"Amnesia V"

495 19 0
                                    

Sa kabilang banda ay kanina pa nag hihintay ang asawa ni Becky dahil hindi niya alam kung saan ang asawa nito, gabi na at hindi parin umuuwi ang asawa. Lagi nitong tinatawagan ngunit ring lang ng ring kahit nag message na ito pero wala pa ring reply. Sa kabila ng paghihintay nito ay tumunog naman ang cellphone nito kaya agad niya itong sinagot na hindi man lang tinitignan ang caller Id.

"Hello?

"Ahmm goodevening ho kayo po ba ang asawa ni Ms. Armstrong?

Nagtaka man ito at agad tiningnan ang caller id at ngayon lang niya napagtanto na kay Becky pala itong # na tumawag sa kanya.

"Yes ako nga at bakit na sayo ang phone ng asawa ko? At nasan siya?

"Ma'am sorry po sa istorbo, isa po akong bartender paki sundo nalang ho ang asawa niyo rito sa bar kasi mukhang hindi na kayang umuwi, lasing na lasing na ho siya at parang nakatulog na ho magsasara na po kasi kami at siya nalang ang naiwan dito.

"Ahh ganun ba saang bar yan?

"**********

"Salamat, papunta na ako jan. Sabay patay niya ng tawag.

.....

Nakarating na ito at agad ng pumasok sa bar sinalubong naman siya ng isang bouncer at inalalayan papunta sa asawa niya kung saan ito naka pwesto. Nang makita niya ang kanyang asawa na halos hindi na makatayo ng maayos at nakayuko na ang ulo nito dahil sa kalasingan.

"Ma'am, good evening ho! Sorry po talaga sa istorbo.. kanina pa po kasi umiinom si ma'am mga tanghali ata yun andito na siya sinusubukan po namin siyang pigilan pero nagmatigas po siya kaya wala na kaming nagawa kundi pabayaan nalang ho siya.. mukhang malaki pong problema ni ma'am kasi minsan naririnig ko po siyang nagsasalita ng mag isa tsaka umiiyak po.

"Salamat ho kuya ahh... Teka bayad na ba itong lahat ng alak na ininom niya?

"Opo katunayan po binigay niya sa amin ang card niya para bayaran po ito lahat ito po oh.. sabay bigay nito sa card.

"Salamat, ahmm pwede ba manghingi ng favor sa inyo?

"Ano ho yun ma'am.

"Pakitulungan akong buhatin itong asawa ko kasi parang hindi ko kayang buhatin to.

"Okay po ma'am wala pong problema.

Binuhat naman ng isang bouncer si Becky at pinasok sa kotse ng asawa.

"Salamat kuya, bukas ko nalang ipapakuha ang kotse niya..

"Okay ho ma'am.

Pumasok na ito sa kotse at nag umpisang magmaneho. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa bahay. Habang inalalayan ni Friend ang asawa ay naririnig naman nito na nagsasalita si Becky pero hindi niya klaro kung ano ang sinasabi ng asawa dahil sumasabit na ang dila nito.

Nang makarating sila sa kwarto ay dahan² naman niya itong hiniga at inayos ang katawan nito para komportableng makatulog. Nang maayos niya na ang asawa sa pagkakahiga ay naisipan niyang humabaran ang asawa para linisan ito pero bigla itong gumalaw at nagsalita.

BeckFreen (One SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon