Chapter 17 🪓

44 0 0
                                    


Jervin's POV:

Nakaupo lang ako sa kama habang nakatanaw sa bintana, magmula ng mangyari ang masamang panaginip na yon ay hindi na ako makakilos at makapag-isip ng maayos.

Flashback.....

Napabalikwas ako ng bangon tsaka mabilis na kinapa yong buong leeg ko, sinama ko na pati katawan para malaman kung may tarak ba ng kung ano.

Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto na panaginip lang pala yon, pero tang ina. Napakasamang panaginip non.

Nilinga ko ang mga mata ko at napagtanto na gantong ganto ang ang nasa panaginip ko, madilim . Sobrang dilim.

Agad kong kinapa ang mga gamit ko tsaka mabilis tumakbo palabas. Bahala na kung may naiwan man ako, wala akong pakialam.

Natatakot na ako baka mangyari yong nasa panaginip ko .

End of Flashback.

Kinikilabutan pa din ako kapag iniisip ko yon, pilit ko kasing inaalala ang mga pagmumukha ng mga salarin eh. Hindi ko na matandaan, ultimo boses nila nawala sa memorya ko, pero isa lang ang sigurado ako.

Kilala ko sila at malapit sila sa'kin.

Hoy Gago! Napaigtad ako nang marinig ko ang boses niya.

Anong nangyari sa'yo? Tanong ko nang mapansin na nakahawak siya sa bewang niya.

Kupal yung transferee niyo! Siya may gawa sa'kin nito. Irita niyang sabi.

Sino si Yanna? Tanong ko, lumapit agad ako sa kanya saka tinulungan siyang makaupo sa kama.

Oo hayop! Napuruhan yong puwetan ko sa ginawa niya.

Ano ba ginawa mo? Tanong ko.

Gaya ng sabi mo ulol. Nagtanong tanong ako, hanggang sa makasalubong ko ang mga tropa mo. Ginalit ako ni Quira! Pagbintangan ba naman ako daw may gawa ng patayan sa school niyo! Bakas sa boses niya ang galit. Kay Blessie ako lumalit at nagtago nang makaalis ako sa school, gusto ko sana sa papa ko magsumbong kaya lang ayoko siyang madamay.

Una nagdadalawang isip akong lumapit kay Blessie baka bugbugin niya na naman ako ulit pero wala nakong choice alam kong matutulungan niya din ako. Ayon sinampal ko!

Gago ka, bat mo sinampal?

Ano kamo gago ako Jervin? Ulit niya pa.

Aish! Sana hindi mo na sinampal, kawawa naman si Quira. Reklamo ko.

Tang ina! Ako pinagbintangan eh! Tsaka maiba tayo mukhang tama ang kutob mo na si Yanna yung killer. Sabi niya kaya napaayos ako ng upo, naikwento ko kase sa kanya yong kutob ko tungkol kay Yanna.

Paano mo din nasabi?

Kakaiba ang lakas niya, mabilis din siya . Sanay na sanay kaya kung tama ka sa tingin mo sa kanya paniguradong mahihirapan kayo . Nakaramdam ako ng kilabot sa sinabi niya.

Pero naisip mo ba kung ano ang motibo niya kung sakali? Hindi agad ako nakasagot sa naging tanong niya.

Hindi eh. Nahihiya kong sabi.

Alamin mo yon. Hindi lang din sa kanya pati sa iba mong tropa, maaring hindi mo kilala ang ikot ng bituka nilang lahat. Dagdag niya pa at natahimik ulit ako.

Wag kang mag-alala, tutulungan kita. Mukhang exciting to eh . Pahabol niya dahilan para pagkunotan ko siya ng noo. Exciting mukha niya, porket sanay makipagbasagan ng ulo.

La VendettaWhere stories live. Discover now