CHAPTER 1: He Didn't Came

12 0 0
                                    

Zideya Ann Corpuz POV

"Happy 1 anniversary babe!" Masayang bati ko at binigay yung vanilla cake sakanya. It's his favourite flavour so I really made an effort to bake it for him.

"Oh... Its our 1st anniversary? One year na tayo?" He was confuse and doesn't seem to be impressed.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil hindi man lang niya tinanggap yung cake. "Oo, one year na tayo. Ano ba yan ba't di mo tanda" I sulk and cross my arms.

"Sorry babe, I was busy with my studies and stuffs. Wag ka na magtampo okay?" He said, and took the cake on my hand and observe it. "What kind of service is this, ampangit ng design." He uttered that made me want to cry.

"Babe ako naggawa nan" naiiyak na sabi ko.

Gulat siyang napatingin sakin at binaba ang cake sa table, "oh! I'm sorry babe, akala ko kasi hindi ikaw ang naggawa. Please don't cry" he said while caressing my checks.

Instant tanggal sakit sa puso ang naramdaman ko dahil sa ginawa niya. "maka-critique naman toh, ang sakit nun ah pasalamat ka mahal kita" sabi ko sakanya at niyakap siya.

It took a seconds for him to hug me, siguro ay nabigla siya sa inasta ko kaya hindi siya nakapag-react agad. But still, I feel warm and can hear his normal heart beat habang yung akin ang bilis ng tibok ng puso ko. I've been observing a lot and I don't hear his heart racing whenever we hug. Napapa-isip ako kung talagang mahal ba ako nitong lalaking toh.

Pero isang taon na kami, isang taon na kaming magkasama mula 1st year college ako. 2nd year na ko ngayon at habang 3rd year na siya, walang nagbago, mahal ko pa din siya, actually naka-ilang break ups na kami dahil sa mga rumors na nambabae siya pero sa huli. Hindi ko talaga kaya na mawala si Nathan sa buhay ko.

I don't know, I just love him so much. I will do everything. "so sweet, I love you too Zid." He said while hugging me back. It was a nice moment when suddenly his phone rang. Agad siya kumawala sa pagkakayakap, dumistansiya siya sakin at sinagot nag tawag. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero nakangiti ito at minsan ay napapa-lip bite pa.

I watch him talk through the phone and still can't believe that, I'm in relationship with this guy. Nathan was a famous womanizer in our university. At first I was just admiring him from afar but then he suddenly approached me and court me. Abah syempre hindi kona pinatagal at sinagot ko siya agad. Andyan na ang biyaya tatalikuran mo pa?

Though my friends doesn't seem to be fan of him. Pero I told them na mababago ko ang lalaking toh. And it's on progress. I guess...

But Nathan is also sweet and warm. He also respect me as a woman, and until now I haven't given him my first kiss dahil hindi pa ko handa pero gusto kong siya ang unang makahalik sakin and siya ang magiging last ko.

He also give me heartaches sometimes pero pinapalagpas ko iyon dahil mahal ko siya. Hindi ko nakikita ang sarili kong magkaroon uli ng bagong lalaki, siya lang talaga. Wala nang iba. Going back, our first break up was 3 weeks palang kaming mag-jowa I caught him flirting with one of the runner ups sa pageant ng school namin. It was heartbreaking, pero hinabol ko siya at sinabing papatawarin ko siya, then the second break up was 4 months na kami and I caught him texting and flirting again, I ran to him again, get back to him because I miss him so much.

There was one time sinuyo niya ko at bigyan ako ng isang red rose as a sign of apology. I accepted his apology and continued my relationship with him. That was also our 3rd break up and sinuyo niya ko for the first time.

My friends are worried about me dahil hindi daw talaga maganda na magkaroon ng jowa na may pangit na background. I know Nathan has many flaws but I accepted those. Dahil kung mahal mo talaga ang isang tao, tatanggapin mo kahit ano man siya.

His call ended and approached me, "sino yung tumawag?" Tanong ko sakanya.

Napatigil siya saglit, "hm? Uh, a friend. About sa project na irereport namin tomorrow." He replied habang minamasahe ang leeg.

Tumango-tango ako, "okay... Do you want to taste the cake?" Pag-iiba ko ng topuc dahil mukha namang hindu mahalaga kung sino yung tumawag sakanya.

"About that. Iuuwi ko nalang sa condo ko. Dun ko nalang kakainin. Or pakidala nalang sa condo ko, lagay mo sa ref. I need to go now Zid, uh, I need to barrow books from the library." Sabi niya.

I felt sad and disappointed, "can't you just spend the rest of the day with me? I can go with you babe." Tanong ko sakanya. Anniversary naman namin ngayon eh.

"I'm sorry I can't, hindi ka din pede sumama sakin, baka madistract lang ako." Nakangising sabi niya. Nakaramdam ako ng kilig dahil sa huling sinabi niya.

Hinampas ko siya ng mahina, "kaw talaga, sige hindi na ko sasama pero mag-date nalang tayo mamaya. Anniversary natin eh okay?" Tanong ko sakanya habang nakangiti.

"Alright, let's date later. Babye Zid, I'll fetch you sa room mo later." Sabi niya habang papalayo sakin. Tumango ako at kinawayan niya.

Then he was out of my sight now. Its only me, the cake and the flowers that I was supposed to give to him. Pero dadalhin ko nalang sa condo niya mamaya. Magde-date naman kami eh. Nakaramdam tuloy ako ng excitement, finally!

"Oh ngiting-ngiti na naman si anteh koh" sabi ni Bea nang makaupo ako sa upuan ko.

Pinigilan kong hindi mapangiti ng malaki, "hm? Ako nakangiti? Hindi ba pedeng masayahin lang?" Pagtanggi ko kahit na totoo naman talaga. Eh excited nga kasi ako, magde-date kami ni bebeloves ko mamaya ehe!

"Masayahin... Tigilan mo kami, ano yang ngiting yan? Anong ganap? Hiwalay na ba kayo?" Tanong ni Bea, hinampas ko siya sa balikat at sinamaan ng tingin.

"Gaga ka hindi, bakit naman kami maghihiwalay eh 1st anniversary namin ngayown" magiliw na sabi ko. Alam kong hindi talaga sila boto kay Nathan pero baka matanggap din nila na siya na talaga nag the one ko.

"Ha? Antagal niyo na pala noh? Jusko sa daming niyong break ups nakakaya mo pa talaga noh" sabi niya.

"Beh mahal ko siya. Papatawarin ko siya kahit na ilang beses." Sabi ko.

"Gaga hindi dapat ganyan, ikaw nga tong laging naghahabol kapag naghihiwalay kayo. Nako, isang break up niyo pa talaga, masasapak ko na yang lalaking yan kahit na biniyayaan ni Adonis ng ganung mukha." I can see the rage on Bea's eyes while saying those words.

I just smiled, "we won't break up again. I'll try my best to be understanding girlfriend as possible" sabi ko, at seryosong inayos ang pagkaka-upo ko.

"Zid I'm just worried about you okay? Kung nandito lang din si Tia ganun din sasabihin niya sayo" Bea said, my heart softened.

"I know, alam ko naman ginagawa ko eh. Wala pako sa limit ko beh, kaya ko pa siya patawarin... I just, don't see myself without him now." Pag-amin ko.

It was a long silence between us, "alright, pero nandito lang kami ah." Tumango ako, saktong pumasok na nag prof namin sa room at nagsimula na ang klase. Yung cake at flowers ay ipinahabilin ko muna sa canteen dun ko muna nilagay, kukunin ko nalang mamaya.

Then finally dismissal na namin, I already put my things inside my bag and patiently wait for my boyfriend to pop out of the crowd sa labas. Ang bilid ng tibok ng puso ko, gusto ko na siya makita, I waited for almost an hour, halos wala nang istudyante na nadaan sa hallway at wala pa din akong nakikitang anino ni Nathan.

But I kept on waiting, baka magpapakita na siya, baka tapos na siya sa klase niya. Susunduin niya na ako pero hanggang sa maggabi, walang Nathan akong nakita sa labas ng pintuan namin...

TO BE CONTINUED...

Take Me Back Ms. CorpuzWhere stories live. Discover now