CHAPTER NINE

77 30 1
                                    

"Words are our most inexhaustible source of magic."

- J. K. Rowling

Pilit na kumakawala ang batang si Iván sa mga brasong nakahawak sa kaniya habang pinipilit takbuhin ang nakahandusay at wala ng buhay na katawan ng kaniyang ama.

"Bitiwan nyo ko! Papa! Ang Papa ko!" Pakiusap niya sa mga ito. Humahagul-gul na pakiusap niya.
"Hindi maaari dito ka lang!" Sigaw iyon ng isang sundalo.
"Masyadong delikado!" Sigaw pa ng isa.
"Ang Papa ko hindi ko siya pwedeng Iwan dyan!" Napasigaw ng malakas si Iván ng bitbitin siya ng kung sino papalayo sa lugar na iyon.

"Hindi bitiwan nyo! Ang Papa ko! Pakiusap gusto kong puntahan ang Papa ko!" Muling pakiusap ng bata.

Binaba si Iván ng lalaking bumitbit sa kaniya at mahigpit na niyakap. Matagal siya nitong niyakap habang wala pa ding awat sa pag-iyak at pag-pupumiglas.
Ang tanging nasa utak niya ay puntahan ang ama.

"Kailangan mong mag-pakatatag." Iniangat ng sundalo ang mukha para matitigan siya sa mukha. "Naintindihan mo ba ako?" Bumungad sa kaniya ang kaniyang Tió Hector ang nakababatang kapatid ng kaniyang ama at isang ding sundalo.
"Pag-babayaran nila ang ginawa nila sa Papa ko! Tió Hector! Mag-babayad sila!"

Humahangos na napabalikwas ng bangon si Iván.
"Kapitan ayos ka lang nanaginip ka?" Alalang tanong sa kaniya ni Alessandro.
Pumikit siya ng mariin at naihilamos ang kamay sa kaniyang mukha. Doon niya na-pagtantong na nananaginip siya. Parang kahapon lang ang mga nangyari para sa kaniya ay sariwa pa din sa ala-ala niya ang pangyayari twenty-two years ago.

Pinanood niya kung paano kitilin ni Alvaro Melendez ang buhay ng kaniyang Papa. Sariwang-sariwa sa utak niya ang pag halakhak nito habang humihingi siya ng awa na wag nitong patayin ang kaniyang ama.

Hinilot niya ang kaniyang sintido dun niya napag-tanto na nakasandal siyang nakatulog.
"Kamusta ang pag-babantay ninyo sa mga rebelde?" Tanong niya tsaka lumapit kay Alessandro inabutan siya nito ng uumusok na kape.
"Pam-pagising kapitan." Ani'to tsaka tinungga iyon.
"Ah napakasarap talaga ng kapeng barako." Napailing siya dito at tsaka din sumimsim ng kape gumuhit ang init niyon sa kaniyang lalamunan.

"Kapitan!" Sigaw iyon ni Vincent habang nakatingin pa din sa monitor ng laptop nito. Napadilat din ang nakasandal na si Fabian.
Sabay-sabay silang lumapit dito.
"Tingnan nyo ito?' itunuro nito ang mga red dots na umiilaw sa mapa ng kabundukan ng Chocó.
"Are those coordinates?" Tanong niya kumabog ang tibok ng puso niya.
"Yes and look at this" tinuru nito ang isang red dot sa ibaba. Kumunot ang noo niya.
"Iyan ba-" "Ang location ng mga tauhan ni Alvaro na binabantayan natin ngayon."
"Kung ganun ang mga iyan ay locations ng kalaban?" Tanong ni Alessandro.
"Hindi pa tayo sigurado kanilan natin makasiguro." Ani Fabian.

Kinuha niya ang radio at tinawagan ang kambal na nag-babantay sa kubo ng mga rebelde.
"Nabo-boring na kami dito Kapitan it's been four days pero wala pa din silang ginagawa."
"Bonue take your sister kindly check this location." Utos niya kay Bonue at idinikta dito ang isang location na naka-kikita niya sa computer ni Vincent. Ang location na yun ay malapit sa binabantayan ng dalawa.

"You want us to investigate? Pero walang tatao dito?"
"Mag-uutos ako ng mag-babantay sa kubo na yan. Gusto kong kayong dalawa ni Clarissa ang pumunta para mag-imbestiga. At pag tama nga ang coordinates na natanggap namin from some anonymous person gusto kong ibalita nyo kaagad samin. Is that clear?"
"Okay copy that captain."
"Mag-ingat kayong dalawa."
"Copy that." Pag-katapos ay nawala na ang nasa kabilang linya.

Pinatawag niya ang mga sundalong kasama niya para sa isang meeting, they need to further and act fast, kung ito man ay tamang impormasyong ay makakatulong ito ng malaki sa kanila para matugis na si Alvaro at mga alagad nito.


The Loser Club Series 2: Mandy Suarez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon