CHAPTER 31

141 2 0
                                    

                                     
Art's P.O.V

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng matinding sakit sa ulo.

Kahit subrang sakit ay bumangon pa din ako. Wala nga pala akong kain kagabi. Iniwan nila ako kahapon pati si freya.

Speaking of that girl, when she called me baby...my heart flutters.

Ako na ang sumuko, dahil kapag sasabihin ko sa kanya ang lahat, I know she will choose her mother's happiness over me.

At pagdadating kami sa puntong iyon ay kaming dalawa ang masasaktan, kaming dalawa ang magdudurusa sa sakit.

Natatakot akong malaman niya ang lahat, natatakot akong mag 'sorry' siya, yung sorry na hindi niya ako pipiliin, at ang pipiliin niya ay ang kaligayahan ng kanyang Ina.

Naiintindihan ko naman, eh.

Pero pa'no kami?

Kami nalang ba ang sasalo sa lahat ng sakit?
Kami nalang ba ang magdudurusa habang buhay? Magpapakasaya sila without knowing nasasaktan kami? Mas pipiliin ba nila ang kaligayahan nila kesa sa kaligayahan ng kanilang mga anak?

It hurts but true.

Damn.

Kahit nahihirapan tumayo ay ginawa ko. Nagluto nalang din ako ng sarili kong agahan. Kailangan ko pading pumasok ngayon, kahit ang sama ng pakiramdam ko.

Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at nagbihis. Fvck, ang sakit talaga ng ulo ko.

Nagtungo nadin ako sa garahe at sumakay sa kotse.

Wala sa sariling napatingin ako sa bawat dinadaanan ng kotse ko. Nilalanghap ko ang simoy ng hangin kaya kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Bumuntong hininga ako at muling lumabas ng sasakyan. Sumalubong sa akin ang pag-aalalang mukha ng mga kaibigan at pinsan ko.

Si eight at seven ay nakaupo ngunit tumayo din sila nang makita ako. Si hulyo naman ay nakapamulsang nakasandal sa pader habang sa gilid niya ay si ate red.

Akmang aalis na sana ako at lagpasan sila ng tawagin nila ang pangalan ko dahilan upang huminto ako sa paglakad.

"Kung sesermonan niyo lang ako. Please, wag ngayon, wala ako sa mood." Sabi ko nang hindi lumilingon sa gawi nila.

"Bunso." Rinig kong tawag ni hulyo.

"Talk to us, we won't mind." She said, Mariin akong pumikit saka humarap sa kanila.

"Bunso, kaibigan at pinsan mo kami. Papakinggan ka namin, Just please tell us what's your problem para matulungan ka namin."Si hulyo.

"Oo, at saka mahal ka namin."Si syete.

"Yeah. it's true, bunso." Pagsasang-ayon naman ni otso.

"Bunso, please?"Si ate red.

"Hindi niyo ako matutulungan, pero sasabihin ko sa inyo." Yung kaninang malungkot na mukha nila ay napalitan ng saya.

Damn, i miss them.

"Sa secret ko room tayo mag-uusap." I said na ikinatango naman nila.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa secret room ko, magkahawak ang kamay namin ni otso kaya kahit papano ay nawala ang sakit sa ulo ko—at puso.

"So, bakit ka nga pala nakipag break sa kanya?" Si hulyo. Magkatabi kami ni ate red at otso, si syete at hulyo naman ay nasa harapan lang namin.

"G-girlfriend ni dada ang mommy ni F-freya..." Nakayuko kong sabi. Pinisil-pisil naman ni otso ang kamay ko para pakalmahin ako.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now