ENTRY 2.1

963 29 3
                                    

“SENYORA”

(Vice Ganda)

ENTRY 2.1 >>>>>>

novel written by : Ian Joseph Barcelon :>

“letchugas kang ipokritang diyosa ka! walang sinuman ang dapat gumawa sakin nito!”

naghanap ako nang gunting sa loob nang aking office. ginulo ko ang lahat nang mga gamit roon makita lang ang kahit anung gamit na pwedeng ipangtanggal sa Puting buntot na ‘to! haaaa! di pwede ‘to!?

“gunting.....gunting...gunting....”

para akong baliw na di na mapakali kakatingin sa mga drawers sa loob nang aking office. bagsakan na lahat nang mga gamit ko, NASAN ANG GUNTENNNNNGG!!? > <

nang makita ko ang gunting, agad ko itong itinaas. “hahahahahaha!”

humalakhak ako nang parang baliw sa loob.

“akala mo di ko matatanggal ‘to ha?! stupida?!”

sinubukan ko nang gupitin yung puti kong buntot! pero aouchhhh! konektado yung dulo sakin?!! :OOO

“no way! stupidang diyosa ibalik mo ako sa dati! hampaslupa ka!”

walang sumasagot sakin! grrrrr! babalatan ko talaga nang buhay ang diyosa na yan ehh! errr >  __ <

“b-bayaran kita nang malaking halaga! b-bayaran kita nang malaking pera! ibalik mo lang ako sa dati?!”

ang kapal talaga nang mukha niyang gumawa sakin nito! sino ba siya?! pinadala ba siya nang anne gelica custis Santibañez na yun?! grrrr! makakatikim sila sakin nang -----

“mam ayos lang ba kayo jan?”

boses iyon nang isang empleyado namin sa labas.

“gaga! tingin mo okay lang ako ngayong isa na akong Kaba----“

hindi ko na naituloy pa yung sasabihin ko.

“senyora papasok ho kami jan!”

“subukan niyo! may baril ako dito magKAKAPATAAAYYYAAANNN tayo dito!”

narinig ko na silang nagbulungan sa labas.

lumabas ako nang main office ko na tinatago yung buntot ko. ihhhh! bahala na!

“senyora anyaree?!”

nagtaka sila sa naging lakad ko.

tinapat ko sakanila yung Gunting.

“walang lalapit! walang kikilos nang masama!”

I know It’s too weird for me to act like that! pati nga ako nawiwirduhan na sa mga pinagagawa ko ngayun!

“senyora naipit ba yung pwet niyo?!”

“senyora natatae kayo?!”

“senyora anu yung puting nasa pwet nyoo?!”

tuloy tuloy nilang tanung. nakakabwisit!

“hoooooyyyyyy! isa isa lang! sino kayo para tanungin ako nang sunod sunod?!”

natahimik silang lahat.

“isa pang tanong, jombagin ko kayo lahat! balik sa trabaho!”

sigaw ko ulit sakanila. at walang patumpik tumpik karaka raka silang bumalik sa pagtatrabaho! mga hampaslupang alipin! kunwari concerned pero sa totoo tinatawanan na nila ako!

COMPLETED: SENYORA (Vice Ganda) - Ian Joseph Barcelon (EDITING)Where stories live. Discover now