IV. True Colors

8 0 0
                                    

Yhzel

Kanina pa 'ko tulala sa kisame habang ang katabi kong si Menard ay mahimbing nang natutulog at tila pagod na pagod. Katatapos lang ulit naming magniig at kagaya ng mga naunang gabi na magkatabi kami't ginagawa ang aktibidad na iyon ay para akong robot na sunod-sunuran sa mga gusto niyang gawin.

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang ikasal kami ni Menard at sa loob lang ng maikling panahon na iyon ay marami ang nabago. He take full control of my company, and his mother stays with us. Sinunod ko ang kagustuhan ni Menard na sa bahay na lang ako mamalagi at asikasuhin ang ina niya, noong una ay tumutol ako at sinabing may mga katulong naman ako sa bahay subalit nagalit siya sa akin at tinanggal ang mga katulong na matagal nang nanilbihan sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang hayaan ito sa bagay na iyon upang maiwasan namin ang pagtatalo. Ma punto naman siya, simula nang ikasal kaming dalawa ay siya na ang tumatayong padre de pamilya sa bahay na iyon at ang tanging gagawin niya na lang ay pagsilbihan siya at ang kanyang ina.

Nang mga unang araw nang pagsasamal namin ay medyo nangangapa pa ako sa mga gawaing bahay dahil sanay akong ang mga katulong ko ang gumagawa niyon ngunit pagkalipas lang ng ilang buwan ay nakasanan ko na din. Maging ang bunganga ng ina ni Menard ay nakasanayan ko na rin na halos araw-araw ay pinagsasabihan ako at pinapakialaman sa mga gusto kong gawin.

"Yhzel, ano ka ba naman? Tanghali na wala pa ring pagkain ang asawa mo? Ang bagal-bagal mo namang kumilos?" Nakapameywang na singhal sa akin ng ina ni Meynard.

"'Ma, masama ang pakiramdam ko, bakit hindi mo na lang muna ipagluto si Menard? Wala ka namang gagawin, 'di ba?" malumanay kong sabi sa kanya.

"Aba't, hoy, asawa ko ba iyan? Ba't ko ipagluluto iyon, eh, responsibilidad mo iyon bilang asawa niya?" salubong ang kilay na singhal pa rin niya sa akin.

"Ano ba'ng nangyayari dito? Umagang-umaga, nagbabangayan na naman kayo?" ani Menard na kapapasok lang sa kusina.

Akala ko ay lalapit siya sa akin at hahalik ngunit lihim akong nadismaya nang sa ina niya ito lumapit at humalik saka naglakad papunta sa ref para kumuha ng tubig.

"Iyang asawa mo, hindi ka pinagluto ng pagkain!" nakairap na sumbong ng ina ni Menard. "At gusto pa akong utusan na ipagluto ka! Ano ba naman iyang napangasawa mo, Menard, wala pa kayong isang taon pero ipinapakita na ang katamaran!"

Hindi ako kumibo at nanatiling nakapinid ang mga labi, gusto ko sanang sumagot pero kapag ginawa ko iyon ay magtatalo na naman kami ni Menard at ako na naman ang lalabas na masama.

Sinulyapan lang ako ni Menard at inilagay ang ininumang baso sa lababo. "Don't bother, 'Ma. Hindi rin naman ako kakain dito, may morning appointment ako sa isang VIP Busenessman at paalis na rin ako."

"VIP Business? Ibig sabihin bigatin iyan?" nangingislap ang mga matang tanong ng Mommy ni Menard.

"Yes. At kapag nakuha ko ang deal na ito ay baka lumawig pa ang connection ko sa business world. May plano na rin akong magtayo ng panibagong negosyo sa Makati," nakangising pagyayabang ni Menard.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nila.

"Talaga? Naku, ang galing naman talaga ng anak ko. Mamayang gabi pag-uwi mo ay ipagluluto kita ng paborito mong ulam," nakangiting wika ng Mommy ni Menard at tumingin sa akin. "Magpunta ka sa grocery at bumili ng mga kakailanganin ko sa pagluto, baka pati iyon katamaran mo pa?"

Tumango ako at balak magsalita ngunit nagpaalam na si Menard at hindi man lang nagawang humalik sa akin. Nang maiwan ako mag-isa sa kusina ay saka lang ako malakas na nagbuntonghininga, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa kong pagpapakumbaba sa asawa ko't ina niya.

You Broke Me FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon