Chapter 2

2.2K 47 9
                                    



Senyora



***

LUMABAS ako ng mansion namin. Hay! Hindi na muna ako papasok ngayon sa aking office. Tutal late na rin naman ako.


Nasaan kaya si Facundo ko? Nami-miss ko na agad siya.


"FACUNDO!" nag-echo ang boses ko sa buong mansion.


Mabilis na tumakbo si Facundo papunta sa 'kin. "Senyora?" humahangos na bungad niya.


"Oh, tinawag lang kita dahil na-miss kita. Puwede ka nang bumalik sa trabaho," kaswal na sabi ko.


Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Senyora, namiss niyo ako?" tanong niya, nanlalaki ang mga mata. Exaggerated.


"Kakasabi ko lang, 'di ba? Kailangan paulit-ulit?!"


"Narinig ko po."


"Oh, bakit kailangan mo pang itanong, aber? Balatan mo ang sarili mo at magpagulong-gulong sa sahig na may asin!"


Bumakas sa mukha ni Facundo ang pagkagulat. "S-Senyora, seryoso ka?"


"Bakit, kung seryoso ba ako gagawin mo? Charot lang 'yon. Bumalik na sa trabaho! Magmadali ka. Kulang pa ang mga dragon balls!"


"Masusunod!"


Nakatayo ang aming mansion sa isang malaking-malaking hacienda na pagmamay-ari ko. Kung saan maraming tanim, maraming trabahador, maraming katulong, maraming pagkain, maraming hayop, timawa at mga hampas-lupa!


Once na um-enter ka sa hacienda ko, siguraduhin mong ako ang sasambahin mo. Ako ang senyora, ako ang diyosa! Nakuha mo?



***

SHIT, ang daming gwapong naka-topless! Sila ang mga trabahador nang hacienda. Tamang-tama, makakapagpa-cute na naman ang Senyorang diyosa.


"Witwew!"


Dalaga na ako ngayon. Puwede na akong makipag-PBB TEENS, pero hindi sa mga walang kwenta at cheap na mga trabahador ko rito. Dahil nag-iisa lang ang lalaking nagpapatibok nitong aking puso!


"Sa isang pangarap, ako'y naniniwala....ako ay lilipad at ang, lahat makakakita....sa isang pangarap, ako'y naniniwala, hindi ako titigil hangga't di ka nakukuha, unti unting mararating—" ang ganda na sana nang pagkanta ko nang biglang may umistorbo.


"Oh, Elsa ano'ng kailangan mo?" mataray na tanong ko sa kanya.


Nairita agad ako sa nakita ko. Kalabitin ka ba naman ng chongga, hindi ka ba magugulat?


"Senyora, nahiwalay ko na po 'yong mga sangkap. Anong gagawin ko r'on?" balik-tanong niya.

COMPLETED: SENYORA (Vice Ganda) - Ian Joseph Barcelon (EDITING)Where stories live. Discover now