Chapter 10 🪓

52 1 0
                                    

Sj's POV:

Kanina ko pa silang pinagmamasdan habang nag-uusap.

Akalain mo yon, matapos ng naging gulo nila, sila na naman ngayon ang magkasundo.

Wala sa plano ko ang lumapit hanggang magkasama pa sila, dahil alam kong hindi pa din kumportable si Quira, after nung break "daw" namin. Hindi na talaga kami nag-usap

Iniwan ka na ng bestfriend mo?

Napangiti ako nang tumaas pa ang balikat niya dahil sa gulat ..

Ikaw pala. Kanina ka pa diyan? Kaswal niyang tanong.

Halos kakarating lang . Sagot ko .

Napangisi siya sa naging sagot ko. Bakit kasi hindi pa lumapit nung magkasama pa kami . Napamaang ako sa sagot niya. Kakaiba talaga . Parang hindi ako pwedeng magsinungaling kapag siya kausap ko.

Ayaw ko lang kayong disturbuhin . Maayos kayong tignan eh, halatang magkasundo na.

Kahit ikaw hindi mo din inakala no? Ako din eh . Pero ayos siyang kasama, may tinatago ding bait. That's why I wonder why you broke her heart .

Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya.

For sure, you have reasons. Dugtong niya nang mapansin na hindi ako sumagot. And you don't have to tell me. Baling niya sa'kin. Dahil malamang hindi ka kumportable.

Napabuntong hininga nalang ako. Let's not talk about it.

Tumango lang siya bilang sagot. Good thing dahil naintindihan niya. Talagang ayokong pag-usapan kahit sabi pa nila na mas magandang mag open up sa taong hindi mo gaanong kakilala para no judgement.

Coffee? Wala sa hulog kong pag-aya.

Yanna's POV:

Shit! Ito na naman tong pakiramdam nato. Kabadtrip! My treat? Dagdag niya pa, baka inisip niyang wala akong pera dahil hindi agad ako sumagot.

Ano? Ulit niya pa.

Bwesit! Ba't ako natameme? Hayop talaga ..

I'm waiting Yanna...

Sige na sige na ... tapos nagpatiuna ako pero bigla ding napahinto at tumingin sa kanya . Ay wait? San pala?

Excited kase. Pabulong niyang sabi pero hindi nakaligtas sa pandinig ko yon. Inirapan ko siya saka lumapit uli sa kanya .

San nga?

Tara. Sabi niya tapos siya naman ang nagpatiuna.

Tignan mo to . Sabi ko saka humabol sa kanya .

Malapit lang naman kaya lakarin nalang natin. Sabi niya nang mahabol ko na siya.

Kuripot. Pwede kong ipa gas yong motor mo.

Paano mo nalamang nakamotor ako? Andami mong alam ah ..

Ikaw bat ang daldal mo na yata? Hindi siya sumagot. At baka nakalimutan mong nakamotor kayo ni Chester na pumunta sa'min .

Nakita ko siyang napasapo sa noo. Oo nga pala.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa isang coffee sa shop na hindi na din bago sa'kin. Dito din kase kami madalas pumupunta ni Reika kapag hindi pa namin trip umuwi.

Good afternoon ma'am, sir . Bati sa'min ng guwardya pagkabukas ng pinto. Sabay din namin siyang binati ni Sj.

Naupo kami sa table for two. What do you want?

La VendettaWhere stories live. Discover now