CHAPTER 39

160 7 1
                                    

                           
Art's P.O.V

Ilang oras na din akong naghihintay sa labas ng school gate. Damn, hindi ako mapakali. Paano kong may gagawin na masama sa kanya si mom?

No way, kung aabot man sa puntong iyon, ako ang makakalaban ni mom.

Mahirap ba'ng tanggapin ang relasyon namin ni freya?

Kung hindi man lang naman si freya ang para sa akin, wag nalang.

Mas gugustuhin ko pang mabuhay mag-isa kesa makasama ang iba.

Si freya lang ang gusto at ang tanging nina-nais ko.

She's the only one, nothing more.

Napabuntong hinga nalang ako at sumandal sa may pintuan ng kotse ni mom.

Maya't-maya pa ay nakita ko na ang pigura ni mom, naka poker face ito. Wala sa sariling napakamot ako sa batok nang makalapit ito.

"Sumama ka sa'kin sa bahay."Magsasalita sana ako ng samaan ako nito ng tingin."Isa, kahit ngayon lang, wag mo naman ako tanggihan."Aniya pa.

Labag sa loob akong pumasok sa kotse niya.
Walang imik si mommy na nagmamaneho nang maisipan kong tanongin siya.

"May ginawa ka bang masama sa kanya mom?"Pambabasag ko sa katahimikan.

"Nothing, don't mind it."Tanging sambit niya saka bumaba sa kotse. Hindi ko na napansin na nasa harap na pala kami ng bahay niya.

Humarap ito sa akin."Please anak, magpakabait ka kahit ngayon lang, sana hindi mo'ko kakalabanin sa sasabihin ko sayo mamaya."Aniya na ikinatango ko.

Sumilay ang ngisi sa labi niya. Damn, alam ko ang ngiting 'yon, ngiti 'yon na may masamang binabalak.

Umiling nalang ako at pumasok sa loob dahil nauna siyang naglakad sa akin.

"Hi, babe!"Sigaw ng kung sino ng makapasok ako sa loob.

Halos matumba ako nang siniil ako nito ng yakap. Damn this girl, balak niya ba akong patayin?!

"X-xera, d-damn...h-hindi ako makahinga."Reklamo ko kaya marahas itong kumawala saka ito tumingin sa'kin na may ngiti sa labi.

"Mamaya na 'yan, kumain muna tayo..."Rinig kong anunsyo ni mommy.

Napatingin ako sa lamesa, lahat ng naundoon ay paborito ko. Umupo ako sa tabi ni xera.

"Anong okasyon ito, mom?"I asked.

"Ano kaba, hindi ba pwedeng nilutuan ka lang ni xera dahil gusto ka niyang makasama?"Aniya kaya napakamot nalang ako sa kilay.

"O-okay..."Sabi ko nalang at nagsimula na kaming kumain.

——

"May gusto kaming sasabihin sa'yo, anak."Sabi ni mommy nang matapos kaming kumain. Ibinaba ko ang fork ko at tanging spoon lang ang naiwan kasi may kunti pang pag-kain na nasa pinggan ko.

"Ano po iyon?"

Napakunot ang noo ko ng nagkatinginan silang dalawa.

Kumabog ng malakas ang puso ko dahil alam kong may hindi tamang mangyayari ngayon.

"I decided na ipakasal ka kay xera."Kumuyom ang kamo dahil sa sinabi nito.

Damn, ayan na nga ba, eh.

"M-mom..."Gusto kong maiyak, tangina.

Naghihina ako kaya yumuko nalang ako. Ramdam kong hinawakan ni xera ang kamay ko ngunit hinawi ko 'yon. Galit ako, galit ako sa kanila.

"Val, para din to sa kapakanan mo. Para sa ikakasaya mo—"

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now