Chapter 3

4.3K 81 4
                                    

Chapter 3

Nagising ako.

Umaga na pala.

Tumingin-tingin ako sa paligid.

There's no trace of anyone sneaking into my room..

Meron akong naaamoy.

Parang amoy ng isang nilalang..

Hindi tao.

May naaamoy ako.

Promise. Promise meron talaga.

May naririnig akong yabag.

Tapos meron pang sumasabay na parang..

Heartbeats?

"Oy Jean. Bangon na. May orientation ka ngayon oh. College ka na." --Mom

Napatingin ako kay Mommy. Mukhang nagulat siya.

"Jean? Bakit ang putla mo?" --Mom

"Mom. May mga naririnig ako."

"Ano?"

"Mom. I think I can hear your heartbeat."

Nanlaki ang mata ni Mom. Tapos napailing siya.

"Mom? Anong meron?" --ako

"Jean.." --Mom

"Bakit Mom?"

"Kasi.."

"Ano?"

"Tsk. Bahala na. Susunod na lang ako."

"Huh?"

"Ikaw na ang makakaalam. Malalaman mo na lang.."

"Anong sinasabi mo?!"

"JEAN!!" naiiyak si Mom.

"ANO?!"

"Kasi.. ARGH. Hindi ko pwedeng sabihin. Sila na ang magsasabi sayo. Sorry anak. Sorry talaga." sabi niya tapos niyakap niya ako.

"Mom? Anong meron?"

"Hindi mo alam ang buong pagkatao mo anak."

"Ano?"

"Basta. Makikita mo naman sila eh. Basta. Wag mo akong kamuhian dahil hindi ko sinabi sayo, ha? Wag mo din ako kakalimutan.. Wag. Please.."

"Mom. Wala. Hindi ako maka-relate. What are you saying?"

"Anak. Hindi ko talaga pwede sabihin. Yun yung huli nilang bilin sa akin. Basta anak. Wag ka lalapit kani-kanino. Baka mapahamak ka lang."

"Ano? Opo. Pangako."

Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

Kumalas na si Mom sa yakap. Tapos tinuro niya ang banyo sa kwarto ko. Clear naman ang ibig sabihin, diba?

Bumaba na si Mom. Naririnig ko pa din ang tibok ng puso niya. Kahit na sure ako na nasa baba na siya, naririnig ko pero medyo mahina na din.

Naligo na ako. Nagbihis. Nag-ayos. Tapos bumaba na ako para kumain ng breakfast. Fried egg with bacon. Mamimiss ko to..

Teka. Marunong naman ako magluto a. Si Mom din ang nagturo sa akin.

The Dhampir's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon