Chapter 11

407 4 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

DALAWANG araw ang nagdaan mula nang makabalik si Frances sa bahay ng kanyang mga tiya. Even when she had insisted na hindi niya kailangan ng nurse, pinasamahan pa rin siya ni Hedrick sa isang pinagkakatiwalaan nitong katiwala—si Aling Mercy—to do things for her para hindi mapuwersa ang kanyang may-sugat na kamay. Mula nang maibaba siya ni Hedrick sa bahay, hindi pa ito bumabalik. Hanggang sa nagdaan ang isang linggo, ni hindi nakikipag-communicate ang binata. Ni anino nito, hindi nagpakita sa kanya.
Kaya umaga pa lang kinabukasan pagkatapos ng unang linggong iyon, nagmamaktol na si Frances. It took a week bago maubos ang kanyang pasensiya. Ang sabi ng Hedrick na iyon, pumayag itong umuwi siya para maging fair ito sa kanya. At liligawan daw siya nito. Napaismid siya. Kung akala ng lalaking iyon ay ganito ang panliligaw, then kahit may pag-asa na sana ito sa kanya, ngayon ay wala na. Kung mayroon man siyang kaunting nararamdaman, ililibing na lang niya iyon. Sigurado si Frances, kapag sumuko siya sa lalaking iyon, paglalaruan lang siya nito habang-buhay.
Sinasabi na kasi niya, eh. Hindi iibig si Hedrick sa isang tulad niya. Ang layo-layo ng mga estado nila sa isa't isa. Hindi sila puwedeng magkasama.
In three days' time, aalisin na ng doctor ang tahi sa sugat ni Frances. Kapag nangyari iyon, pababalikin na niya ang katiwala nina Hedrick sa bahay ng mga ito. At pagkatapos ay hindi na niya gustong magkaroon pa ng kahit anong koneksiyon sa mga del Rey.
Hindi na siya makikipaglokohan sa mga ito.
"SIR? SIR? Wake up. You need to fasten your seat belt. Nakikipag-coordinate na ang pilot natin sa tower. We're going down in a few minutes."
Naaalimpungatang ikinurap-kurap ni Hedrick ang kanyang mga mata. Nakatulog siya nang ilang minuto at kahit paano ay may nabawas sa kanyang hanggang-butong pagod. For two nights, he had not had any sleep. Sa loob ng apat na araw na pagkaka-coop up niya sa trahedya sa Miami chemical plant, wala nang panahon para sa iba pa. In fact, kanina lang siya nakapaligo, bago siya sumakay sa eroplano pauwi sa Pilipinas. And only because he only had one direction to take pagkatapos niyang makasakay sa unang sasakyang masasakyan pagkababa sa eroplano—sa bahay nina Frances.
Dahil naalala ni Hedrick ang dalaga, tuluyan na siyang nagising. He fastened his seat belt. They were on his private jet; importanteng makauwi siya agad; taking a commercial flight would take longer hours and more stopovers. Kailangan niyang makauwi—ASAP.
Ang balak niya noon ay tatlong araw lang ang titiisin niya bago niya muling bisitahin si Frances. Gusto niyang bigyan ito ng pagkakataong makapag-isip na wala ang kanyang presensiyang gugulo rito. Three days, siguro ay kakaunting panahon lamang. But that was all he could take before he could see her again.
Pero nangyari nga ang aksidente sa Miami plant. Sumabog ang isa sa tatlong malalaking makinarya sa plantang nagsu-supply ng lahat ng pangangailangang-kemikal at biological ng lahat ng mga plantang pag-aari ng mga del Rey o ng mga sister companies ng mga iyon—and before he knew it, he was in there, deep in a legal mess with the authorities. Bukod doon, hindi umalis si Hedrick hangga't hindi niya nasisigurong makukuha ng mga naapektuhang empleyado ang mga compensation ng mga ito. Two lives were lost; he had been with the two employees' families. He gave them everything they should get and some help. Mga Pinoy ang mga pamilyang iyon kahit nag-migrate na ang mga ito sa Miami. Higit pa sa pagiging amo lang ang obligasyon ni Hedrick sa mga ito. At hindi matatapos doon ang lahat. He only had to go home for a while. Babalik din siya agad sa Miami pagkatapos nilang makapag-usap ni Frances.
When he realized that it had already taken too long for him to contact her again, it was too late for a letter, a note, a call. Pakiramdam ni Hedrick, kailangang siya ang mismong magsabi kay Frances ng tungkol sa dahilan ng pagkakaantala niya. Ayon sa kanyang PR head, hindi pa nakakarating sa Philippine media ang nangyari, kaya malamang na wala pa rin talagang kaalam-alam ang dalaga. The Miami Plant had an independent name, with independent administrators. Tanging account papers ang nahahawakan niya, and that was kapag nasa final draft na ang mga iyon for verification. Maliban na lang kung may nakapansing sumugod siya sa Makati noong mangyari ang trahedya, people would jump to conclusions. Imbestigasyon lang ang makapagde-determine na mayroon siyang koneksiyon sa chemical plant o wala.
Batid ni Hedrick kung gaano kadelikado pa ang relasyon nila ni Frances. This had not helped any. Bagaman hindi siya sigurado kung madali niyang mapapaniwala ang dalaga tungkol sa nangyari, sigurado siyang kung siya ang unang makakausap nito, mawawala ang mga pag-aalinlangan nito. And maybe she could go with him to Miami next week. Dahil hindi niya alam kung kaya niyang iwan si Frances nang ilang araw na naman kapag ganitong hindi pa niya nasisiguro kung pakakasal nga ba ang dalaga sa kanya o kailangan pa nito ang higit na pangungumbinsi.
Halos hindi namalayan ni Hedrick ang paglapag ng jet. His pulse quickened, though, nang bumababa na siya ng hagdan. Isang oras na lang and he would see her. He almost could not wait.
"Oops. Sir, be careful."
Itinama niya ang pagkakatapak sa huling baitang ng steel stairs. Nilingon niya ang kanyang assistant, nangingiti. "I'm okay, Ricky. Just tired."
"Naghihintay na ho ang driver sa car and as soon as we pass Customs, puwede na kayong makapagpahinga, Sir."
Tumango si Hedrick, hindi na umimik. He was planning to dismiss the driver. Hindi niya ito kailangan pagtungo niya kay Frances dahil baka doon na siya matulog ngayong gabi. Kahit sa sofa pa.
KINABUKASAN ay tinanghali ng gising si Frances. Mugto ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak kagabi. She could not help it, kahit pa ilang beses niyang sinabi sa sariling hindi siya dapat nagsasayang ng luha sa bardagol na iyon. Nami-miss na kasi niya si Hedrick at masamang-masama ang loob niya rito. Kung may mukha pa itong magpakita sa kanya, pamumulahin niya ang mukhang iyon sa sampal. Gagawin niya talaga iyon. Pagkatapos ay itatali niya ito sa sofa para hindi na makawala pa.
She was never a violent person. Ngayong napag-iisipan na niya ang mga iyon, ipinakikita lang niyon kung gaano siya naaapektuhan ng lalaking iyon. At hindi na talaga biro iyon.
Nagulat si Frances nang pagbaba niya sa komedor ay mugto rin ang mga mata ni Aling Mercy; galing din ito sa pag-iyak, na mukhang hindi pa tapos dahil pagkakita nito sa kanya ay humagulhol uli ang matanda.
Nagulat siya. "Bakit, Aling Mercy?"
"Si Sir ko, nasa diyaryo. Naaksidente raw kagabi, Ma'am!"
"H-ha? Sinong... sinong sir?" hintakot na tanong ni Frances.
"Si Sir Hedreeek!"
Ilang sandaling natulala siya sa matanda, hindi makagalaw. Pakiramdam niya, nanlalamig ang kanyang katawan. But she could not faint.
Napasugod siya bigla sa matanda at niyugyog ang mga balikat nito para matauhan. "Aling Mercy? Aling Mercy? Patay na ba si Hedrick?" Umiiyak na si Frances pero hindi niya iyon alam. "Aling Mercy, makinig ka!"
"Hindi pa! Pero baka nag-aagaw-buhay na 'yon, kasi nakita ko sa diyaryo ang kotse. Napipi. Parang nadaganan ng pison. Sino ang makakaligtas doon?"
"Nasaan ang diyaryo?" tarantang tanong niya.
"'Yon, Ma'am!"
Nasa mesa ang diyaryo. Sa front page, nakita agad ni Frances ang isang kotseng nakabaliktad, ang huling bahagi niyon ay napirat. Bukas ang front door at may dugo sa aspaltadong kalsadang malapit doon. Natakpan niya ang kanyang bibig pero umalpas pa rin ang kanyang ungol. Dugo ni Hedrick iyon—napakarami. Diyos ko, pinag-iisipan niya ng masama ang binata kagabi, pagkatapos ay nadisgrasya na pala ito.
Pinilit kalmahin ni Frances ang sarili para makaupo at mabasa ang detalye ng balita. Si Hedrick nga ang pinangalanang driver ng sasakyan. Ayon sa balita, kagagaling lang ni Hedrick ng airport, bumaba ng private jet nito pagkatapos ng biyahe mula sa Miami. Hindi raw masabi kung saang direksiyon ang tungo ng sasakyan dahil hindi pauwi iyon sa bahay nito sa White Plains. Pinag-taxi ni Hedrick ang driver nito pauwi, at sinabi sa driver na may pupuntahan si Hedrick.
"Pagod na pagod si Sir. Had I known that he was going to dismiss his driver, sana ay hindi ako pumayag. Halos hindi pa siya nakakatulog," pahayag ng personal assistant sa news item.
Ayon pa sa diyaryo, nasa Makati Med na ngayon si Hedrick, of undetermined situation.
"Aling Mercy, dadalawin ko si Hedrick sa Makati Med."
Noon natauhan ang katiwala na parang dahil nagkaroon na ng malinaw na gagawin ay kumalma na ang isip. "Kumustahin n'yo si Sir, Ma'am. Sabihin n'yo, ipagdarasal ko ang paggaling niya. Naging napakabait niya sa amin."
Nagmamadali siyang bumalik sa kanyang kuwarto para magbihis.
HINDI pala madaling bisitahin ang isang del Rey sa ospital. Ni numero ng private room ni Hedrick ay ayaw i-disclose sa information desk nang makita roong wala ang pangalan ni Frances sa listahan ng mga bisitang pinapayagang dumalaw sa importanteng pasyente.
Alam na wala siyang magagawa sa information desk, nagbantay si Frances sa labas, sakaling mayroon siyang makilala sa mga bisita ni Hedrick. Nang sa wakas ay nagtagumpay siya, sinundan niya ang personal assistant ni Hedrick nang pasimple hanggang sa makarating ito sa private room ng amo.
Arriving there was different matter. Nasa dulo pa lang ng corridor si Frances ay nakikita na niya ang mga importanteng bisita sa labas ng pinto: mga miyembro sa board, ilang kilalang personalidad, sangkaterbang mamahaling mga bulaklak.
Faced with all these, hindi na niya nagawang humakbang pa. Nai-imagine pa lang ni Frances ang magiging tingin ng mga ito sa di-kilalang siya ay nanliliit na si Frances. Base sa pag-uusap ng mga ito, magkakakilala ang mga ito. Lalo siyang mag-i-stand out.
Pagkatapos, biglang may dumating na guard, hinahabol siya, kasi tumakas lang siya roon—paano na?
At least, alamin mo kung ano ang lagay niya. Kung okay na siya, kung ligtas na siya. Hindi ka rin matatahimik kung aalis ka rito nang hindi mo alam kung ano ang lagay niya. Mag-iiiyak ka lang sa bahay.
At least iyon ang ibinigay ni Frances na dahilan sa sarili kung bakit nag-stay siya, inconspicuous, sa corridor. Ang totoo, may hinala siyang nakalampas na sa delikadong estado ang binata dahil wala na ito sa ICU. At nagpapapasok na ng mga bisita sa private room nito, bagaman ang ilan ay nasa labas dahil nga siguro hindi na magkasya ang mga ito sa loob.
Pero nang alam na ni Frances na ligtas na nga si Hedrick ay hindi pa rin siya makalayo. Nagsisikip ang dibdib niya tuwing pipihit sa direksiyon ng mga elevator. Masakit sa loob niya ang umalis na hindi man lang nasisilip ang lalaking minamahal.
Nag-aatubili siya nang may marinig na tumawag sa kanya.
"Is that you, Frances?"
"James!" sambit niya bago tuluyang makapihit dito. And there he was, coming out of the elevator, may babaeng katabi na nakayakap sa isang braso ng dating kasintahan.
Natitigilang napatitig si Frances sa babae. So, ito iyong babaeng dahilan kung bakit tinakbuhan siya ng lalaki sa araw ng kanilang kasal, barely a month ago. Pero parang napakatagal na niyon. Nasa buong mukha ngayon ni James ang guilt, lalo na noong napasulyap ito sa kamay niya. Ang sugat na lang ang natatakpan ng benda, hindi na nababalutan ang buo niyang kamay. Pero base sa tingin ni James, hindi pa ito na-update ng kapatid tungkol sa tunay na dahilan niyon.
Bago mapigilan ni Frances ang sarili ay ngumiti siya. "I'm okay. Don't worry about me. Siya ba?"
Humigpit ang pagkakahawak ng babae kay James nang ma-realize ng babae kung sino siya. Nag-aalalang tumingin kay James, halatang naghahanap ng kumpirmasyong hindi dapat matakot ang babae.
Bumuntong-hininga si James. "Yes. Frances, I'm sorry—"
"Oo. Patatawarin kita on one condition. Mag-behave ka na. Ako na ang huling babaeng tatakbuhan mo, okay?" Tumingin si Frances sa babae. "At isumbong mo sa akin agad kapag inapi ka nito. Para maipagdasal ko agad sa Baclaran ang swift justice." Ibinalik ni Frances kay James ang tingin. "Ikaw rin. You won't be lucky all the time. Lalo na't may nagdarasal na sa susunod, magtatanda ka na."
"Okay, okay," sang-ayon agad ni James. "Totoo na 'to. Hindi ko na lolokohin si Giselle, sumumpa na ako sa kanya. But... how are you and..." Sinulyapan ni James ang kuwarto ng kapatid. "Nanggaling ka na ba roon?"
Atubiling sumulyap din siya roon, saka umiling. "S-some other time na lang, kapag kakaunti na ang tao. Babalik na lang ako."
"Pero kapag nalaman ni Kuya na narito ka, mas gugustuhin n'on na makita ka niya."
Sukat doon ay namasa ang mga mata ni Frances. "Isang linggo nga niya akong—" Pinigilan niya ang sarili, tinakpan ang bibig. What was she doing? Sa harap pa mismo ni James siya mawawala sa sarili? Wala na ba siyang kahihiyan?
"Frances—"
Iniwasan niya ang tangkang paghawak ni James sa kanya. "Ahm, hindi pa nga pala ako nag-aalmusal. S-sige, uuwi na muna ako. Huwag mo na lang sabihin sa kanyang nagpunta ako rito, ha? I mean, alam niya ang telephone number ko. Kung gusto niya akong makausap, tawagan niya ako."
Nagmamadali siyang nagtungo sa elevator. Mabuti na lang at eksaktong bumubukas iyon.
Sa taxi pauwi ay umalpas ang mga luha ni Frances. Nang makarating siya sa bahay ay sinabi na lang niya kay Aling Mercy na maayos na ang kalagayan ni Hedrick bago siya nagmamadaling umakyat sa kanyang kuwarto at nagkulong doon.
But she would not be left for long. Mayamaya lang, may kumakatok na sa pinto ng kanyang kuwarto, si Aling Mercy. Mayroon daw siyang bisita.
"Pakisabi ho, masama ang pakiramdam ko. Hindi ako makababa."
"Eh, Ma'am, kasi... makulit 'tong si Sir James. Kailangan ka raw niyang makausap. Sumunod na nga ho sa akin dito sa itaas dahil tiyak daw na hindi kayo bababa. Ayaw hong makinig, eh."
Napabangon siya. Si James? Ano ang ginagawa nito roon?
"Frances, please. I really need to talk to you," narinig ni Frances ang boses ni James mula sa labas ng pinto. "Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako hinaharap."
Lumapit siya sa pinto. She must look like a mess. Kapag nakita siya ni James, tiyak na mabibisto na nito talaga kung ano ang damdamin niya para sa kapatid nito. And then, kahit pride niya, hindi na maisasalba para sa kanyang sarili.
"Umalis ka na. Bumalik ka na lang sa ibang araw."
"No. Tomorrow is too late. Ililipad nila si Kuya sa States for a speedy operation on his spine at hindi mo siya makikita for a long time. 'Yon ba ang gusto mo? Titikisin mo ba siya? He needs you. Paano kung hindi siya maka-survive sa operation?"
Nabuksan ni Frances ang pinto na hindi niya namamalayan. Nasa harap na siya ng lalaki at inalam mula rito ang tungkol sa tunay na kalagayan ni Hedrick bago niya mamalayan ang kanyang ginagawa. And when it was too late to even think, she was already crying.
"Is he all right? Akala ko, okay na siya, kasi wala na siya sa ICU. Akala ko, ligtas na siya, James!"
"Hey, calm down. I need to talk to you about Kuya Hedrick, Frances. Kailangan ko nang mangumpisal. At hindi ko 'yon magagawa nang maayos kung maghi-hysterical ka."
Hindi niya maunawaan ito. Nahihirapan siya. Punong-puno ang puso ni Frances ng pag-aalala para sa kalagayan ng kapatid nito. Tanging ang sinabi ni James tungkol sa kuya nitong ikukumpisal ng dahilan kung bakit nakontrol niya ang sarili.
"A-anong tungkol kay Hedrick?"
"Let's go back to your room para makaupo ka. Aling Mercy, pakihanda ho ng maiinom sa ibaba."
Mabilis na tumalima ang matanda. Inalalayan naman siya ng lalaki pagpasok sa kanyang kuwarto. Iniupo siya ni James sa isang silya, pero nanatili itong nakatayo malapit sa bintana.
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si James. "Kuya Hedrick loves you, Frances. I know that. In fact, nauna pa siyang ma-in love sa 'yo before I noticed you. And fool that I was, noong makita ko 'yon, ginamit kita against him. Para maipakita sa lahat na may isang pinapahalagahan ang kuya ko pero hindi niya makukuha dahil akin na."
Naguguluhang napatitig siya rito. "Hindi ko yata maintindihan."
Naisuklay ni James ang mga daliri nito sa buhok in frustration at napansin ni Frances na may maturity na sa mukha ni James, dahil seryosong-seryoso ito. Nagbuntong-hininga ang dating kasintahan, tumitig sa kanya as if thinking na mas mahirap pala ang gagawin kaysa inaasahan nito.
"I'll start from the beginning," anito.
"At pakibilisan, please."

In Loving and Believing - Noelle ArroyoWhere stories live. Discover now