Nagkamali si Yhzel nang tanggapin niya ang pag-ibig ni Menard. Naniwala siya sa matatamis nitong salita ngunit sa huli ay sinaksak siya nito ng patalim mula sa likuran. Pagkatapos nitong makuha ang lahat ng kayamanan niya ay saka nito inilabas ang mga sungay na hindi niya nakita dahil sa pagkabulag sa pagmamahal dito. Nalaman niyang matagal ng may relasyon sina Menard at ang sekretarya niyang si Sasha. Hinayaan niyang isipin ng mga itong patay na siya para sa kanyang pagbabalik ay pagbayarin niya ang mga ito sa kahayupang ginawa sa kanya. Walang puwang sa puso niya ang pagmamahal hangga't hindi niya naipaghihiganti ang kahihiyang ipinalasap ng mga ito sa kanya at ang muntikan nang pagpatay ng mga ito sa kanya at sa kanyang anak. Ngunit mapipigilan nga ba ang puso? Kung sa tuwing kakailanganin niya ng lakas at masasandalan ay nariyan ang isang Rhett Montezar na handa siyang protektahan at ipaglaban sa kahit na sinong gustong manakit sa kanya?
6 parts