Chapter 7

325 3 0
                                    

CHAPTER SEVEN

DUMATING ang gabi. Ang kalituhang sa liwanag ng araw ay kumokontrol sa isip ni Frances ay unti-unting napalitan ng takot sa pag-anticipate na magpapakita na naman sa kanya ang multo ni Lola Gracielita. If it would not be recognized as a sign of weak will, magpapaalam na siya kay Hedrick, makiusap na ibalik na siya sa Manila.
Si Hedrick sa araw at si Lola Gracielita sa gabi; nahihirapan nang mag-cope up ang kanyang utak.
The way Hedrick showered attention to her the whole day, parang si Frances lang ang nag-iisang magandang babae sa buong mundo. He could do that, all right, treat her in a way na parang umiibig ito sa kanya. For her, it began to feel like everything about the island was meant to be there just so that Hedrick could seduce her. In every corner, he could kiss her. In every beautiful scenery he pointed out, he would hug her. He made her weaker and weaker in her defenses. Yet, nagpapakita ito ng kontrol na kahit siya ay hindi maipaliwanag.
It was different than the control James had shown sa pakikipagrelasyon sa kanya. Before Hedrick started anything, he would stop at any sign at irregular breathing. Iyong halik sa beach kaninang umaga, that was beyond James. Yet, at every time that they went to that point, tumitigil si Hedrick para kontrolin ang sarili while treating her with such gentleness na lalong nagpapahina sa kanyang laban. How could one simple touch on her cheek undo her? O siguro ay iyong klase ng titig sa mga mata ni Hedrick, na parang nagsasabing may nararamdaman ito para sa kanya.
Of course, kahit nangyari ang lahat ng iyon sa isang araw, hindi magawang paniwalain ni Frances ang sarili sa isang bagay na imposible. Hedrick could not be in love with her. Sinasanay nito ang sariling sambutin siya para iligtas ang reputasyon niyang sinira ng kapatid nito. At one point of the argument, naulit niyang hindi siya isang bagay lang na puwedeng pagpasahan ng dalawa. Her shame was hers to bear alone. Ano na lang ang iisipin ng mga kakilala niya at mga kakilala ni Hedrick? Wala siyang kuwenta na puwedeng ipagsambutan na lamang?
"No. Ganoon ka kaimportante that we could not just leave you alone."
"That's a point of argument. Kailangan pa bang pakasalan mo ako para lang mailigtas ang reputasyon ko? James had already rejected me. That's already worse, pero papayag pa rin ba akong magpakasal sa isang lalaking hindi ako mahal? What would that make of me?"
"Believe me, when they see us, lahat ay maniniwalang mahal na mahal natin ang isa't isa."
Ibinuka ni Frances ang mga labi para pasubalian ang sinabi ni Hedrick. But since at that moment she was already in his embrace as they were watching the sun set, nanghina ang ilalabas sana niyang argumento. Isinara niya ang bibig para sandaling mag-isip ng isang mas matibay na katwiran.
Natawa ito. "Stop thinking."
Helpless na nag-angat siya ng tingin dito. "I can't. Hindi tama ito." At muli, nakita ni Frances sa kanyang isip ang maaaring hitsura nila, and she could not convince herself na tama iyon. Katatapos lang siyang takbuhan ng isang lalaki sa altar, isang lalaking minamahal niya. That was not even a week ago. Pero hindi niya iniisip si James. At ngayon ay nasa mga bisig siya ng kapatid ni James. Hindi talaga tama iyon. This did not make any sense. Minahal niya si James.
She began to struggle from his hold. Pero madali siyang naimaniobra ni Hedrick, and instead of getting away from him, nagkaharap sila. Determinadong iniangat nito ang kanyang baba. "Stop thinking," ulit ng binata sa tinig na hindi nag-e-expect ng argumento. And then he sealed her lips with his own and, of course, she could not again think.
When he stopped, the sun had already set. Nalipat kay Lola Gracielita ang pag-aalala niya.
Kumain sila ng hapunan sa dining room. Bago sila umakyat sa kanilang mga kuwarto, nanood sila ng isang movie sa entertainment room sa first floor din. Romantic. And while being close to Hedrick in the giant sofa, curled up to him because she felt cold, nakalimutan sandali ni Frances ang multo.
It was different when they were climbing up the stairs, lalo na noong dinadaanan na nila ang madilim na second floor.
"You're having goose bumps all over your arm," obserba nito.
"Hindi ka ba natatakot sa kanya?"
"Noong bata pa ako. Nasanay na ako sa kanya."
"Alam mo palang may multo rito, bakit dito mo ako dinala?" sa wakas ay naisisi niya kay Hedrick. May lakas ng loob na siya ngayong manisi at kumuwestiyon sa mga kilos nito, pagkatapos ng lahat ng mga argumento nila sa buong maghapon.
"It was James' idea. No one can disarm anyone as fast as Lola's ghost can."
Nakarating sila sa third floor. Kumalas si Frances sa yakap ni Hedrick habang naiiyak siyang napapalunok. "Napakadali para sa kapatid mo na ipamigay ako sa iba. Hindi man lang ba niya ako minahal?"
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Hedrick. "Hindi ako iba, Frances. Alam niyang hindi kita pababayaan."
Napabilis ang lakad niya dahil sa patronizing na tono ng binata. "Oh, yes. The dependable big brother! Lahat ay puwede mong gawan ng paraan. Lahat ay puwede mong bigyan ng solusyon. Lahat ay puwede mong pagtakpan."
"Frances..." He started to reach for her.
"Don't touch me. I had enough of you! Diyos ko! Mas maraming beses mo akong nahalikan sa buong maghapong ito kaysa ni James sa isang buong linggo."
"I did not see you complaining."
Hindi siya makapaniwala sa kaarogantehan ni Hedrick! "Tatandaan ko 'yan tomorrow when you try to kiss me again!" At bago makasagot ang binata—she knew he would because he always seemed to get the last shot—nagmamadali na siyang pumasok sa kanyang kuwarto.
Her satisfaction was very short-lived. Pagkasara ni Frances ng pinto sa kanyang likod, napatingin siya sa bukas na terasa, at naalala si Lola Gracielita.
Nakabalik siya sa corridor in one second. "You can't expect me to sleep there alone tonight. Mamamatay ako kapag kinalabit ng lola mo ang paa ko!"
Ngingiti-ngiti si Hedrick. "You're asking me to sleep with you?"
Umakyat sa buong mukha ni Frances ang dugo, and she felt like her whole face would burst. "Of course not! Si Aling Choleng na lang."
"Baka gusto mong kasama rin sa kuwarto si Mang Lemuel? Hindi kayang matulog ni Manong nang mag-isa sa ibaba. Hindi siya papayag na maiwan sa multo ni Lola Gracielita when they'd been living with her in this house ever since they got married."
"P-pero... pero natatakot ako!"
"I'll be willing to accompany you if you'll ask me nicely."
Kumuyom ang mga kamay ni Frances. "Bukas na bukas, babalik na ako sa Manila."
Hindi sumagot si Hedrick. Nagkibit lang ito ng mga balikat at nagsimulang tumalikod.
"H-huwag! Saan ka pupunta?"
Kaswal na sinulyapan siya nito. "Sa kuwarto ko, of course."
Takot na sinulyapan niya ang kanyang pinto. "S-sasama ako."
"Good. Mas malaki ang kama ko."
Napabuntong-hininga si Frances sa sobrang inis, sa helplessness. Because she could not enter her room alone. Hindi talaga niya kaya, just thinking that the ghost was inside with her, naghihintay kung kailan siya papatayin sa sindak, ay mamamatay na siya sa takot.
"H-hindi mo naman siguro ako re-rape-in?" noong huli ay nasabi niya.
Tumitig ito sa kanya, pagkatapos ay nagbuntong-hininga. "No, of course not. Why would you think that?"
Agad siyang nakahinga nang maluwag. Somehow, having someone like James for a brother made Hedrick as honorable as he was. Nirespeto siya ni James noon.
"Okay. Sasama ako sa kuwarto mo," aniya.
Natigilan si Hedrick for some reason, pero sandali lang. And then he was taking control of the situation. "Okay, sasamahan muna kita sa kuwarto mo, at tatalikod ako while you're preparing yourself for bed."
"H-hindi mo ako... all right."
Itinulak nito ang pinto ng kanyang kuwarto, reached for the light switch, and prodded her to enter the room. "Don't worry. It's deserted."
"B-baka hindi pa lang siya nagpapakita."
"Pero kasama mo ako."
Reluctant siyang kumilos. "S-sabagay. Huwag mo akong iiwan. Papatayin kita!"
Natawa ang binata. "Hindi. Promise."
Mabilis siyang nagtungo sa closet para kumuha ng pantulog. She opted for a cotton shirt and shorts. Hindi kaya ni Frances na matulog sa tabi ni Hedrick na nakasuot siya ng manipis na pantulog.
Naghilamos at naglinis si Frances ng sarili sa banyo nang nakabukas ang pinto, if ever na kailangan niyang sumigaw para marinig siya agad ni Hedrick. She knew she was being undignified in her cowardice. Pero ngayon lang siya nakakita ng tunay na multo sa kanyang buong buhay.
Nakapagbihis siya at nasa tabi na siya ni Hedrick in no time. "T-tayo na," aniya, takot na sinulyapan ang terasa.
Iniangat ni Hedrick ang isang kamay at hinapit siya sa tabi nito. "Wala siya. Para kang bata."
Wala siya sa kondisyon para makipagtalo sa puntong iyon kaya hinayaan na lang niyang ilabas siya ng binata ng silid, to her great relief.
Nakarating sila sa kuwarto ni Hedrick. He was right. Di-hamak na mas malaki ang kama nito kaysa sa kama ni Frances. She was glad to see that it was more than enough for both of them. She could stay on her side at kung hindi ito magtatangkang lumapit, walang aberya.
"Go on. Maraming unan so take as much as you need. Gagamitin ko lang ang banyo," anito pagkatapos siyang bitiwan at tinungo na ang banyo.
Inilibot ni Frances ang tingin sa buong kuwarto habang nilalapitan ang kama. This room felt more secure than the one she was using. Or was it because this was his room? He had his stamp on it—masculine na masculine ang kulay ng oak at mahogany, ang kulay-cream na mga kurtina; at nagbibigay ng nakakakalmang effect ang maraming libro at babasahin sa bookshelf. Plus the computer corner, like the sight of technology could drive a ghost away.
Naupo si Frances sa gilid ng kama at kumuha ng dalawang malalaking unan. Nahiga siya, nagtago sa ilalim ng kumot, humarap sa mga pinto ng terasa ni Hedrick, at yumakap sa unan.
Nagbago ng isip si Frances pagkakita sa terasa at tinalikuran niya iyon. Hindi bale nang makatulog siyang nakaharap kay Hedrick kaysa nakaharap sa terasa, sakaling doon naman namasyal si Lola Gracielita ngayong gabi at doon nito tawagin ang pinakamamahal na asawang hindi na nagbalik.
Anyway, kahit sino ay maiinip sa dating routine sa loob ng fifty years. Kahit multo!
Nakapikit si Frances nang magbalik si Hedrick. She did not try to open her eyes noong marinig niya ang ingay ng pagbibihis ng binata, lalo na noong humiga na ito sa kabilang parte ng kama hanggang sa tumigil na ang ingay. And she knew he was settled in bed.
"Sleep tight, Frances," narinig niyang sabi nito sa marahang boses.
Hindi umimik si Frances, nagkunwari siyang nakatulog na. He must have reached for the lamp dahil namatay ang ilaw; and then a little rustling as he was settling in again. Pagkatapos ay wala na.
She did not think she would fall asleep easily in a foreign bed, lalo at mayroon pa siyang kasamang lalaki.
But in no time, nakatulog din si Frances. Hindi niya na-take into account na pagod na pagod siya sa pinaka-eventful na maghapong naranasan—physically and emotionally.
Nang magising si Frances kinabukasan ay tumatagos na ang liwanag ng araw sa mga kurtina sa pinto ng terasa at sa mga bintana. Wala na si Hedrick sa kanyang tabi. Hindi nagmulto si Lola Gracielita. And she felt as restful and as energetic pagkatapos ng kompleto at mahimbing na pagtulog.
At masaya siya. For when she saw the single rose malapit sa kanyang unan, nawalan siya ng choice kundi ang mapangiti.
Pagkatapos niyang damputin ang bulaklak at amuyin ang bango niyon ay napabuntong-hininga siya.
Of course, hindi puwedeng mawili si Frances sa ganitong klase ng umaga araw-araw.
But she could at least savor the one for today, pagsuko niya, habang muling sinasamyo ang bango ng bulaklak habang may marahang ngiti sa kanyang mga labi.

In Loving and Believing - Noelle ArroyoWhere stories live. Discover now