CHAPTER XXXVII: Sleeping Prince (Fabienne)

2.5K 201 89
                                    

FABIENNE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FABIENNE

I DROPPED everything no'ng narinig ko mula kay Castiel na pinagsasaksak si Priam at isinugod sa ospital. Sobrang focused ko na n'on sa play at halos na-internalize ko na ang character ni Juliet bago ang pinakaunang show namin. Pero mas nanaig sa 'kin ang pag-aalala sa malagim na sinapit ng fake boyfriend ko.

Probably for the first time in my life, I abandoned the theater just so I could check kung kumusta ang lagay niya. 'Di ko na naisip ang consequences, basta tumakas ako ng auditorium at pumunta sa ospital kahit naka-costume pa ako. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Basta ang importante'y mapuntahan ko siya at maparamdam kong nando'n ako para sa kaniya.

Oh, Priam . . . He was the type of person na laging tinutupad ang pangako niya. He promised me that he'd be watching the opening show of our play. We even swore on our pinkies. Pero sa unang pagkakataon mula no'ng nagkakilala kami, nabali ang pangako niya. 'Di baleng 'di niya ako mapanood, basta nasa maayos siyang kalagayan at 'di siya pinagsasaksak. Sa kasamaang palad, gano'n ang sinapit niya.

My world almost shattered nang nalaman ko na ang tunay na lagay niya. Nanghina ang mga braso at binti ko, halos naglupasay na nga ako sa sahig. 'Di ko na naiwasang umagos ang mga luha ko. Sampung beses siyang pinagsasaksak at nalagay pa sa kritikal na kondisyon. Only a miracle could save him.

There was nothing I could do but wait. 'Di ako umalis ng ospital hangga't 'di ako nakasisiguro na maayos na ang kondisyon niya. Belle, Colin, our stage manager, and even the theater director kept on calling me, pero in-ignore ko ang mga tawag nila. All I could think about was Priam. Every thought in my head was about Priam. Kapag bumalik ako ro'n at pinilit ang sarili kong umarte, baka masira ang palabas dahil sa 'kin at madamay ang production.

Nag-stay ako hanggang gabi sa labas ng operating room. Mabuti't naka-duty no'n ang Kuya Fabrice ko kaya may umantabay sa 'kin. Late na nang inilabas si Priam mula sa OR. Nang ibinalita sa 'min na stable na ang kaniyang kondisyon, pinasalamatan ko ang halos lahat ng mga santo at anghel na tinawag ko sa panalangin. He was brought to a private room kung saan siya magpapahinga at hihintaying magising. Kinabukasan, no'ng bisitahin ko ulit siya, 'di pa rin siya nagkakamalay.

Two weeks later, wala pa ring malay si Priam. Sabi ng doktor, isa sa dalawang malalim na saksak sa kaniya ay tumama sa major artery niya kaya nawalan siya ng maraming dugo. I didn't fully understand it habang ine-explain sa 'min, pero nakaapekto raw sa utak niya ang volume ng dugo na nawala sa kaniya. Walang makapagsasabi kung kailan siya magigising.

Muli na naman akong nanlumo. Ang akala ko'y tapos na ang mga pangamba namin no'ng maging successful ang operasyon. Meron pa pala kaming dapat na ikabahala.

Mula no'n, halos araw-araw ko siyang binibisita, umaasang mamumulat na ang kaniyang mga mata pagdating ko. I prayed for any sign that he'd regain his consciousness soon. But his eyes remained shut and his body remained immobile. Kung paano ko siya nadatnan kahapon, gano'n ko rin siya nadatnan ngayon. Parang prinsipe siya na mahimbing ang tulog. Kung puwede ko siyang gisingin gamit ang halik ko—kung may magic lang ang aking labi—hinalikan ko na siya.

Play The King: Act TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon