2

12 1 0
                                    


Sunday went by so quick at monday na naman.

I just wore our foundation shirt at p.e. pants. Naglakad ako papuntang toda at mabuti na lang ay isa na lang at lalarga na. Nag bayad lang ako syempre may student's discount.

Si Bella at Reia ay nauna ng umalis kanina kaya feeling ko si Bella ay andoon na at si Reia ay nasa byahe pa rin.

Nag chat si Bella na andoon na siya sa meet up place namin. Ako naman ay malapit na makapunta sa meet up place namin.

May dalawang game ang STEM boys ngayon kaya manonood kami, hopefully makahanap kami ng good spot. Ayaw ko naman ng nakatayo lang kami magdamag the whole game.

Nakarating na ako sa 7/11 kung saan ang meet up place namin at nakita ko si Bella na nakaupo doon. Tinabihan ko siya sa pag upo. Nag chat naman si Reia na malapit na siya kaya lumabas na kami.

Ilang sgalit lang ay naglalakad na si Reia palapit sa amin. Sumakay na kami ng tricycle papuntang school. Mabuti na lang at talikuran ang upuan sa loob. Nang malapit na sa school ay nilabas ko na ang pera na ipang babayad ko, sakto na iyon para wala ng sukli. Nang makarating sa tapat ng school ay bumaba na ako at binigay sa driver ang pamasahe.

Pagkatapos ay pumasok na kami sa school. Pinakita namin ang I.D. at pumasok na. Nag hanap kami ng magandang pwesto, 'yung may upuan na para maganda.

Nakahanap kami ng mauupuan likod ng canteen at parang terrace. May bakod ng bakal, baka mapunta dito ang bola, hindi kami matatamaan.

Nang nakaupo na kami ay malapit na magsimula ang laro.

"Manonood ba tayo?" Tanong ni Bella.

"Oo nanonood na nga tayo eh!" Sagot naman ni Reia. Tumwa ako dahil hindi naman iyon ang tinatanong ni Bella.

"Tanga hindi, sa movie kasi!" Singhal ni Bella.

"Oo! 'Yung conjuring two!" Sagot ni Reia.

"Tara bili na tayo ticket, ako na maiiwan." Sambit ko, baka kasi wala na kaming pwesto kapag umalis kami tatlo. Binigay ko na lang ang pangbayad ko at umalis na sila. Andoon naman ang bag kaya walang mangunguha ng upuan. Sana wala.

The game started at lamang ang ABM ng dalawang puntos. Nag serve ulit ang ABM at na receive naman ito ng STEM.

Nanonood ako hanggang sa dumating na 'yung dalawa.

"Beh, front seat tayo." Sabi ni Bella.

"Hoy tangina nyo! Wala akong dalang panyo!" Singhal ko. Tumawa lang sila at nanood na.

May mga nag c-cheer sa STEM kapag nakakapuntos sila, ganoon din sa HUMSS kapag nakakapuntos din sila.

"Go, STEM!" Sabay naming tatlo sinabi. Mabuti na lang at malakas ang boses ng dalawang 'to.

Hindi pa pinapasok ang boyfriend ni Bella at ganon din ang team captain nitong si number 16.

"Gutom na ko!" Sabi ni Bella.

"Kumain ka na," Saad ko naman.

"Mamaya na, kapag malapit na tayo manood." Sambit naman niya. Tumango na lang ako at bumalik na sa panonood.

Nakita kong pinasok na ang boyfriend ni Bella at si Claveria.

"Go, STEM!" Cheer namin.

Throughout the game, si Claveria lang ang tinitignan ko kapag nag s-spike ang kalaban. Lagi niya kasing na re-receive. Kaya kapag na re-receive niya ay nagtitilian kami.

"Ang lakas mo tumili! Pumasok sa eardrums ko!" Singhal ni Reia, siya kasi ang katabi ko. Tumawa lang ako sakaniya.

"Go, STEM!" Cheer ulit namin.

Love at First GameWhere stories live. Discover now