Chapter 4

546 4 1
                                    

CHAPTER FOUR

NANG hapong iyon, pagkagising ni Frances mula sa isang well-needed siesta, ay ginising siya ni Hedrick at nagsalo sila sa sopas na niluto ni Aling Choleng. Pagkatapos niyon, ang binata na mismo ang naglinis ng sugat niya at nagpalit ng benda, saka siya pinainom ng mga tabletas. She felt like a child na tinamaan ng flu at kailangan ang pag-aalaga. Except Hedrick did not feel like a father; and that, coupled with his new attitude sa pakikiharap at pakikipag-usap sa kanya, somehow made the event seem... special.
Hindi siya iniwan ni Hedrick pagkatapos ng merienda. May dinala itong mga magazine sa kanyang kuwarto at habang nagbabasa si Frances, nagtrabaho ang binata sa laptop nito. Na-guilty tuloy siya sa pagrereklamo at pag-iyak tungkol sa takot niya sa pag-iisa. She tried to tell him na okay lang sa kanya kung lilipat ito sa study, kung mas komportable ang binata na magtrabaho roon. Pero sinabi lang ng binata na komportable itong magtrabaho kahit saan. "Mas okay nga rito. Maganda ang view."
She did not think he was talking about her dahil lang nagkataong nakatingin ito sa kanya nang sabihin iyon. Napatingin pa nga siya sa bintanang malapit lang dito.
"Oo nga. Noong unang beses na matanaw ko ang beach sa terrace, nagandahan din ako. Though I knew na mahina pa ako para mamasyal at maligo sa dagat, I wished na sana—"
"As soon as tomorrow siguro, puwede na kitang ipasyal kahit sa parteng malapit lang dito sa bahay. Huwag kang mainip. Unahin mo muna ang pagpapahinga."
"Alam ko naman 'yon talaga, eh," nahihiyang amin ni Frances. "Kaya lang, noong nagdududa na ako na baka ikinukulong mo ako rito, nagalit ako at hindi na nakapag-isip. Nagsisi na lang ako nang mag-collapse sa beach."
"Narito ka sa itaas hindi dahil ikinukulong kita, but because there is no restroom or guest room sa ibaba. Ang tanging kuwarto roon na puwedeng matawag na 'bedroom' are the servants' quarters. Ang second floor, as you can tell when you passed it several times today, is inhabitable. My nagmumulto roon. Teritoryo 'yon ng Lola Gracielita ko." Natawa si Hedrick sa ekspresyon sa kanyang mukha. "Don't worry, hindi siya umaakyat dito sa itaas. Hindi rin siya nananakit ng ibang tao. Doon lang siya. If ever na nakakarinig ka ng pag-iyak sa gabi, siya na 'yon. Matulog ka na lang uli."
Nagtatayuan na ang kanyang mga balahibo. "Kung tinatakot mo ako, successful ka. Tama na."
Tumawa ito lalo. "Kung matatakot ka sa kanya, sumigaw ka lang. My room's next door. Tatakbuhin kita."
"Hindi pa ako natakot sa multo."
"Nakakita ka na ba?"
"H-hindi pa nga pero... totoo ba?"
"Oo nga," ngingisi-ngising wika nito.
"Hedrick, kung hindi ako namatay sa banyo sa bahay, then dito ako matutuluyan!"
Biglang sumeryoso ang binata. "Kung gusto mo, magpapa-set up ako ng bed dito mamayang gabi at dito ako matutulog para may kasama ka."
"Ano?!" hindi makapaniwalang bulalas niya.
"Better yet, sa kuwarto ko na lang ikaw matulog," natatawang suhestiyon ni Hedrick, "para hindi na ako magpa-set up ng bed. Malaki ang kama ko. Kahit magsayaw tayo roon, puwedeng-puwede. Kahit pa tango."
Napailing na lang si Frances. At nang lumakas ang tawa nito, iniharang lang niya ang magazine sa kanyang mukha at nagpatuloy sa pagbabasa. She was convinced na binibiro lang siya ng binata tungkol sa multo ng lola nito.
Nang gabing iyon, sa kuwarto pa rin ni Frances sila naghapunan. Pagkatapos ay pinatulungan pa rin siya ni Hedrick kay Aling Choleng na maglinis ng katawan kahit iginiit niyang kaya nang asikasuhin ang sarili sa banyo nang nag-iisa. "We can't have you falling and hurting yourself all over again, can we?" pabirong sabi nito. Nagbibiro ang tono ng binata, ang mga mata nito ay hindi.
Wala siyang nagawa kundi ang magpasama kay Aling Choleng.
Nagbalik si Hedrick sa kuwarto nang makapagpalit na siya ng damit, nakapagsuklay na ng buhok, at muli ay nakahiga na sa kama, handa nang matulog.
"'Just came in to say 'goodnight,'" marahang sabi ng binata habang nakatayo sa gilid ng kama, nakatingin kay Frances nang may di-mabasang ekspresyon sa mga mata, ang mga kamay ay nakasuksok sa faded jeans nito. Within a day, napakarami siyang nakita kay Hedrick na nagpabago sa naunang impresyon niya rito, impresyong nagtagal nang apat na taon. At napangiti siya.
"Thank God, you are not an ogre after all!" aniya.
Parang hindi nito napigilan ang sariling matawa. "Thank God?"
Hindi komportable sa nagtatakang titig nito, bahagya siyang namula. Mamamatay muna siya bago sagutin iyon. Na ano? Na sayang kung nagkataong ogre nga si Hedrick dahil napakaguwapo pa naman nito. No way.
Inilabas ng binata ang mga kamay mula sa bulsa at bago makahuma si Frances ay hinalikan siya nito sa kanyang mga labi. She was shocked, and confused. Nang tumuwid ito ng tayo, ang halik ay parang isang halik na ipinatak lang sa kanyang noo with the way he acted.
"Sleep tight. You'll feel better in the morning," anito.
And then he was turning away, going to the door. Kahit ibinuka ni Frances ang bibig para magsalita, no words came out. Ano ang sasabihin niya? Bumalik ka rito, ano'ng ibig sabihin ng halik na 'yon?
He had clearly indicated how personal it was. Maybe it was just one of those kisses na nakita na niyang pinagsasaluhan ng magkakaibigang mayayaman, iyong way up, liberated types.
Napabuntong-hininga si Frances. Bakit ba siya namom-roblema gayong halata naman kay Hedrick na hindi nito pinoproblema iyon? It was nothing to him, just a peck on the lips of someone who was not a friend but who was not anything else either, isang alagang kailangang pagalingin out of respect for an obligation that only an older brother could achieve. Isang muntik nang maging baby sister, that was it.
Pumikit si Frances at nagdesisyong matulog na.
God help her if he made it a habit to peck at her lips every night he wanted to say goodnight!
MADILIM pa rin nang magising si Frances. It did not feel like she had slept too long; naalimpungatan lang siya dahil sa sobrang lamig. She could feel it to her bones.
Nahapit ni Frances ang kumot sa kanyang sarili habang hinahanap ang pinagmumulan ng malamig na hanging nararamdaman. Bukas pa rin ang lampara, hindi niya nagawang patayin kanina nang sumilid agad sa malalim at walang panaginip na pagtulog. Napakunot-noo siya nang makitang bukas ang dalawang pinto palabas sa terasa. Ang naaalala niya, isinara ang mga iyon ni Aling Choleng kanina at hindi naman binuksan ni Hedrick nang pumasok ang binata para mag-"Goodnight" sa kanya.
Sino ang nagbukas?
But that was irrelevant at the moment.Mas mahalagang maisara muna ni Frances ang mga pinto dahil hindi niya kaya ang lamig. Hindi niya inakalang ganito kalamig ang gabi sa tabi ng dagat.
Babangon na sana si Frances nang marinig ang paghikbi. Natigil siya sa paghawi sana ng kumot. It was just one small sound, parang galing sa napakalayong lugar, pero parang napakalapit din naman. Bumalik ang tingin niya sa teresa, sa mga kurtinang nilalaro ng hangin, habang unti-unting nagtatayuan ang kanyang mga balahibo.
There was something out there na hindi lang kurtinang inililipad ng hangin. Something white, and luminous, parang usok—pero may hugis, at kumikilos na parang isang malambot na telang dinadala ng hangin mula sa isang estatwang nakatayo.
Naulit ang paghikbi, mas malakas, pero hindi nakakabingi. Pakiramdam ni Frances, nangangapal ang kanyang balat sa kanyang mukha at nanlalaki ang kanyang ulo habang hindi maalis-alis ang mga mata sa kanyang nasasaksihan, hindi makapaniwala, yet sure what it was.
"Apollooo..."
Multo!
Ibinuka niya ang bibig at nagpakawala ng isang nasisindak, mahaba at nakabibinging irit.
UMIIRIT pa rin si Frances nang maramdaman ang mga kamay na pumigil sa kanyang mga kamay. Wala sa huwisyong lumaban siya, nagwawala; siguradong kapag pumayag si Frances na makuha siya ng mga kamay na iyon ay mamamatay siya! Kaya lumaban siya sa lakas na makakaya, ni hindi ininda ang sakit na dulot ng paghampas sa assailant ng kamay niyang may sugat.
"Frances, for God's sake!"
"Ayoko! Ayoko!"
"Frances, si Hedrick ito!"
"Multo!"
"Frances!"
Dumapo ang sampal sa kanyang pisngi. Shocked, namilog ang kanyang mga mata. And then she was seeing Hedrick's concerned face. "H-Hedrick?"
"I'm sorry, I had to. Sinasaktan mo ang sarili mo."
Hintakot na napabaling si Frances sa terasa. "M-may multo..."
"She's gone. Pagpasensiyahan mo na ang lola ko. She has never visited other rooms in this floor before."
Di-makapaniwalang bumalik kay Hedrick ang kanyang mga mata. "Kung ganoon..."
"Totoo ang sinabi ko sa 'yo tungkol sa multo niya, Frances. Hindi ko lang sineryoso kanina, kasi baka matakot ka. How could I know that after more than fifty years, magbabago ng routine si Lola? At ngayong gabing ito pa?"
Umawang ang mga labi ni Frances, pero wala siyang masabi. Nanlalambot na napahilig siya kay Hedrick. She was grateful when his hands readily embraced her trembling body. Pumikit siya at hinayaang tumulo ang kanyang mga luha habang naririnig ang nagkukumahog na mga yabag sa labas ng bukas na pinto ng kuwarto.
"Sir? Sir, ano'ng nangyayari?" natatarantang tanong ni Aling Choleng nang makalapit na sa kama, kasunod ang asawang namumula at naka-pajama pa.
Inginuso ni Hedrick ang terasa. "Lola Gracielita decided she wanted to go sightseeing from that terrace this evening, Aling Choleng. Nakita siya ni Frances."
"Mahabaging Diyos!" sambit ng matandang babae. "Pero hindi niya ginawa 'yon mula noong—" Tumigil ang matanda.
Nagtatakang tumingin ang amo kay Aling Choleng. Si Frances din, gusto niyang marinig nang malinaw ang sinasabi ng matanda, hindi makapaniwalang ang pinag-uusapan ng mga ito ay isang tunay na multo.
"Napakatagal na," sambot ni Mang Lemuel. "Mahirap nang maalala. Pero huwag kang mag-alala, hija. Walang intensiyong masama si Señora Gracielita. Hindi ka niya sasaktan, lalo't heto't nagpakita pa pala siya sa 'yo."
Shocked na napatitig si Frances kay Mang Lemuel, sa takot na nasa mukha nito. She was supposed to be grateful na muntik na siyang patayin sa takot ng isang multo. Totoo ba ang mga taong ito?
"Mang Lemuel, lalo siyang natatakot. Mabuti pa, kunin n'yo ang medicine kit. Mukhang nagdugo ang stitches niya at kailangang palitan ang bandages. Mang Lemuel, paki-lock ang pinto ng terrace. She's freezing to death."
Mabilis na tumalima ang mag-asawa. Binuhay ni Mang Lemuel ang overhead lamp bago dinampot ang medicine kit sa bureau at iniabot iyon sa amo. Isinara naman ni Aling Choleng ang mga pinto.
"Ipagtitimpla kita ng tsa, hija. Sir, gusto mo ba ng kape?"
"Hindi na ho kailangan," aniya.
"Let me see your hand."
Inilabas ni Frances ang kanyang kamay pagkarinig sa marahang utos. It was trembling as Hedrick captured it in his.
"Tsk. Nagdugo nga. Kasi, ilang beses mong isinuntok sa dibdib ko kanina."
"H-hindi ko na namalayan ang ginagawa ko."
"Totoo ang sinabi ni Mang Lemuel. Hindi ka sasaktan ni Lola."
Napahugot siya ng malalim na hininga. "I have never, in my life, ever seen a ghost until now. At natatakot ako."
"Frances..."
"P-pakiramdam ko, nanlamig pati puso ko. It was so cold. She was so cold. Nararamdaman ko na siya hindi ko pa man siya nakikita. Kaya nagising ako."
"Nasa kabilang kuwarto lang ako. Sinabi ko sa 'yo, 'di ba?"
"Paano kung sa sobrang takot ay hindi ako makasigaw? Madadaluhan mo ba ako?"
"Narinig ko ang iyak niya. Nakabangon na ako sa kama nang marinig ko ang sigaw mo."
Hindi pa rin kumbinsido si Frances. "May lihim ka bang galit sa akin? Bakit dito mo ako dinala? May multo pala rito. Gusto mo ba akong baliwin?" panunumbat niya sa binata.
Natawa ito. "She's a very harmless ghost. In fact, she's giving you a glimpse of what your future will be kapag namatay kang tulad niya, frustrated sa pag-ibig."
Nagulat siya. "Nagpakamatay ang lola mo?"
Nagkibit ito ng mga balikat. "Kind of. Namatay sa dagat na 'yan ang Lolo Apollo ko, yes, 'yong senior. Nalunod siya in a storm. Hindi nakabawi si Lola sa sobrang lungkot. Napabayaan ni Lola ang kanyang katawan, nagkasakit siya, namatay. Since then, she had always seen looking out to sea, tinatawag ang kanyang Apollo, pinauuwi. Hanggang ngayon."
Kinilabutan si Frances habang naaalala ang umiiyak at nagmamakaawang tinig na tumawag sa pangalang "Apollo." "Nakakaawa naman pala siya."
"Bear that in mind when you see her again."
Umiling siya at imboluntaryong napayakap muli kay Hedrick, mahigpit. "Hindi ibig sabihin n'on ay gusto kong makita siya uli. Mamamatay ako sa takot."
Tumawa ang binata. "Okay, okay, let me see your hand. Hindi natin puwedeng pabayaan 'yan, much as I'm enjoying this embrace." Nagbuntong-hininga ito. "Pero masakit linisin ang sugat kapag natuyo na ang dugo."
Inilayo ni Frances ang katawan mula kay Hedrick, suddenly remembering herself—kung sino siya, kung sino ito. And she should not be clinging to him like a rag doll dahil kahiya-hiya kahit walang ibang taong nakakakita. Iniangat niya ang kamay na may sugat at pinanood ang paggupit ng binata ng bandages, ang pag-angat nito ng gasa mula sa kanyang sugat. Napangiwi siya sa dugo. Iniiwas niya ang tingin.
"Multo at dugo in one night. Yiii!" nangangatal na sambit niya.
"Some people's lives can really be colorful," nakangiting sabi nito.
"I wonder kung sinong tao ang nag-donate ng dugo ko. Mabilis kaya siyang napapayag ng mga doctor sa ospital? Do you know who it was?" Tumingin siya sa mukha ng binata.
Nagkibit ito ng mga balikat. "Hindi."
"Pero naroon ka. Ikaw ang nagsugod sa akin sa ospital. You could have seen who it was."
"Well, ang alam ko, tinutukan siya ng scalpel ng doctor bago siya napapayag."
Natawa siya. "Puwede ba 'yon?"
"In fact, three doctors bullied him. Then ten attendants had to drag him to the patient's room sa pagsasalin ng dugo. And then he fainted. Kaya pala ayaw, takot siya sa dugo!"
Tumatawa na siya.
"Huwag kang masyadong tumawa. Naglilikot ang kamay mo," anito.
Tumigil si Frances. "Pinatatawa mo kasi ako. Seriously, Hedrick, kilala mo ba talaga kung sino ang nagbigay sa akin ng dugo?"
"Bakit ba gusto mong malaman?" anito, pasulyap-sulyap sa kanyang mukha.
"Kailangan pa bang itanong 'yon? Gusto ko siyang pasalamatan siyempre. Kung nagkataong wala siya, namatay na ako no'n."
Ngumiti si Hedrick, pamisteryoso. "Eh, di gawin mo na ngayon."
Naguguluhang tumitig siya rito. "Ha?"
Lalong lumuwang ang ngiti ng binata. "Gawin mo na ngayon. Magpasalamat ka na."
Napakurap siya. And then she understood what he was saying. "I-ikaw?"
Natawa ito sa ekspresyon sa kanyang mukha. "Huwag kang ganyan. Walang akong AIDS o kahit anong sakit na nakakahawa." Pagkatapos ay kumunot ang noo ni Hedrick. "Pero may sakit daw akong gigil, especially when things don't go my way."
The joke went unnoticed nang tumutok ang mga mata niya sa kamay ng binata, sa tanda ng tusok ng karayom sa braso nito, sa sugat na nanunuyo na. It was really there.
Dalawang beses na iniligtas ni Hedrick ang buhay ni Frances. Isinugod siya nito sa ospital on time, at ang binata ang nag-donate ng dugong nagligtas sa kanya.
Nang mag-angat siya uli ng tingin dito ay namamasa na naman ang kanyang mga mata.
Umiling ito. "If I knew you'd be crying again, hindi ko na sana sinabi."
"M-maraming salamat."
"I was at the right place at the right time with the right type of blood."
Natawa si Frances. "Kung malalaman lang ng mga kakompetensiya mo sa negosyo na ganito ka kabait, kakatayin ka nila."
Natawa rin si Hedrick. "Kaya nga hindi ako nagpapahalata."
Nagsalo sila sa sandaling tawanan. And then she held his hand with her other hand, at hinaplos ng mga daliri niya ang needle marks. Bumuntong-hininga siya at nag-angat dito ng tingin. At bilang tanda ng tapat na pasasalamat, iniangat niya ang kanyang baba at binigyan ang binata ng halik, tulad ng iginawad nito sa kanya kanina, isang halik sa mga labi.
Or that was what she intended it to be. But halfway through, nangatal ang mga labi ni Frances, that when their lips met, alam niyang naramdaman nito ang tremor. She also was not that successful with the timing. Hindi agad siya nakaurong. Nakadama siya ng sobrang interes sa pakiramdam ng mga labi ni Hedrick sa kanya, that she waited a second too long.
Hindi na siya nakaurong.
His hand went up to her face. Humaplos ang dulo ng mga daliri nito sa kanyang pisngi. Napapikit si Frances nang mariin. His lips moved over her lips, and the kiss that was meant only as a thank you went to another dimension. Hindi na halik lamang ng pasasalamat iyon. Hindi na halik lamang, period. And she was too busy feeling how good it turned out to be that she did not try to understand what it was.
Isa pang hagod ng mga labi nito, at lumalim ang halik.
Hanggang sa magsimula na siyang malunod.

In Loving and Believing - Noelle ArroyoWhere stories live. Discover now