II. At my Wedding

16 1 0
                                    

Yhzel

ISANG buwan lang ang binuno naming paghahanda para sa aming kasal. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko sa mga panahong iyon, ganito ba talaga ang pakiramdam na ikakasal ka na? It was liked mixed emotions flowing my body. Matinding kaba, saya at excitement. Lahat ng mga kakilala ko ay walang ibang sinasabi kundi ang i-congrats ako at best wishes.

Napatingin ako sa salaming nasa harap ko at pinagmasdan ang sariili kong nakaayos na, hindi ko mapigilang hindi malungkot. Kung sana lang ay buhay pa ang mga magulang ko ay tiyak na iiyak ang mga ito sa natatamasa kong kaligayan.

"Hey," sumulpot mula sa likuran ko ang aking Secretary at bestfriend na si Sasha. Lumapit siya sa akin na nakangiti at halatang masayang-masaya para sa akin. "Bakit mukha kang malungkot? Dapat maging masaya ka dahil ikakasal ka na, sige ka, baka masira iyang make-up mo. Ang mahal-mahal pa naman ng bayad mo diyan," pagbibiro niya sa akin.

Pagak akong natawa at sunod-sunod na umiling. "I was not crying, naalala ko lang ang mga magulang ko," sabi ko at napabuntonghininga ng malalim. "I wish they were here with me."

Ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay ko. "I'm here, and I'm happy to be here with you—to witness you marching towards the man that you love the most. Hindi pa ba sapat iyon?"

Tumango ako at hindi ko napigilang mapaluha. I met Sasha a long time ago, nag-apply siya bilang sekretarya ko. Kasa-kasama ko siya kahit saan ako magpunta, mapa-meeting, o out-of-town vacation and trip outside the country. Sa kanya din ako nagbubuhos ng sama ng loob at nagshe-share ng masasayang moments na nangyayari sa buhay ko. In short, she became my bestfriend. And I thank God, for giving me people who I can count on, who I can lean on.

"Tama na nga ang drama," natatawa niyang turan. "Pati ako ay naiiyak na sa ginagawa mo."

Natawa rin ako at kumuha ng tissue upang punasan ang gilid ng mga mata ko na nagsimula ng mamasa. "Thank you," buong puso kong pasasalamat sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Your groom is waiting for you . . . let's go," sabi niya habang hinahagod ang likod niya.

*****

PAGHINTO ng kulay puting sasakyang kinalulunan ko sa tapat ng simbahan ay malakas na tumunog ang kampana. Hudyat na magsisimula na ang seremonyas. Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa matinding excitement. This is it! Kapag bumaba ako sa sasakyan na 'to at maglakad papasok sa simbahan ay tuluyan nang mababago ang buhay ko.

No more waking up alone . . . sleeping alone . . . and being alone, anymore.

Lahat ng gagawin ko ay may kasama na ako lagi, nasa tabi ko na palagi si Menard, simula paggising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ng gabi. We will be living happily for the rest of our lives . . . and I will make sure of that.

Lumapit ang wedding organizer sa akin at binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Magsisimula na po tayo," nakangiting sabi niya sa akin.

Huminga ako ng malalim saka tumango. Inalalayan niya ako pababa ng sasakyan at hanggang sa makaakyat ako ng simbahan. Nang nasa tapat na kami ng malaking pinto ng simbahan ay mariin kong kinagat ang aking labi upang mapigilan ang paghikbi. I need to control my emotions, it isn't the time to cry. Nakakapangit daw iyon, sabi nila.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan, tumambad sa akin ang mga saksi sa pag-iisang dibdib ko at ng taong pinakamamahal ko. May mga reporter ding naroon upang kuhanan ng live ang kasal namin kagaya na rin ng request ni Menard. Ayoko sanang i-broadcast iyon sa telebisyon dahil mas gusto ko ang pribadong kasal lang at piling pili lang ang mga imbitado ngunit kabaliktaran iyon sa gusto ni Menard, dahil gusto niiyang ipakita sa lahat kung gaano siya kasuwerteng ako ang napangasawa niya.

You Broke Me FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon