CHAPTER XLI: So Much For So Little (Fabienne)

3K 150 37
                                    

FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

ITO NA ang fourth time na binisita ko si Priam this week. On my way to the hospital, nanalangin ako na sana'y mulat na siya pagdating ko. I wanted to see him smiling again kahit 'di siya madalas na ngumiti. That would be the greatest gift to me kahit malayo pa ang birthday ko. Kaso pagdating ko sa private room niya, his eyes remained shut and his body remained still.

Napasimangot ako. I sometimes wondered kung alin ang mas masaklap: ang malamang namatay na ang isa sa mga mahal mo sa buhay o ang malamang walang kasiguraduhan kung magigising pa siya. Masakit sa puso kapag pumanaw na ang isang tao, pero lilipas din ang panahon hanggang sa tuluyan nang makapag-move on ang mga naiwan niya. Pero kapag na-coma ang isang tao? 'Di ko maipaliwanag ang feeling dahil mahirap siyang i-describe.

On one hand, masaya ako dahil 'di natuluyan si Priam at may chance na magising pa siya. On the other hand, baka naghihintay kami sa wala at . . . pumanaw rin siya makalipas ang ilang linggo, buwan, o taon. I refused to entertain the latter thought, pero mahirap 'di i-consider ang possibility na 'yon.

Naalala ko ang sinabi ni Castiel sa 'kin. Mag-iisang taon nang naka-coma at naka-admit ang kapatid niya, pero hanggang ngayo'y 'di pa rin 'to nagigising. That must have been hard not only for him, but for the Seville family too. Naintindihan ko kung saan niya hinugot ang kaniyang pagmumukmok sa apartment ng dalawang linggo. Natatakot siyang baka gano'n din ang mangyari kay Priam. Natatakot din ako sa posibilidad na umabot nang gano'n katagal ang coma niya. Pero . . .

Hay, naku! Ayaw ko nga munang isipin 'yon! Tita Primavera was so hopeful that her son would wake up again, kaya 'di rin dapat ako panghinaan ng loob. Hangga't humihinga pa siya, hangga't may vital signs pa siya, may pag-asa pa. Lumalaban pa si Priam kaya dapat ay lumaban din kami.

I stood by Priam's bedside and caressed his jet black hair. Medyo humaba na ang buhok niya. Napakaamong tingnan ng kaniyang mukha, pero namayat na halos litaw na ang cheekbones gaya kay Castiel. Guwapo pa rin siya. Kung sanang may puwede akong gawin para gumising na siya . . .

Bumukas ang pinto sa bandang likuran ko. Kasabay ng nilikha nitong kaluskos ay ang sunod-sunod na clank. Nanlaki ang aking mga mata at agad akong lumingon do'n. Bahagya akong napanganga nang bumati sa 'kin ang mukha ni Castiel. Nakasuot na siya ng maroon blazer at golden necktie. Compared no'ng nadatnan ko siya sa apartment, maayos na ang pagkakasuklay ng kaniyang buhok at clean-shaven na rin siya ngayon. Mabuti't na-groom na niya ang kaniyang sarili.

"Cas," pabulong na tawag ko. Himala, 'di agad kumulo ang dugo ko o tumibok ang ugat sa aking sentido pagkakita sa kaniya. Sa bagay, nagkausap na kami no'ng isang araw kaya nabawasan na ang bigat at sakit na nararamdaman ko sa kaniya. Pero may natira pa rin sa kaloob-looban ko. Well, this wasn't the time and place to be upset at him. Nakahihiya kay Priam.

"Fab," tawag niya sabay lapit sa 'kin. Halos sabay ang beep ng machine sa tabi ng kama ni Priam at ang clank ng cane niya. Tumayo siya sa tabi ko at pinagmasdan ang walang malay niyang kaibigan. Lumukot ang mukha at naglawa ang mga mata niya. Dalawang linggo na rin no'ng huli siyang pumunta rito. Ngayon ulit niya nasilayan si Priam.

Play The King: Act TwoWhere stories live. Discover now