entry 3.1

692 23 1
                                    

“SENYORA”

(Vice Ganda)

ENTRY 3.1 >>>>>>

novel written by : Ian Joseph Barcelon :>

nagising ang ating senyorang si vice ganda ng tao na.

“ha! ha?! tao na ulit ako!”  tuwang tuwang sabi ni Senyora sa harap ng salamin.

“sus! wala namang pinagkaiba yung mukha mo sa kahapon mong anyo.”  biglang singit naman ni Facundo na nakatayo sa may pinto at nakatingin kay senyora.

“anong sabi mo?!”  biglang harap ng senyora.

“wala, ito pong black coffee pinaghanda ko kayo.”  lumapit si Facundo at binitawan ang hawak niyang baso na may lamang kape.

“ibigay mo sa black lady! pwe!”  pagtataray nanaman ng senyora.

“galit ka nanaman ba cutie pie?”  hinawakan naman ni facundo ang braso ni senyora at hinimas himas ito.

“paanong di ako magagalit ang aga aga lalaitin mo ‘ko?!”  tinanggal ni senyora ang mga kamay ni facundo sa kaniyang balikat at muling humarap sa salamin.

“hello?! ANG LAYO KAYA NG ‘KATOTOHANAN’ SA LAIT!”  wika ni facundo.

nag-init naman kaagad yung tenga ni senyora kaya napaharap muli siya kay facundo.

“anong sabi mong dakilang hampaslupa ka!?! baka gusto mong gawin kitang spanish bread at isaw-saw jan sa minit mong black coffee?!”  gigil na anas ng senyora. (isipin niyo naging dragon si vice ganda :)

“jok lang senyora! ikaw naman. di ka na mabiro. o siya, aalis na pala ako, naghihintay si Madam glen sa ibaba, hinihintay ka.”  lumakad na palabas ng kwarto si facundo.

“errrr ! sabihan ba naman ako ng mukhang kabayo?! halerrr, siya nga mukhang bayawak na lumilipad tapos naiiwan yung paa! hahaha! ano ba yan, nasisira ang beauty ko. maka-breakfast na nga.”  bumaba na si Senyora sa napakahabang hagdan para lang makadating sa kusina, kung saan naghihintay ang kaniyang mama.

“magandang umaga anak,”  bati kaagad ng mama ni senyora.

“magandang umaga din mama, kumusta ang party party kahapon?”  tanong ni senyora saka umupo sa upuan kaharap ng kaniyang mama.

“ayos lang. nag-text sakin kahapon si facundo na sumunod na lang daw ako sainyo kasi nauna na nga kayo. mabuti at busy din yung mag-asawang samaniego kaya um-oo nalang din nung nag-paalam ako.” saad ng kaniyang mama.

“talaga? natapos niyo ba ang party?”  si senyora.

“party?”  mejo nabingi si Madam glen kaya di niya narinig ang anak.

“hindi? panty! panty yung sinabi ko! ano ba pinaguusapan natin? undies?!”  pamimilosopo nanaman ni Senyora.

“ah, sorry naman anak. oo natapos ko, ang dilim na nga nung umuwi ako eh.”  si Madam glen.

nag-simula nang kumain si senyora, pero may napansin siyang isang bagay,

“elsa pakuha nga nung diyaryo,”  utos niya.

“diyaryo po?”  tanong naman ng tanga-tangang si Elsa.

“hindeee?! PLAYBOY MAGAZINE! shunga ka?!”  galit namang wika ng senyora.

“ay, pasensya na po.”  kinuha naman kaagad ni Elsa ang pinapakuhang diyaryo ng senyora at iniabot ito agad sakaniya.

“ito na po.”  mahinahon na sabi ni Elsa.

COMPLETED: SENYORA (Vice Ganda) - Ian Joseph Barcelon (EDITING)Where stories live. Discover now