entry 3.3

565 20 0
                                    

“SENYORA”

(Vice Ganda)

ENTRY 3.3>>>>>>

novel written by : Ian Joseph Barcelon :>

SENYORA’S P.O.V :3

“anak ! ilang araw ka nang di lumalabas jan sa kwarto mo! ano ba? todo-emote ka naman jan! last days mo na ba this week? lumabas ka jan!”  kanina pa, nakakarindi na yung sigaw ng bayawak kong madir.

binuksan ko yung pinto, ewan ko ba, wala akong gana. kaloka :)

“oh? ‘to naman! 30 minutes lang akong di lumabas ng kwarto akala mo ilang araw?! ang OA mo mama! pwede ba? may iniisip ako.”

“at ano naman yon yora? hindi mo ba alam na kanina lang eh andaming reporters jan sa labas! at nahirapan kaming paalisin!”  pag-iinarte ni mama, jusko po!

“hello? kung ginamit mo sana yang bibig mo mama edi sana mabilis mo silang napaalis.”

“anong ibig mong sabihin yora?”  nag-taka pa ang gaga kong mama.

“hello? obvious naman yung amoy niyang bibig niyo!”  sabay sara ko nang pinto. lumakad ulit ako papunta sa terrace. ayoko munang bumaba, naiinis ako. ewan ko kung bakit, pero feeling nag-iba ako.

feeling ko parang lumambot na yung senyora kong puso. gosh! ano bang nangyayari? hindi din ako naging kabayo kagabi, ibig bang sabihin binabawi na ng bayawak na goddess ang sumpa niya?

“hoy senyora! naririnig ko yang mga bulong mo!”  napalingon naman ako at unexpectedly na nakita ang bayawak na si Diyosa.

“paano ka nakapasok? bastos ka ! hindi ka man lang kakatok tapos pakikinggan mo pa mga sinasabi ko?! YOU DON’T DO THIS TO ME!”

“ang OA mo yora,”  bigla siyang lumapit sakin at tinabihan ako sa terrace kung saan ako nakatayo, “kamusta ang pakiramdam mo? nagbago ka na ba?”

parang biglang may pumasok na anghel sa katawan ko matapos kong madinig iyon.

“nakikita mo ang mga yan?” napatingin ako sa baba at nakita ang mga alipin ko sa hacienda, “napakahirap ng gawain nila hindi ba? ngunit ang pasahod mo ay di tama. pero kung gumasta ka ng pera ay sa walang kwenta. hindi mo man lang ba iyon iniisip?”

“ano ba? pumunta ka ba dito para chikahin o pangaralan ako?”  mejo inis kong tanong.

“you ask yourself. nakikita ko sa puso mo na lumalambot na ito, ramdam mo hindi ba?”  tapos bigla niyang hinawakan yung dibdib ko.

“bastos! nato-tomboy ka ba sa boobs ko?! my gawd! you don’t do that to me!”

“ha ha ha yora. tanggalin mo na yang sama sa puso mo. pakawalan mo na ang kabutihan, ang tinatawag mong alipin? sila ay katulad mo. pantay pantay kayong mga tao,”   sabi niyang napaka maka-hulugan.

“so di ka tao? ganon? so pinaninidigan mong bayawak ka talaga?”

“so joke time tayo? ay nako yora! andito ako para tapusin na ang misyon ko. ang pabutihin yang puso mo. wag ka nang mag-joke, serious talk.”  aba, ang gaga, marunong din mag-english! parang dionisia lang eh! XD

“lilinisin mo ang puso ko? pero ayoko! hindi pa ako handa!”  malandi kong sabi na may pagka melodramatic sound.

“ewan ko sayo! alam mo, kung ako sayo, magbago ka na habang nandito pa ako, alam mo kung bakit?”  tanong naman ni bayawak goddess *andami ko nang bansag sa kaniya! hahaha!*

COMPLETED: SENYORA (Vice Ganda) - Ian Joseph Barcelon (EDITING)Where stories live. Discover now