CHAPTER 4: Break Up

8 0 0
                                    

Zideya Ann Corpuz POV

Nathaniel

Magkita tayo ngayon sa fountain sa likod ng school 3pm.

Sent

At pinatay ko na ang phone ko. Dalawang araw na ang nakalipas mula noong makita ko ang mga pangyayaring ayaw ko makita ngunit iyon din ang naging rason para hiwalayan na talaga si Nathan.

Nakausap ko na din si Bea na todo ang pagcocomfort sakin mula ng malaman ang dinanas ko "Friend ready ka na ba talaga?" Pag-aalala niya sakin.

"Oo, tatapusin ko na" mahinahong sabi ko. Ang totoo nan ay hindi pa talaga, dalawang araw na din akong walang maayos na tulog dahil binabangungot ako. Magigising ako tapos iiyak, maninikip ang dibdib, maalala ko yung nangyari tapos hindu nako makakatulog.

Putek feeling ko lumaki eyebags ko dahil dun. Napagpasyahan ko na din talaga na kausapin si Nathan para tapusin ang kung ano mang namamagitan samin. Tutal puro sakit lang naman pinadadama niya, hiwalayan ko nalang.

Oo masakit, minahal ko talaga ng buo si Nathan, binigay ko ang mga kailangan niya, inalagaan ko siya noong may sakit, nageffort sa birthday niya kahit na ni-surprise wala akong natanggap, inintindi ko siya kahit na bipolar siya at babaero at binabalikan ko siya kahit na hindi niya ko pilitin. Ngunit hindi ko mabigay ang mga sexual desires na gusto niya dahil minsan ay napapaisip ako kung siya na ba talaga, at buti hindi ko nga binigay. Dahil hindi siya ang tamang tao para sakin, dun na siya sa babae niya t*ngina niya.

Mabilis lang ang oras at mag-3pm na, namaalam nako kay Bea at dumiretso sa likod ng school na may fountain. Doon kami palagi nagkikita pero doon na din ang huli. Hindi nako babalik.

Pagkapunta ko doon, nakita ko agad siya. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng galit sakanya, mas nangingibabaw galit ko kesa sa sakit na nararamdaman ko. When he saw me, he got up and stare at me as I stop infront of him.

"Why do you want to see me?" Walang ganang tanong niya.

Mas lalo akong nainis, he really doesn't have any empathy huh. Natawa nalang ako na ikinunot ng noo niya. "You never really love me do you?" Tanong ko sakanya.

I closed my fist, trying to control my anger building up and the tears that is on the way of going out. "What?" Tanong niya.

"Oh quit acting! Nakita ko na lahat Nathan t*ngina!" I yelled with anger. "You're just playing with my feelings, you never really loved me. Ginamit mo lang ako." Naiiyak na sabi ko. But his face is still expressionless. "1 year Alex, 1 year tayong nagsama, I gave you all kinds of services as a girlfriend but never with your sexual desires! Ganun ka na ba talaga katigang at sa iba ka nakikipag-sex? T*ngina Nathan akala ko mababago kita, I hope and prayed that someday you'll change and be better. But no, you didn't." I cried, emphazing everything that I said.

"Katigang? Shut the f*ck up Zideya! Nakipag-relationship ka sakin dapat alam mong kahit na girlfriend kita, may iba pa din akong hahanapin. And you're right, I never loved you," nakangising sabi niya, "but don't worry sa dami nang putahe na natikman ko, ikaw pa din ang hihintayin at paborito ko. So don't throw tantrum anymore, ang ingay mo." Reklamo niya.

Naiinis talaga ako sa inaasta niya ngayon t*ngina ginawa pakong puteha ng pota!, "then why did you even let me get back to you kahit na ipaulit-ulit mo nakong sinasaktan? Hindi mo naman ako mahal"

"Why? Dahil alam kong baliw na baliw ka sakin. At alam kong babalik ka din kahit na makailang break ups tayo. You need me Zideya, ikaw ang uhaw, ikaw ang palaging nalapit hindi ako. Makikipag-break ka sakin ngayon? Go ahead, I'll see you in 4 days then." Nagkibit-balikat pa siya, naglakad at nilampasan ako.

Take Me Back Ms. CorpuzWhere stories live. Discover now