ngang ikwento sa kapatid ko ang nangyari sa akin kanina. Nakita kong hindi kumbinsido ang kapatid ko noong una pero katagalan natawa na lang sya sa akin. Especially sa part na hinila na ng tow truck yung sasakyan ko.

          "You're crazy!" sabi ng kapatid ko. "Para lang sa isang bag pinagpalit mo ang Porsche mo?! " natatawa pa ding dugtong nito.

          "Just shut up Hanna will you?"

          Pero tinawanan pa rin sya ng kapatid.

          Matapos naming magkakwentuhan ni Hanna sandali ay nagsimula na akong libutin ang buong Westside para hanapin ang babaeng nagmamay-ari sa bag na hawak ko ngayon.

          At sa pagpasok ko sa isang building na naroon ay nakita ko sya.

          'Found you!' sa isip ko.

          "Oh there you are!" sabi ko saka tumakbo papalapit sa babae.

          Nang magkaharap na kami, hindi ko mapigilang humanga sa kanya.

          SHE'S CUTE! Really cute!

          "Here!" sabi ko sabay abot ng bag nya sa kanya without breaking an eye contact.

          Para akong na-adik sa mukha nya kaya kung ano-ano na lang yung lumalabas sa bibig ko.

          Hiningi ko pa ang cellphone number nya! And when did I become a chessy guy?!

          "Thank you pala sa ginawa mo huh?!" iyon na lang ang sinabi nya nung magpaalam na ako sa kanya.

          Hindi ko na sya nilingon sa halip itinaas ko na lang ang kamay ko sa kanya.

          "I'll make sure that will see each other again Rina..." sabi ko sa sarili while wearing this silly smile on my lips.

          I've never been this dumbstruck to a girl. Sa kanya lang. Kay Rina lang.

          And I don't also believe in love at first sight. Kaya kung ano mang 'tong nararamdaman ko towards her is simple admiration. No more. No less.

          I hope.

A/N: Meet Papa Xander/Alex—ang dakila at uber na loving brother ni Hanna. Abangan na lang natin yung love triangle nila JD—Rina—Xander.

 

LET THE HUNGER GAME BEGIN! BWAHAHAHAHA!

 

VOTE & COMMENT SA MAY TRIP.

My Jealous Stepbrother (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon