"New Story"

399 22 3
                                    


- Becky Armstrong as Patricia Armstrong- Freen Chankimha as Pia Gonzales

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


- Becky Armstrong as Patricia Armstrong
- Freen Chankimha as Pia Gonzales

*****************************************

"Oh shit! Bakit ba nangyayari sa akin ito? Nasa akin naman ang lahat ahh!! Mayaman naman ako, naibibigay ko naman lahat sayo, yung katawan ko yung pagmamahal ko pero bakit iniwan mo parin ako at sumama dun sa hindi naman kagwapuhan! Mas gwapo nga ako dun ee!! Salita ni Patricia habang tinititigan ang larawan na kasama ang girlfriend nito. Mag isa lang ito sa isang bench na malapit lang sa isang bar kung saan ito uminom, lasing na lasing na ito pero wala paring tigil sa pag inom.

Pagkatapos nitong tumungga ng bote ng whiskey ay bigla nalang itong tumayo at nagsimulang maglakad bit² parin ang bote ng alak habang pasuray suray ang lakad nito. Malayo layo narin ang nilakad nito kaya kahit hindi na kaya ay pinilit niya paring lumakad ng maayos hanggang sa natumba ito at nakatulog sa daan.

Sa kabilang banda, may isang babae ang naglalakad dahil hindi na ito nakahabol pa sa bus na lagi niyang sinasakyan dahil late narin ang oras at gabing gabi na. Sa paglalakad nito ay may napansin itong isang tao na nakahiga sa may daan kaya dali² itong lumakad papalapit sa taong nakahandusay sa daan.

"Hala! Patay na ba ito? Sabay titig nito sa taong nakahandusay. Babae pala ito, tsaka mukhang lasing na lasing. Tumingin muna ito sa paligid kung may tao ba pero mukhang sila lang dalawa ang tao kaya dahan² niyang tinapik ang pisngi nito.

"Miss² gising...

"Hmmm.... Hindi parin ito nagigising kahit anong tapik ng babae sa kanya.

"Miss gising!! Bakit dito ka sa daan natutulog.. naku, mukhang mahihirapan ako nitong gisingin. Kaya wala ng nagawa ang babae kundi aalalayan nalang niya ito. Nang maayos niya ng naalalayan ang babae ay dahan² siyang nag lakad. Sa bahay nalang kita e uuwi kasi hindi ko alam kung saan ang bahay mo tutal malapit na ako sa bahay kubo ko.

Ilang minuto lang ang paglalakad ay narating din ng babae ang maliit na bahay kubo kung saan ito nakatira. Nang makapasok na ito ay dahan² niyang inaalalayan papunta sa higaan nito. Nang maayos niya na ang pagkakahiga sa babae ay siyang pag silip naman ng isang babae na ka edad lang nito at gulat pa ito.

"Oh Pia, sino yan?

"Nakita ko lang po siya sa daan Ate, mukhang lasing na lasing po siya, akala ko nga patay na siya Ate ee pero nung nilapitan ko na siya humihinga pa naman po.. hindi ko naman kayang iwan siya doon sa madilim na daan kasi baka pagtritripan lang siya doon kaya nagpasya akong buhatin siya tsaka e uwi rito sa bahay. Hindi ko rin alam kong anong pangalan nito.

BeckFreen (One SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon