8

5 1 0
                                    


Kinabukasan ay narinig ko na ang alarm ko. Pinabayaan ko munang tumunog at hirap akong idilat ang mata ko. Antok na antok ako.

Few minutes later ay bumangon na ako at naligo na. Sinuot ko ang foundation shirt namin at ang p.e pants. Kinuha ko ang bag ko at tinignan ang laman noon. Nakita ko ang i.d. ko kaya sinuot ko na ito. Nilagay ko na ang wallet, powerbank, phone, ko sa loob nito. Bumaba na ako para kumain, sina Bella at Reia ay paniguradong andoon na. Ngayon kasi ang palarong pinoy. Every strands ay may mga napiling mga tao na maglalaro.

Kumain lang ako at nasa harapan ko si Mamita na kumakain 'din. Tinanong ko si Mamita kung asaan si Mommy.

"Hindi raw siya papasok ngayon, ayun natutulog pa!" Saad ni Mamita.

Tinapos ko na ang pagkain ko at naglagay ng tubig sa aking tumblr. Umakyat ako para mag toothbrush at mag lagay ng perfume.

Nagsimula na akong maglakad galing sa bahay namin at sa gate.

After ten to fifteen minutes ay nakarating na ako sa gate. Sa tapat noon ay may toda ng mga tricycle kaya tumawid na ako at sumakay. Isa na lang para umalis na kami. Nasa likod ako ng driver umupo. Inabot ko na ang pamasahe at nilagay ang wallet sa loob ng bag ko.

Nang may dumating na isa pang pasahero ay umalis na kaagad kami. Less than twenty minutes lang ang byahe. Malas na lang kung ginagawa ang daan malapit sa kanto.

Pagkadating ko ng 7/11 ay pumunta na ako sa isa pang toda para, kaharap lang ng 7/11. Pwede naman ako mag jeep pero hindi kasi sa tapat ng school ako ibababa. Sumakay na ako sa tricycle papunta sa school. Twelve pesos lang ang binayad ko. Sa likod ulit wko ng driver sumakay, dahil puno na sa loob. Hindi nagtagal ay umalis na kami. As usual ay ako ang naunang bumaba sa mga pasahero.

Dumaretso kaagad ako sa gym. Maingay na kasi at alam kong maglalaro na sila. Ilang saglit lang ay nakita ko sila Bella na nakaupo sa may mga bleachers sa gilid ng court. Nakiupo na lang ako sa may bakanteng space katabi nila.

Madaming palarong pinoy, may batong bola, hilaang tali, luksong baka, chinese garter, at iba pa. Nanood lang kami at nag cheer sa STEM. Sa batong bola ang nanalo ay ang STEM, sa hilaang tali naman ay madami kaming nakitang poging humihila ng tali! 'Yung isa pa ay pinalupot niya sa braso niya para lang mahila, pagkaalis ng tali ay namula ang braso niya, for sure masakit 'yon. ABM ang nanalo sa hilaang tali.

Pagkatapos ng hilaang tali ay umalis na kami. Pumunta kami sa cafeteria at bumili lang ako ng kape, para magising. Sila naman ay nag hati lang sa lychee na drink. Pagkatapos ay umakyat kami at pumunta sa may tapat ng library. Nakikita 'din namin ang mga naglalaro ng luksong baka.

"Mcdo tayo!" Pag-aya ni Bella.

"Ih, ayaw ko! Parang hindi na nga ako nakain ng totoong pagkain, puro fast food na lang eh!" Saad ni Reia.

"Mayaman ka kase kaya puro fast food ka!" Sabi ni Renzo, nagulat kami ng magsalita siya. Katabi niya si Ismael na nasa gilid niya. Nag ce-cellphone.

Nakaupo lang ako at nag ce-cellphone. Naka connect ako sa library wifi. Napatingin na lang ako sa baba kung asaan ang court ay nanalo na pala ang HUMSS sa luksong baka.

"Chinese garter na, maglalaro na ko," Saad ni Renzo at bumaba na, papunta sa court.

Pito ang players ng chinese garter kada strand, dalawa sa section namin ang maglalaro. Isa na doon si Renzo.

Hindi ako masyadong nanood pero rinig ko ang sigawan sa court. Nang tumingin ako ay apat na lang ang STEM, tatlo na lang ang ABM at HUMSS ang GAS ay apat pa 'din.

Mataas na ang garter, nasa tenga na ng dalawang matangkad na lalaki.

"Ang taas na," Saad ko.

"Kung ako 'yan matagal na akong tanggal." Saad ni Reia.

Love at First GameWhere stories live. Discover now