4

9 2 0
                                    


Pagkabalik namin sa school, ay pumunta kami sa room dahil wala naman kaming gagawin. 'Wag lang mag papahuli sa jail booth.

"Ay hindi kami sinama, ganyan ka Kimberly!" Saad ni Gideon.

"Tangek resto 'yun nina Kat!" Sabi naman ni Kimberly sakanila.

Umupo na kami sa upuan at nagkwentuhan. Hindi na ata kami mauubusan ng kwento.

Bumaba na lang muna kami para manood ng laban. Basketball na pala ang laban kaya nanood kami kahit wala kaming kilala, dahil hindi naman STEM ang naglalaro. Mga thirty minutes siguro ay umalis na kami dahil nauhaw sila. Nag c-cheer kasi hindi naman ka-strand.

Pumunta kaming canteen at bumili ng soft drinks. Nakita ko ang piatos na kulay green, favorite ko. Kaya bumili na ako.

Umupo na lang muna kami, sana walang dumaan na naka dilaw.

"Hoy naka dilaw!" Sabi ni Bella.

Dali dali naman pumunta sa amin ang mga naka dilaw kaya tumakbo kami papunta sa fourth floor.

Mabuti na lang ay hindi na kami hinabol hanggang fourth floor. Hingal na hingal kami pagkapasok namin sa room. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, tawa na lang kami ng tawa.

Nakaupo lang kami hanggang sa bumukas ang pinto.

"Sino po dito si Katleya Formentera?" Tanong nung isang babae.

"Eto po!" Turo ni Reia. Ano na naman 'to?!

"Hoy ano na naman?" Sambit ko sakanila.

Nilagyan ako ng posas ni Ate at hinila na.

"Lagot ka sakin Reia!" Sabi ko.

"Hoy hindi ako 'yan! Hindi naman ako nawala sa paningin mo diba?" Saad niya. Eh sino?

Ano ba yan! Na handcuff booth pa! Meaning parang marriage booth!

"Ate sure bang ako talaga 'yan? Baka mali lang kayo." Sambit ko sakanila.

"Katleya Maureese Formentera ka ba?" Tanong ni Ate sakin.

"Opo," Sagot ko.

"Edi ikaw nga," Sabi ni Ate.

Pumunta kami sa kabilang room katabi ng room namin at may hinanap doon.

"Andito po ba si Ismael Kainoa Claveria?" Tanong naman nung isang kasama ni Ate. Tangina? Si Claveria pa talaga?! Kung hindi mga friends ko sino pa ba gagawa nito?

"Ismael tawag ka!" Sigaw nung lalaking narinig ko.

Nakita kong palapit na si Claveria. Tangina. Act right Kat! Act right! Bakit ba ako nagkakaganito?!

"Ikaw po ba si Ismael Claveria?" Tanong nung kasama ni Ate.

"Yes po," Sabi ni Claveria, after niyang sabihin 'yon ay ang isang posas ay nilagay na sa kamay niya.

"Napag-tripan na naman," Mahinang saad niya.

"Dami mong asawa pre!" Sigaw nung nasa loob.

Bumaba na nga kami ng fourth floor. Walang nag sasalita isa sa amin. Hanggang sa mag salita sina Ate.

"Kilala niyo ba isa't isa?" Tanong ni Ate. Umiling lang ako.

"Hindi," Sagot naman ni Claveria.

"So sino naman ang nag bayad sainyo?" Tanong ni Ate. Malay ko din 'te, hindi naman nawala sa tabi ko 'yung mga kaibigan ko.

"Ewan ko, nagulat din ako." Sagot ko.

"Same," Sabi naman ni Claveria.

Nasa basement na kami at papunta na kami sa loob ng booth nila. May photo booth pa ang booth na to. May free drinks and snacks na din ang in-avail ng nag bayad sa amin.

Love at First GameWhere stories live. Discover now