"Amnesia IV"

523 20 5
                                    

Kinabukasan maaga akong pumunta ng opisina dahil marami akong pinipermahan ngayon na mga papeles naka tambak lang naman dito sa opisina ko, mamaya pa ako pupunta sa school para tingnan ang mga classrooms na malapit ng matapos. Mag inspection at magpakilala rin ako sa mga studyante ng kindergarten.

Mga alas otso na akong natapos sa aking ginagawa, nag mamadali naman ako dahil tumawag na ang school na kailangan ko ng pumunta kaya nagmadali na akong nag ligpit ng mga gamit at lumabas na ng opisina.

Ilang minuto pa ay nakarating na ako kasama ko sila Nam at Noey. Pagpasok namin ay agad kaming inalalayan ng mga representative na makasama namin sa pag inspection sa mga classrooms na malapit ng matapos. Ilang minuto lang ay natapos na kami at agad na kami pumunta sa mga classrooms ng kindergarten. Hindi na nakasama pa sila Nam at Noey nag stay nalang sila sa conference room.

Limang classroom na ang napasokan ko at si ms. Gonzales ang naka assign sa classroom na ito. Humarap ako sa kanila at pinakilala naman ako ni Ms. Gonzales sa mga studyante niya.

"Okay class, eyes on me muna.. listen! We have a visitor here, ito siya nakatayo sa harap niyo, siya si Ms. Armstrong ang may ari ng school na ito.

"Magandang araw, kids!!

"Magandang araw po, ms. Armstrong!

Nginitian ko lang sila at ganun din sila sa akin, nilinga linga ko pa ang aking paningin sa mga studyante rito ng may nahagip akong isang batang naka upo sa ikatlong upuan na malapit lang sa may bintana kaya hindi ko alam bakit bigla na lang gumalaw ang mga paa ko sabay lakad papalapit sa kanya. Nang makalapit ako ay umupo ako para pantayan siya, tumingin ito sa akin at umiwas din siguro mahiyain ito.

"Hey kid, do you remember me?

Tumingin ito sa akin at umiwas na naman sabay yuko ng ulo nito.

"Hey, huwag kang matakot hindi naman ako nangangagat ee.. hey, look at me? Tumingin ito sa akin at nginitian ko ito. What is you name, young lady?

"Z-zia po! Bulol nitong sabi sabay yuko na naman.

"Wow, ang pretty ng name mo kasing pretty mo. Did you know that, i like your eyes?😊 Ngumiti ito sa akin na napakatamis.

"Thank you po! Same din po sa inyo, ang ganda win yung eyes niyo!😊

"How old are you, kid?

"T-thwee! Sabay taas nito ng isang kamay at nag three sign ng daliri.

"Alam niyo po ms. Armstrong may hawig po kayong dalawa. Sabat naman ng classmate niya na katabi lang niya.

"Really?

"Opo! Sabay naman nilang sabi.

"Oh narinig mo yun, kamukha daw kita may hawig daw tayo? Ngumiti lang siya sa akin. Ahmm.. sino ba kamukha mo, si mommy ba o si daddy? Nangunot ang noo niya ng tanongin ko siya.

"Di ko po alam, si momma lang kasi ang kasama ko, wala po akong poppa, di ko pa po nakilala ang poppa ko, di ko rin po alam kung saan po siya. Wala po ako nun.🥺🥺

Nagulat ako sa sinabi niya na may halong awa rin. So ganun, wala siyang ama at tanging ina lang niya ang kanyang kasama?

"Ahh ganun ba...😊😊

BeckFreen (One SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon