I. ENGAGE

33 0 0
                                    

Yhzel


Tumunog ang alarm clock na nasa gilid ko lamang. Nakapikit ko iyong inabot upang patayin, pagkatapos ay iinat-inat akong bumangon. Agad akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at ayusin ang sarili, alas singko pa lang ng umaga ngunit kailangan ko nang bumangon upang mag-ehersisyo at magpapawis.

Paglabas ko ng banyo ay kumuha ako ng pares na damit pang-jogging. Maglilibot ako ng tatlumpong minuto sa loob ng compound namin at pagkatapos ay dederetso siya sa gym para magpapawis ng tatlumpong minuto ulit.

Bago ako lumabas ng bahay ko ay nagbilin ako kay Myrna na kaunti lang ang lutuin dahil sa opisina na ako kakain. May early meeting ako with Mr. Tobierna at hindi ako puwedeng ma-late dahil may pagka-istrikto iyon sa oras.

Ilang sandali pa ay naglilibot na ako sa buong compound, may mangilan-ngilan akong nakikitang nagjo-jogging din katulad ko. Pagdaan ko sa may parke ay may nakita akong mga nagzu-zumba, nagpahinga lang ako saglit at nagtungo na sa gym. Hindi ako puwedeng mahuli sa naka-program kong oras dahil bawat minutong lumilipas ay mahalaga.

"Good morning, Ma'am Yhzel. How are you today?" nakangiting bati sa akin ng security guard.

Awtomatiko akong napangiti at binati rin siya. "Good morning, Kuya Dino. I feel good today, how about you?"

"I'm good, thanks!" sagot niya at sumaludo pa pagkatapos kong mag-log in.

Nakakatuwa si Kuya Dino at talagang ma-go-good vibes ang kahit na sinong papasok dahil sa magandang ngiting isinasalubong niya sa mga tulad kong nagpupunta ng maaga sa gym.

Eksaktong alas sais ay umalis ako sa gym at umuwi na. Sinalubong ako ni Yaya Myrna para ipaalam na tumwag ang nobyo ko. Napangiti ako at pagkatapos kung magpaalam ay mabilis akong umakyat at hinanap ang cellphone ko. Kinuha ko agad iyon at tiningnan, may tatlong missed call nga si Menard at dalawang text.

Umupo ako sa gilid ng kama ko at idinayal ang numero ng katipan, hindi mawala sa mga labi ko ang magandang ngiti. Sa totoo lang ay kinikilig ako, talagang nagawa pa niyang magising ng umaga para ipaalala sa akin ang meeting ko at ang pagkikita namin mamaya.

Ilang ring muna ang narinig ko bago narinig ang paos niyang boses. Halatang bagong gising lang ito.

"Good morning," malambing na bati ko sa kanya. "I'm sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo. Alam mo namang—"

"Yeah, I know," putol niya sa sinasabi ko. "Tumawag lang talaga ako para ipaalala sa'yo ang meeting mo at ang lakad natin later."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko maitago ang kilig sa sobrang sweetness niya.

"I know you're smiling, sweetheart," sabi niya sa kabilang linya.

Natawa ako at napakamot. "Bakit mo alam?"

"You can't hide from me, sweetheart," malambing niyang turan.

Ipinilig ko ang ulo ko at humiga sa kama. "May pupuntahan ka ba ngayong umaga?"

"Yeah," tinataad niyang sagot. "May importante akong aasikasuhin, why?"

"Importante? Like what?" tanong ko.

"Basta, huwag ka nang magtanong pa. See you later," aniya.

"Okay, I love you," malambing kong turan.

"I love you too. Bye."

Pagkababa ko ng cellphone ay napatingala ako kisame, lumitaw doon ang guwapong mukha ng katipan ko—nakangiti sa akin at puno ng pagmamahal na nakatingin sa akin.

Napangiti ako. "I love you, Menard," usal ko.

Ilang sandali akong nanatili sa ganoong posisyon—nangangarap ng gising. Mahigit isang taon na kaming magnobyo ni Menard at wala siyang ibang pinapakita sa akin kundi kabutihan at sobra-sobrang pagmamahal. Pakiramdam ko ay isa ako sa mga biniyayaan na magkaroon ng isang mapagmahal na nobyo.

You Broke Me FirstWhere stories live. Discover now