CHAPTER 2: Not Him

7 0 0
                                    

Zideya Ann Corpuz POV

I got home. Disappointed and upset. Hindi niya talaga ako sinipot sa room kanina, naabutan ko pa janitor namin. Tapos nawalan na din ako ng gana na pumunta ng condo niya kaya inuwi ko nalang yung cake a flowers na ibibigay ko sana sakanya. Pandalawa beses niya na ginawa to sakin. And once again, I feel the heaviness of my heart.

I lay in my bed and saw my phone opened. Nakita ko ang nickname ni Nathan doon kaya kinuha ko agad ang phone ko para basahin ang text niya sakin.

Bebeloves❤️

I didn't notice the time, sorry Zid. Bawi ako soon, ingat ka pauwi. Love you.

'Love you'

'Love you'

'Love you'

Kyaaahhh!! Love you too babe! Nawala bigla ang bigat sa loob ko dahil sa message niya.

Bebeloves❤️

Okay, jgh actually. See you tomorrow, I love you too 😙

Tapos makalipas ang ilang minuto ay nagnotif uli ang phone ko.

Bebeloves❤️

Cute, see you.

Para akong bata na pinansin ni crush dahil sa last message niya. "Lord ba't ang swerte ko aahhh!!" hiyaw na sabi ko habang kilig na kilig at paulit-ulit na binabasa ang message ni Nathan.

He really knows how to get my heart. Sinara ko na nag cellphone ko at bumaling sa gilid ng higaan, nakita ko ang frame sa gilid ko. It was me and Nathan, our first date together, it was awkward but also fun dahil doon ko nakilala si kung sino si Nathan.

----:|

Lumipas ang mga araw, halos hindi ko na nakikita si Nathan dahil busy din ako sa pagpipinta dahil due date na. Pero minsan ay nagme-message siya sakin kaya hindi ko feel na dumidistansya na kami sa isa't-isa.

"Zid samahan mo nga ako dalhin tong mga canvas sa art room." Sabi ni Bea. Pumayag ako dahil wala naman na akong ginagawa, at madami-dami din ang dadalhing canvas.

Binaba na namin ang mga canvas sa sahig at tumingin sa paligid. This room is our storage for our upcoming art exhibit, balak ko din ayain si Nathan para makita niya din ang mga ginawa ko. I can't wait to see his reaction. Ngumi-ngiti akong lumabas ng room nang makita ko sa gilid ng mata ko ang pamilyar na lalaki na dumaan sa hallway na may kasamang babae.

Nathan...

Nakaramdam ako ng kaba at hindu makahinga dahil pag-iisip na sana hindi siya ang nakita kong lalaki na may kasamang babae.

"Zid" nagulat ako nang bigla akong tawagin ni Bea.

"B-bakit?" Gulat na tanong ko, I can't process putek!

"Anong bakit? Tara na, magdedesign pa tayo sa hall." Ani ni Bea at pinulupot ang braso niya sa braso ko at umalis sa art room.

Pinilit kong hindi isipin yung nakita ko at nagpakalibang sa pagdedesign ng exhibit namin. Pupuntahan ko din si Nathan mamaya sa room niya para imbitahan siya at sabay kaming umuwi. Maybe I just miss him so much na nakikita ko na siya sa ibang tao.

"Si Nathan?" Tanong ko sa mga kaklase siya, takte ba't kasi nakaharang sila sa pintuan, hindi ko tuloy makita si Nathan.

"Uhh saglit lang may ginagawa kasi siya." Sagot noong lalaki na nakasalamin na kasing height ng boyfriend ko.

"Zid napadaan ka?" Agad na lumukso ang puso ko sa tuwa ng makita ko siyang lumabas ng room at nilapitan ako, umalis na din yung mga lalaki na nakaharang sa pintuan.

Take Me Back Ms. CorpuzWhere stories live. Discover now