CHAPTER 23

175 5 0
                                    

                             
Art's P.O.V

"We're getting married."Gamit ang baritono at seryuso nitong sabi ay napakagat ako ng pang-ibabang labi.

I heaved sigh, siguro kailangan nilang magpakasal dahil pano maniniwala ang mga tao na ang ama ni lein ay si caylev tapos hindi pa sila kasal?

Okay, okay.

Pero nasasaktan ako, ako yung nasasaktan.

Ay wow ka te.

"Break up with her!"Sigaw nito, mukhang seryuso nga si mokong dahil galit na galit.

Hindi ako umimik at tanging lunok lang ang naisagot ko, hindi ko alam ang sasabihin.

"Caylev, are you crazy?"Tanong ni freya dito.

Tumawa ng malakas si caylev."It's a prank!"Anito at tumawa pa ng malakas kaya hindi magawa ng mga estudyante na umalis.

Wait?

Hala—alam na nila ang relasyon namin ni freya.

Bwesit kasi itong mokong na'to.

Pero parang wala lang naman kay freya kaya oks lang—wala namang bawal dito sa campus na bawal ang prof at student na mag kagusto or maging gf/bf mo.

"Okay. Nice prank."Natawa naman si syete sa sinabi ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

Gagi, nag emote pa naman ako, sayang.

"Art, may gusto akong sabihin sayo."Sabi pa ni caylev at sumenyas na sumunod sa kanya.

Bumuntong hininga muna ako at nag paalam sa mag Ina, hinalikan ko pa ang magkabilang pisngi nilang dalawa na ikinatili ng mga estudyante.

——

"Anong sasabihin mo moko—este kuya caylev?"I asked.

Nasa office niya kami ngayon, nagtuturo din itong gagong to'noh dito. Kaya may respeto pa din ako sa kanya.

"I just want to say, sana wag mong saktan si freya. I love her, art. I love her more than friends, so I like her. At kapag sinaktan mo siya, hindi ko na siya pa papakawalan pa, I will make her mine."Kaagad naman akong kinalabutan sa sinabi niya.

Sorry po—pero wala sa intensyon ko ang saktan si freya, at never ko yung gagawin. Unless siya ang gumawa.

"I love her too kuya caylev, kaya hindi ko 'yon magagawa, at never din akong papayag na mapunta siya sa'yo, I can't believe. Na yung taong tinuring na totoong kuya ni freya ay mahal siya."I chuckled.

"Hindi mo ako masisisi, art. Naramdaman ko lang ito, pinipigilan ko ang sarili ko pero ewan, basta ang gusto ko lang ay dapat hindi mo siya saktan."I nodded."Gaano mo ba siya kamahal?"He asked, ay—kailangan pa talaga magtanong.

"Hindi masusukat ang pagmamahal ko sa kanya, kuya caylev. I love her with all of my heart. Pinangiti niya ako kahit ang maldita niya, she made me feel those butterflies in my stomach, yung kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko sa tuwing hinahawakan niya ako and that's the time I realized that i like her, no—i love her."Nakangiti ko pang sabi habang nakatingin sa bintana ng office niya.

"Ohh"Tanging sagot niya saka tumawa ng pagak.

"Ikaw ba?"

"I don't know, pero na realize ko lang na mahal ko na siya, kaya hangga't na sayo pa siya, alagaan at mahalin mo."Ngumiti ako.

"I can't promise, but I will."

——

"Anong pinag-usapan niyo ni prof Tuazon?"Hulyo asked.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now