CHAPTER VIII: Royal Restraint (Fabienne)

5.9K 341 261
                                    

FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

ALL ALONG, I thought tapos na at naibaon na sa limot ang fake issue ko no'n. Parang nabuksan ulit ang sugat kong hindi pa tuluyang humihilom. Muli na namang sumakit. Muli na namang nanariwa sa isip ko ang trauma. How? By reading the latest issue of The Herald. Halos mapunit ko sa dalawa ang diyaryo habang binabasa ang bawat paragraph.

CCS-CSC chair, officers involved in fake news spread —USC report

No'ng pumasok ako kaninang umaga, hindi ko masyadong pinansin ang pinamimigay na newspaper sa circulation station ng student publication. Hindi rin kasi ako mahilig magbasa ng diyaryo at wala rin ang pangalan ko sa headline. If Belle didn't bring it to my attention, hindi pa ako magkakainteres.

"Okay ka lang ba, Fab?" tanong ni Belle habang hinahaplos ang likod ko. Nasa backstage kami ng auditorium, naghihintay na matapos ng ilang kasama namin ang kanilang scenes sa stage.

Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim. Three times I took a deep breath just to calm myself down. Nang unti-unting humupa ang namumuong inis at galit ko, doon ko na muling iminulat ang aking mga mata.

"I'd lying if I say na I'm one hundred percent okay," I replied bago itinupi ang diyaryo. Hindi ko natapos basahin ang buong article, pero sapat na ang nabasa ko para magkaroon ng idea kung ano ang kuwento.

"Grabe itong Chevy na 'to." Napapalatak si Belle habang napaiiling ang ulo. "CSC chairperson 'tapos isa sa mga nagpapakalat ng fake news?"

I met Chevy during the team building. Hindi man kami masyadong nakapag-interact no'n, ramdam ko namang madali siyang pakisamahan at kalog kapag naka-close siya. Kaya hindi ko in-expect na magiging isa pala siya sa mga maninira sa 'kin.

"Siguradong tatanungin ka ng ilang campus reporters kung anong comment mo," dugtong ng kaibigan ko. "Ano'ng balak mong sabihin?"

"Siyempre iko-call out ko siya," sagot ko. "Baka manawagan din akong mag-resign na siya out of delicadeza—kung meron man siya n'on."

"Kung hindi siya magre-resign, kakaladkarin ko siya palabas ng kanyang office. Hindi niya deserve na maging student leader at role model."

"Kung isa siya sa mga nagpakalat, kilala kaya niya kung sino ang nag-start nito?" Biglang sumulpot sa likuran namin si Colin. Kanina pa pala siya nakikinig sa 'min. "Hindi naman siya magiging involved sa pagpapakalat n'on kung walang nag-utos sa kanya."

"Hindi niya kilala kung sino'ng nagsimula ng tsismis," pailing-iling kong sabi. "Malamang nakisakay lang siya sa hate train sa 'kin sa utos ng sinumang gusto akong siraan."

Kung may mastermind sa fake scandal na 'yon, walang iba kundi si Castiel. Hay, naku! Kumukulo na naman ang dugo ko sa kanya. Bumabalik na naman ang trauma na ibinigay niya sa 'kin for the sake of his plan. Siyempre, hindi ko pwedeng sabihin kina Belle at Colin ang katotohanan. Ayaw ko na ring maging mas komplikado pa ang sitwasyon. Baka lumpuhin pa ni Belle si Castiel kapag nalaman niya kung sino talaga ang nagsimula ng fake news.

Play The King: Act TwoWhere stories live. Discover now