Chapter 5

9K 691 285
                                    

Chapter 5: Appearance

When I came back to my seat, Caleb was still busy with his flag and his group of cheering squad. Kahit sa malayo ay nakikita ko na kung paano magmasahe sa kanyang noo ni Dastan.

I shook my head. "He's really impossible."

I folded my arms across my chest, leaned on my seat, and crossed my legs. I wearily tilted my head up and looked at the night sky, now filled with stars.

I could feel that Tobias had been staring at me, but I ignored him and focused my attention on the stars. Then I felt his whispers in my ears. "Princess, I don't think you will like it if someone sees you like this, especially your brothers. What will happen to your prim and proper demeanor?"

Habang nakatingala ako sa kalangitan ay nakayuko at nakahilig na sa akin si Tobias at bumubulong. Doon ko lang iginalaw ang mukha ko at hinayaan kong gahibla na lang ang pagitan ng mga ilong namin sa isa't isa.

That was the advantage of having Caleb alone as my brother, abala ito sa ibang bagay kaya hindi na niya nalalaman ang nangyayari sa likuran niya. Habang si Dastan naman ay naroon sa grupo ng mga kapwa niya hari.

Nag-iwas ako ng tingin kay Tobias ngunit nanatili pa rin siyang nakayuko sa akin.

Who said that Rosh was the most flirtatious prince in the empire of Parsua? Hadn't they heard about Tobias? Hindi man mabulaklak ang mga salita niya at wala siyang madalas na rosas na ibinibigay sa babae, sa pinong kilos ni Tobias, alam niya ang magiging epekto niya sa babae. He's indeed a Le'Vamueivos by blood— a family known for their undeniable pheromones.

"Now that you agree with my proposal, King Tobias, what do you want in return?" I playfully traced my fingers on his cheek.

Ngumisi siya. "I am still thinking about it."

Tumuwid na siya ng pagkakaupo, ganoon din ako ngunit ang atensyon ko ay nasa kanya, ngunit sa sulok ng aking mga mata ay nakita ko na si Kreios na nakaupo na rin sa grupo ng mga manunuod na siyang kaharap lang namin.

Tumaas ang kilay ko kay Tobias. He was really a wicked king.

"Tell me, I am a generous princess, Tobias."

"I'll think more about it, you see, it's once in a lifetime chance, Gazellian." Marahang hinawakan ni Tobias ang dulo ng buhok ko at dinala niya iyon sa kanyang labi.

Wala man lang kamalay-malay si Caleb na maging si Kreios ay minumura na siya sa kanyang isipan.

Kapwa na kami sumandal ni Tobias sa aming mga upuan at mas inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya habang mariin nang nakatitig sa direksyon namin si Kreios.

Halos isang oras din ang hinihintay namin bago namin masaksihan ang magagandang pagtatanghal ni Claret. Nawala na sa isip ko ang pang-aasar kay Kreios at ang pagkairita kay Caleb sa mga kalokohan niya dahil hindi na mawala sa aking mga mata sa bawat kilos ni Claret sa buong bulwagan.

Natahimik ang lahat, at ang tanging narinig ko lang ng mga oras na iyon ay ang pag-ihip ng hangin at ang maliliit na butil na buhangin na tumatama sa bawat hampas ng espadang hawak ni Claret. Maging si Tobias ay muntik nang tumayo sa kinauupuan niya para lang higit na mapagmasdan si Claret.

Saglit gumala ang mga mata ko sa paligid, wala yatang nilalang sa bulwagang iyon ang hindi humanga sa sayaw na iyon ni Claret. At nang sandaling tuluyan na siyang matapos agad namin siyang sinalubong ng malakas na palakpakan. Alam ko man na humanga sa kanya ang lahat ngunit pinilit ng karamihan na hindi iyon ipakita.

But I saw them. They're all hypocrites.

Tinanaw ko si Kreios at nakita ko rin siyang masaya sa ginawa ng kapatid niya. He should really be proud. At least, Claret could do something better than him.

Sand Scented Jar (Gazellian Series #9)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang