CHAPTER FOUR

91 35 8
                                    

"Never write anything that does not give you great pleasure. Emotion is easily transferred from the writer to the reader."

- Joseph Joubert



Sa loob ng isang linggo ay sumailalim si Mandy at ang mga kasama niyang doctor sa seminar at assessment.

Limang doktor at pitong na nurse na mga Pilipino ang ipapadala sa Colombia, kasama ang ilang rescuer at sundalo.

Nakaka-tuwa lang na binigyan pa siya ng pa-despedida party ng kaniyang mga kaibigan. Hindi niya mapigilan mapangiti dahil sa mga kakulitan ng mga ito, though kulang sila dahil busy masyado si Raffy.

She will surely missed them.

Lulan ng eroplanong mag-dadala sa kanila sa Colombia ay hindi niya maiwasan na kabahan, lalo pa't ito ang unang beses niyang sasama sa ganitong medical mission at sa ibang bansa pa.

Ang mga kasama nilang betirano sa mga ganitong mission ay sinabing aalalayan naman sila nito.

They also said just do your job and avoid breaking any orders or law.

Napa-mulagat siya ng biglang umalog ang upuan niya. Sa tabi siya ng bintana naka-upo. Binuksan niya ang bintana at madilim ang kalangitan kasabay din ng malakas na ulan.

Umalog ulet ang eroplano napahawak siya sa upuan ng makita ang batang nurse na si Claire. She's holding on to her rosary habang naka-pikit ang mga mata at tila nananalangin.

"Claire, ayos ka lang?" Tawag niya dito. Dinilat nito ang mga mata at tumango.
"Natatakot po ako Doc. Mandy." Kita sa mata nito ang pangamba. Inalis niya ang balabal na kanina ay ginawa niyang kumot at tumayo at tumabi dito.

"I'll hold your hands, it's okay. Saglit lang ay mawawala din yang turbulence."
Hinawakan niya ang nanlalamig at nanginginig nitong kamay.

"Ito ba ang unang beses na sumakay ka ng eroplano?" Tanong niya.
"Opo, doc.. Hindi ko alam na ganito pala, jusko panu kung bumagsak tayo." Napapikit ulet ito ng umuga ang eroplano.
"Chill hindi tayo babagsak, magaling ang piloto natin tiyak iyon, at hindi naman sa lahat ng panahon ay ganitong may turbulence nasaktuhan lang na masama talaga ang panahon . Sa susunod masasanay ka din."

Kinuha niya ang gamot sa bulsa ng suot niyang pantalon. At binigay dito.
"Drink this para maka-tulog ka, it can help you relax okay? at mahaba pa ang byahe natin."
Nangangamba man ay tinanggap nito ang gamot at sunubo iyon at tsaka uminom ng tubig.
"Thank you Doc." Pasalamat nito.

She stay on her side hangat hindi tumatalab ang gamot dito. Ng makita na nakatulog na ito ay bumalik din siya sa kaniyang pwesto.
She also need some rest dahil sigurado pag-lapag ng eroplano nila ay sasabak kaagad sila sa trabaho.

Bitbit ang kaniyang backpack ay patakbo silang sumilong sa isang makeshift na tent kasama ang mga iba pang Pilipinong volunteer.
Bumubuhos pa din ang malakas na ulan ng makababa sila ng eroplano.

Ang Iba sa kasamahan niyang doctor ay sumama ang pakiramdam. Halos nineteen hours non-stop ang binyahe nila mula Pilipinas patungo sa paliparan ng Bogota Colombia.

Masama ang panahon at ayon sa piloto nila ay may bagyo kasalukuyan ng bumyahe sila at magtatagal pa daw iyon ng ilang araw.

Ang buong byahe nila ay hindi nagi g maganda dahil sa alog sa eroplano at ito nga at siya din ay nakaramdan din ng hilo.

They watch as one of their male doctor throw up, pag-kababa ng eroplano kanina.

"Doc Alvin ayos na ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa batang doctor. Mas bata ito sa kaniya ng ilang taon. At ito ang unang medical mission nito.Namumutla ang batang doctor na tumingin sa kaniya at tumango.

The Loser Club Series 2: Mandy Suarez Where stories live. Discover now