"Regret II"

461 21 4
                                    

"Habang kumakain sila ay panay naman tawanan at kulitan ang mga ito pero ang dalawa ay tahimik lamang, sumasagot lang sila kapag tinatanong pero hindi sila nakakaligtas sa mga ito dahil napapansin rin naman nila na nagkakahiyaan ang dalawa.

"Grabe, ang awkward talaga... Magsalita naman kayung dalawa jan! Pambabara ni Heng.

"Kaya nga, para namang wala kayong pinagsamahan noon.. Sabat naman ni Irin kaya tumawa ang mga loko.

"Tumahimik nga kayo!! Mga baliw!! Salita ni Becky na halatang naaasar na.

"Pre, alam naming naaasar ka na jan.. pero hindi naman na habang buhay kalang tumahimik jan! Parang di pusong lalaki ee.. pangaasar ni Heng kaya pinagtawanan nalang nila si Becky. Si Becky naman ay napailing nalang sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan.

Natapos na silang kumain at ilang oras lang ay nag umpisa ng mag inom ang mga ito, si Freen lang ang hindi umiinom sa kanila dati palang ay hindi na talaga umiinom ito, saka pinapatulog rin niya ang kanyang anak. habang nag iinom sila ay hindi naman maiwasang mapasulyap si Becky sa dati niyang nobya.

"Baka matunaw!!! Bulong ni Nam na nasa tabi niya kaya napatawa nalang ng mahina itong si Becky. Ano, maganda parin ba siya kahit may asawa na? Natahimik naman ito saka biglang umiba ang reaksyon ng mukha nito. Don't worry, pwede pa naman siguro siyang mag mahal muli, may chance ka pa.. just keep it up! Sabay tapik ni Nam sa balikat ni Becky kaya napangiti naman ito kaya napansin ito ng tatlo.

"Hoy! kayung dalawa? Anong binubulong bulong niyo jan? Share naman jan!

"Wala! Mga chismoso!😂😂😂

Lumipas pa ang ilang mga oras at napansin na nilang may mga amats na kaya tinapos nalang nila ang isang bote ng whisky at nagpasyahan ng tumigil. Bumaba naman si Nam na kakagaling sa taas dahil may kinuha ito at pagbalik niya napansin niyang nakatulog na ang tatlo sa sofa, si Becky nalang ang gising pa at may amats narin pero hindi naman gaano.

"Psstt!!

"Huh?? Sagot naman ni Becky

Ito na yung chance mo para makausap siya. Lapitan mo na! Puntahan mo doon! Sabay nguso niya kay Freen na nakatayo sa may balkonahe ng condo nila.

Lumingon naman si Becky sa gawi ni Freen at binalik nito ang tingin sa kaibigan.

"Ee baka kasi.. ayaw niya ee..

"Bec, i tell you! She's not mad at you.. yun ang sabi niya sa akin tsaka hindi naman daw siya nagtanim ng galit sayo! Kaya sige na lapitan mo na dahil alam kong gusto mo talaga siyang makausap.

Wala ng nagawa si Becky kundi tumayo at dahan-dahang lumapit kay Freen, huminga muna ito ng malalim saka nagsalita.

"Ehhhemm! Tumikhim muna siya at si Freen naman ay napatingin sa kanya at ngumiti saka binalik ang tingin sa kaninang tinitignan. Kamusta? I mean kamusta ang buhay sa probinsya?

"Ayus lang naman.. masaya tsaka nakakawala ng stress.🙂 Ikaw? Kamusta ang buhay mo dito? Balita ko, natupad na yung pangarap mong maging abogado tsaka balika ko rin, CEO ka na sa sarili mong kompanya?

"Ahh yeah.. ayus lang naman ako tsaka laging busy sa trabaho.

"Kamusta na pala kayo ni Friend? Don't tell me, hindi mo pa siya pinakasalan kasi it's been seven years narin?

BeckFreen (One SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon