Chapter 2

613 5 0
                                    

CHAPTER TWO

NANG magkamalay uli si Frances ay wala na siya sa hospital bed. She was now in a huge room, iyong may laking hindi pa niya napapasukan kahit kailan. Isang tingin lang sa mga muwebles ay batid niyang hindi biro ang presyo ng mga iyon kahit hindi siya ekspertong tumingin. The bed was the softest bed she had ever lain on.
Wala na ang IV tube sa isang kamay niya, pero ang kabila ay namimigat pa rin sa bandages. At sa nabiglang pagkilos ay nagdulot agad iyon ng kirot.
Pakiramdam ni Frances ay may ulap sa kanyang utak. At may pira-pirasong cardboard sa kanyang bibig. Parang nagising siya mula sa isang mahabang pagtulog, a drugged sleep.
Pilit niyang inalala ang huling pag-uusap nila ni Mr. del Rey bago siya nakatulog. At unti-unting nagkahinala kung saan siya naroon ngayon dahil sa usapang iyon.
Hindi makapaniwala si Frances na sinuway ni Mr. del Rey ang kagustuhan niya. Inilipat siya roon mula sa ospital pagkatapos siyang patulugin nang mahimbing para hindi siya makapagprotesta. Para na ring kidnapping iyon!
No. Come to think of it, this was kidnapping!
Galit siyang bumangon at napatigil nang makadama ng pagkaliyo sa biglang paggalaw. Sa mas maingat na pagkilos ay hinawi niya ang kumot at bumaba mula sa malaking kama.
Kasabay ng pagdama ng talampakan ni Frances sa makapal na carpet ay namalayan niyang hindi sa kanya ang suot na pantulog. Bago iyon, not a part of the wardrobe na pinilit ni James na pagkagastahan para sa kanilang honeymoon.
Ibinili rin ba siya ni Mr. del Rey ng mga bagong damit? Bakit? Dahil hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong dumaan sa kanyang mga tiya? Alam ni Frances na hindi papayag ang mga ito hangga't hindi siya nakakausap ng mga ito. Iiyak ang kanyang tiya kapag nakausap siya kahit sa phone lang, pero pipilitin siyang makausap para malaman ang kanyang kalagayan. At siguradong hindi papayag ang mga ito na madala siya sa kung saang lugar habang wala man lang siyang kamalay-malay!
But then, naalala ni Frances ang legendary convincing power ng kuya ni James; hindi lang iilang business transactions na importante sa korporasyon ang napagtagumapayan na nito dahil doon. Ano ang laban ng kanyang mga tiya sa isang makapangyarihang taong tulad ni Hedrick del Rey?
Minasdan ni Frances ang suot na pantulog. Hindi siya puwedeng lumabas ng kuwarto na ganoon ang suot. Simple man iyon, manipis naman. At namula siya nang maisip kung sino ang nagpalit ng kanyang panties. Ang damit na suot bago siya unang tinakasan ng malay ay ang basang-basang damit-pangkasal.
Kung mayroon siyang pantulog, siguro naman ay may kasamang roba sa luxurious na kuwartong iyon. Luminga si Frances. She saw a double door na parang sa isang bar sa isang Western movie. Iyon ang kanyang nilapitan at itinulak.
It was a dressing area, all right, gaya ng sa kuwarto ng mayayaman. Sa isang bahagi niyon ay mga damit-pambabae na maayos na naka-hanger; ang iba naman ay maayos na nakatiklop. Nakita ni Frances ang isang roba na naka-hanger, apparently ay nakahanda sakaling gamitin. It had been the same kind of cloth as her sleepwear. Puti. Satin.
Isinuot iyon ni Frances, hindi na pinansin ang ibang gamit at damit-pambabaeng sa tantiya niya ay magkakasya sa isang babaeng katulad ng kanyang sukat. Isinuot din niya ang nakitang tsinelas na pambahay bago lumabas ng dressing area at ng kuwarto.
It was a big house. Nang makalabas na si Frances ng kuwarto, tila naging isang maliit lang siyang istorbo sa tahimik at mahabang pasilyo. Natunton niya ang isang grand staircase, tinanaw ang ibaba bago pumanaog. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa barandilya. Dinala siya ni Hedrick—ni Mr. del Rey—sa third floor?
Diyos ko! Ganoon ba katindi ang pag-aalala niyang baka tumakas ako?
Hindi niya alam kung nasaan sila. Baka dinala na siya nito sa Alcatraz, sa Tower of Babel for all she cared. Hindi na siya magtataka sa kayang gawin ni Mr. del Rey para masunod lang ang gusto nito.
It was a slow descent, hindi dahil napapagod si Frances kundi dahil namamangha siya sa mga nakikita. The second floor had every furniture covered with white cloth, ginagabok, nalalapatan ng cobwebs na parang mga taon na ang binilang bago mabisita ang mga iyon. Kahit ang mga bintana ay sarado, halos walang liwanag na tumatagos sa mga iyon maliban sa sikat ng araw na nagmumula sa itaas ng hagdan na kanyang binababaan.
Pero ang unang palapag ay maayos na maayos. Naaamoy pa ni Frances ang floor wax sa parquet floor, na parang bagong waxed lang ang mga iyon, nangingintab sa linis. Nagkalat ang mamahaling rugs sa sala at sa bukana ng dining area na natatanaw mula sa kanyang kinatatayuan sa pinakaibabang baitang ng hagdan. Kung hindi yari sa narra, mahogany ang mga muwebles. May isang malaking clay jug sa ibabaw ng isang pedestal, naka-display sa isang maluwang at malapad na display cabinet sa isang buong dingding ng sala.
Nakarinig ng ingay si Frances mula sa dining area kaya bumalik doon ang kanyang tingin. Lumabas mula sa maluwang na entrada si Mr. del Rey, dala ang isang breakfast tray. Nang makita siya ay bumagal ang lakad nito, nagsimulang magsalubong ang mga kilay.
Nalagay siya bigla sa balag ng alanganin. Galit siya kanina habang bumababa ng hagdan, hindi ba? Kaya siya bumaba ay upang komprontahin ang lalaking ito.
Pero ngayong magkaharap na sila... Sa suot nitong kaswal na T-shirt na puti at faded na Levi's habang nakayapak—really, wala itong sapin sa paa habang naglalakad sa makintab na parquet floor—at gulo ang buhok na parang hindi man lang sinuklay nang bumangon mula sa higaan, nagawa pa rin siya nitong maapektuhan—sa ibang paraan nga lang. Bumibilis na naman ang tibok ng kanyang puso, at parang nahihirapang huminga, at oo, parang nagsisimula na naman siyang mataranta.
But strangely, iyon ay hindi dahil sa takot; may takot pero hindi iyong sindak na nararamdaman ni Frances kapag nakakasalubong niya si Mr. del Rey sa corridor ng office tower ng mga del Rey. This was purely physical, on a level na hindi pa niya nararanasang marating kahit kailan.
"What are you doing?" galit na tanong ni Mr. del Rey bago pa man makalapit sa kanya.
Napahigpit ang pagkakahawak ni Frances sa barandilya na parang maililigtas siya niyon mula sa peligrong ibibigay ni Mr. del Rey. "H-hinahanap kita." At sasabihin sana niyang hindi inakalang ganoon kalaki ang bahay pero sumabad na ito.
"I was on my way. Bakit ibinaba mo ang mataas na hagdang 'yan? Sana, hinintay mo na lang ako." At bago pa siya makapagsalita ay bumaling na ito sa kusina. "Aling Choleng!"
Nauunawaan ni Frances kung bakit nangangatal ang "Aling Choleng" na tinawag nang lumabas ang matanda ng dining room. Ilang beses na ba niyang nakita ang isang empleyadong nangangatal kapag tinatawag sa opisina ng presidente kahit ang gumawa ng tawag sa telepono ay ang sekretarya?
Si Frances mismo ay nakaranas na mangatal sa presensiya ni Mr. del Rey. That was when she first met him; nakasalubong niya ito habang lumalabas ng conference room, kasunod ang mga ka-conference, at siya naman ay pumasok, dala ang ilang makakapal na photocopied file para sa conference. How would she know he had cut short the conference and opted to tour his would-be business partners sa bagong project na binubuo nito? Nang mabunggo niya at makilala niya si Mr. del Rey, biglang lumipad sa ere ang kanyang utak.
At dahil doon ay hindi na maalala nang malinaw ni Frances kung ano ang nangyari as she fumbled for the files na naglaglagan sa sahig dahil sa kanyang sobrang nerbiyos. Ang sabi ng mga nakakita, lumuhod din daw si Mr. del Rey sa sahig, tinulungan siyang mamulot. But she could hardly believe na ginawa nga nito iyon. Ang alam niya, kinausap siya ni Mr. del Rey. Pero hindi rin niya maalala kung ano ang sinabi nito. Basta noong mapulot na niya ang mga papel, tumakbo na agad siya palayo.
At kahit matagal nang nakawala si Frances sa mga ito, nakaisang baso pa siya ng tubig bago nawala ang kanyang pangangatal. Ganoon siya kasindak noon kay Mr. del Rey—sa lalaking ito na nasa harap niya ngayon, galit sa kanya dahil bumaba siya ng hagdan na nag-iisa. Halos hindi niya maisip o matanggap ang contrast. Hindi siya basta makapaniwala na ang isang tulad nito ay nag-aalala sa kalagayan ng isang tulad niya.
"Isunod mo ang tray na ito sa itaas," anito sa katulong, saka siya hinarap. "Go back."
For the life of her, hindi malaman ni Frances kung saan sa kanyang magulong disposisyon nahugot ang lakas ng loob na nagamit para manatili siyang nakatayo roon at lumalaban ng titig dito. "Kailangan nating mag-usap," aniya.
"We are already talking. But you have to go back to your room to preserve your strength. Nakalimutan mo na ba kung ano ang pinagdaanan mo?"
"Pero—"
"Oh, for God's sake, I haven't met a more stubborn little idiot of a maid."
At sa matinding pagkabigla nila ni Aling Choleng, binuhat siya ni Mr. del Rey right out of the last step of the stairs where she was standing. Napabitiw si Frances sa barandilya, nabigla, lalo na noong nasa ere na siya, tumatalsik ang isa niyang tsinelas.
"Ano'ng gina—"
"Shut up, Frances!"
"Ang tsinelas ko!"
Nilingon iyon ni Mr. del Rey, at pagkatapos ay ang nakamaang pa ring si Aling Choleng. And he did not have to say what he wanted.
Nagpatuloy si Mr. del Rey sa pag-akyat sa hagdan with her in his arms. Walang nagawa si Frances kundi ang mangunyapit dito. Nalula siya sa pagbaba kanina—iba ngayong nakabitin siya sa ere habang umaakyat, pero nakakalula pa rin. At mamamatay muna siya bago ibagsak ang kanyang mukha sa dibdib ng binata at pumikit.
He was too close enough for comfort.
Para malabanan ang pagkalula, ilang beses siyang lumunok, umaasang hindi maririnig ni Mr. del Rey. Pero sa malas, nahulaan nito ang nararamdaman ni Frances. Kunot-noong tiningnan siya nito sa kanyang mukha habang tumitigil ang binata sa pag-akyat. "What's happening to you? Bakit nanlalamig ang palad mo sa batok ko? Don't take it away. I've already felt it."
Guilty na ikinuyom niya ang bistadong kamay. The other one was in bandages na nagkataong nakalapat sa dibdib nito.
"Tell me, Frances," marahang utos nito.
"N-nalulula ako. Ibaba mo na ako."
"And risk you collapsing on these steps? Rest your head on me, dummy. Hindi nariyan ang dibdib ko para titigan."
Namula si Frances. "Kung tinititigan ko man ang dibdib mo, it's because nagkataong sa parteng 'yan nakatapat ang mga mata ko."
"Then why not lay your head on it? My shirt is clean. Hindi ka marurumihan. You've certainly been sending the feeling that you find it despicably loathsome to be near me."
"H-hindi totoo 'yan."
Umismid si Mr. del Rey pero hindi na nagsalita pa; ipinagpatuloy nito ang pag-akyat.
Pakiramdam ni Frances, isa siyang nakastigong bata. To lay, or not to lay. Nakakaengganyong tingnan ang dibdib ni Mr. del Rey. Yet, hindi niya ma-imagine ang sariling nakahimlay rito, let alone karga siya nang ganoon!
Kaya pinaninindigan ni Frances na nakaangat ang kanyang ulo hanggang sa makarating sila sa third floor. Malaking relief ang naramdaman niya nang nakahiga na sa kama, bagaman nakakaasiwa pa ring inaasikaso siya ni Mr. del Rey. Si Mr. del Rey ang nag-ayos ng kumot para sa kanya.
"A-ako na."
Tumingin ito sa kanyang mukha, pero hindi nagsalita, bagkus ay ipinagpatuloy ang ginagawa.
Napabuntong-hininga si Frances. So, magiging ganito, more or less, ang magiging sitwasyon nila? She will be playing the subordinate at all times, as if she had the courage to fight him. It was a battle of the wills. Wills? Anong will ang maipanlalaban niya sa isang tulad nito?
"Bakit ipinagpilitan mo pa ring dalhin ako rito? Sinabi kong ayoko—"
"Kung hindi kita maisasama rito, hindi matutuloy ang pinananabikang bakasyon ng dalawang matanda because someone has to take care of you. Matitiis mo ba talaga sila?"
Kumunot ang kanyang noo. "Ginagamitan mo ako ng emotional blackmail."
Hindi na nakasagot si Mr. del Rey dahil pumasok na si Aling Choleng, dala ang tray. Ang dulo ng nalaglag niyang tsinelas ay nakita niyang sumisilip sa malaking bulsa ng suot na apron ng matanda. Nang maibaba ng matanda ang tray sa dresser ay agad inilabas ang tsinelas at humarap sa amo na parang isang pet dog na walang ibang gusto sa buhay kundi ang i-please ang amo.
She would have been sickened by the sight, but James' big brother looked imposing enough to be a king. Nasa tingin at tindig nito ang hitsura ng isang taong sinusunod at sinusundan.
"May kailangan pa ba kayo, Sir?"
"Wala na, Aling Choleng. Kung mayro'n, hindi ko pa maalala, iri-ring ko na lang sa ibaba."
"Oho. Bababa na ako."
"Sige."
"Really. Paaakyatin mo pa uli siya sa hagdang 'yon kapag may 'naalala' kang kailangan mo?" ani Frances nang maisara na ng matanda ang pinto sa likod nito.
Pumihit si Mr. del Rey paharap sa kanya, ang matitipunong braso ay namamaywang, may ekspresyon sa kunot-noong mukha na nagpakaba sa kanya. It was as if he was finding offense sa ginawa niyang pagkuwestiyon sa pakikitungo nito sa katulong.
Kahit kahiya-hiya, si Frances ang sumuko, ang nagbaba ng tingin. Nanliliit ang pakiramdam na itinuon niya ang mga mata sa mga kamay na nasa labas ng kumot.
Namalayan na lang ni Frances na ipinapatong ni Mr. del Rey ang tray na may mga paa sa mga hita niya. "Kumain ka na. Pagkatapos mo, you'll get a chance to talk to your aunt and uncle. Nangako ako ng open communication sa pagitan n'yo kahit nasa Hawaii na sila."
Napaangat ang tingin niya kay Mr. del Rey.
"But only after you've eaten. No arguments, no rush. Si Aling Choleng ang pinakamasarap magluto ng pancakes na nakilala ko. You'll love this."
At sa mas matinding pagkamangha ni Frances, si Mr. del Rey ang dumampot ng kubyertos at humiwa ng bite-size piece mula sa mga pancake sa isang plato. At ito rin ang nagsubo niyon sa kanya!
Hindi alam ni Frances kung anong hitsura ang nakikita nito habang hindi siya makaangal na napanganga na lang para tanggapin ang isinusubo nito; anyway, bagsak na rin naman ang kanyang panga. Alam niya, namimilog na tulad ng plato ang kanyang mga mata.
"Don't look at me like that. I'm not about to poison you," parang naiinis na sabi ni Mr. del Rey.
Napailing siya, abala sa pagnguya ng isinubo nito.
Tulad ng dati, parang hindi naniwala si Mr. del Rey. Nagbuntong-hininga ito. "I'm not an ogre, you know. You don't have to flinch every time I move."
Hindi na niya kailangang umimik. Nakita agad niya sa titig ni Mr. del Rey nabasa nito sa kanyang mukha na hindi siya kumbinsido sa sinabi ng binata.
Muli, nagbuntong-hininga si Mr. del Rey. "Okay, suit yourself. For now. I've already announced my leave sa office. Your relatives will be in Hawaii for a month. And since this is an island, wala tayong choice kundi ang makisama sa isa't isa dahil wala nang ibang tao rito bukod sa ating dalawa, kina Aling Choleng at Manong Lemuel na asawa niya."
Dahil sa sinabi ng binata, mabilis na nalunok ni Frances ang kanyang kinakain. "Isla?" Ibig sabihin, hindi malayo ang una niyang hula? Nasa isang mala-Alcatraz na setting sila?
Sa unang pagkakataon ay nakita ni Frances na ngumiti ang binata; it was as if he found it amusing na natakot siya sa posibilidad na makulong siya sa isang isla na kasama ng binata. She did not think an ogre could smile, probably the reason why she stared at him speechless afterwards.
"It has to be an island, huh?"
Naguguluhang napatitig siya rito, hindi maintindihan ang huling sinabi ng binata.
"Never mind. Open your mouth."
She opened her mouth to protest. "Kaya kong kumain nang mag-isa."
"You can't use both your hands. You have to hold the knife and the fork. Paano ka makakakain nang—"
"Eh, di hiwain mo na lang 'yong pancake, ako na sa fork. Para akong batang pinakakain."
"Hindi ba ginagawa ito ng tita mo sa 'yo?"
Hindi makapaniwalang napatanga siya rito.
"What?"
Ipinaliwanag ni Frances kay Mr. del Rey ang sobrang obvious. "Hindi kita tita. Hindi kita kamag-anak. If ever there was a chance na magkaroon tayo ng koneksiyon bukod sa pagiging amo kita at empleyado mo ako—"
"You've already resigned."
Nagpatuloy si Frances na parang hindi na-interrupt. "Na-forfeit na noong tinakbuhan ako ng kapatid mo para sumama sa ibang babae."
"It's good to see that we're actually having a conversation," anito sa sarkastikong tono.
"Hindi mabubura ng pagsusubo mo sa akin ng breakfast ang kasalanang ginawa ng kapatid mo."
"I still have a monthful of chances. Hindi pa ako malapit sa pagsuko," ani Mr. del Rey, pagkatapos ay sinamantala ang pagkatulala niya para isubo sa kanya ang pangalawang hiwa ng pancake.
A few days ago, she never could dare think what she could do to this man; pero ngayon, hindi siya nangiming tapunan ng binata ng masamang tingin. Narinig na niya ang galing nito sa manipulasyon. Hindi niya inakala kahit kailan na gagamitin nito iyon sa isang tulad niya.
As in ganoon katindi ang obsession ng lalaki sa family obligations? Sobra!
Apparently, magaling din ang binata sa pagkakaroon ng poker face. Walang indikasyon sa mukha ng binata na ikinahihiya o ikinagi-guilty nito ang ginagawa sa kanya habang ipinagpatuloy ang pagpapakain sa kanya. In fact, he seemed to be enjoying it. Kung hindi sana halata, napailing na siya.
Sabagay, kukulangin ang iilang sandaling nakasama niya ang binata sa islang iyon para maunawaan ni Frances ang takbo ng utak nito.
Si Mr. del Rey na rin ang naunang nag-acknowledge na mayroon silang isang buong buwan na punong-puno ng mga pagkakataon. Nagdesisyon si Frances na i-enjoy na lang ang pancake. At natuklasan niya, mayroon silang isang pinagkasunduan nang mga sandaling iyon, hindi man niya sinabi rito.
Pinakamasarap na nga yatang magluto ng pancake si Aling Choleng; at least, sa mga kakilala niya.
"Masarap, 'di ba?" untag ng binata sa pagnamnam ni Frances sa kinakain. "'Told you, you'll love it."
Napasimangot siya. 'Kainis!

In Loving and Believing - Noelle ArroyoUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum