9

6 1 0
                                    


Sobrang himbing ng tulog ko at nagising ako ng alas singko, hindi na naman ako nag dinner.

Kapag kasi tulog kami, at dinner time na ay hindi na nila kami gigisingin. Kasi baka hirap na kaming makatulog.

Dahil gising na ang diwa ko at balak kong pumasok ng alas otso ay nanood muna ako sa laptop ko.

Nang magising na ang mga tao ay bumaba na ako para kumain. Pagkatapos ay naligo na rin ako. Nag bihis at nag ayos. Nag dutch braid 'din ako sa buhok ko at nilagyan ng glitters.

Nanood muna ako hanggang sa kinuha ko ang bag ko para kuhanin ang wallet ko. Nakita ko ang book na binigay sakin kahapon ni Claveria. Naalala ko 'din na may envelope sa loob nito. Kinuha ko iyon at binuksan.

'To: Mau'

Mau? Sino si Mau?

'To: Mau

Thank you for supporting me and my team this week. Seeing you cheer for me and my team means a lot to me. Just to let you know, I admire your beauty. I like your personality. Within the days the book has been with me, I've read it. Sorry, xd, the story is so interesting. Ganto pala, 'yong mga gusto mo. Ang daldal ko na, thank you again! I hope we bond soon!

From: Mael :)'

First of all sino si Mau? Ako ba 'to? Second name ko ba 'to?

Katleya:

Sinabi niyo ba kay Ismael 'yung second name ko?

Sereia:

Huh? Hindi ko naman masyadong nakakausap 'yon

Sabella:

Hindi ah swear!

Bakit?

Katleya:

Mau eh

Basta papabasa ko 'yong letter mamaya dadalhin ko

Sereia:

Sa letter pala 'yan!

Sige sige

Nasa 7/11 nako

Katleya:

Ingat! Nasa bahay pa rin ako

Nanonood lang tapos na rin maligo

Sabella:

(2)

Katamad kumilos

Nanood pa ako hanggang sa malapit na mag eight. Nilagyan ko ng water ang tumblr ko at nag paalam na. Maglalakad ako ngayon dahil nauna na sina Mommy.

Pagkalabas ko ng gate ng subdivision ay tumawid ako sa sakayan ng tricycle. Nag intay lang kami ng iba pang pasahero bago umupo sa tricycle. Nang mapuno na kami ay nag-abot na ako ng pamasahe ko at umupo na sa loob, sa likod.

Less than twenty minutes ay nakarating na ako sa 7/11. Pero naisipan ko munang bumili ng hotdog sandwich. Kumuha ako ng plastik sa gilid, at kumuha ako ng buns at hotdog. Binayaran ko na sa cashier. Sa school ko na kakainin.

Nagutom kasi ako sa byahe, eh 'yong katabi ko pa nakain. Natakam tuloy ako! Pagkatapos kong mag bayad ay lumabas na ako para sumakay ulit sa isa pang tricycle. Ito naman ay papunta sa school namin.

Umupo na ako sa likod ni kuya driver at nag bayad na. Ako na naman ang unang bababa sa tricycle, as usual.

Naglakad ako hanggang sa may entrance. Pumasok na ako at chinat kung asaan sila. Wala pa raw si Bella kaya pumunta ako 'kay Reia na nasa room.

Love at First GameWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu