Chapter 8 🪓

70 0 0
                                    

Chester's POV:

Nagising ako sa amoy ng pagkain na malamang ay niluluto sa kusina.

Pupungas pungas pa ang mga mata ko habang dahan dahang nilibot ang paningin.

Ngunit mabilis din akong napalikwas nang marealized na wala pala ako sa bahay namin. Shit shit!

Sa tabi ko, nariyan si Jervin na tulo laway pa habang nakanganga. Tang ina! Dugyot talaga to, kung hindi lang siya ang pinakamagaling kong teammate sa football eh matagal ko ng sinipa to eh . Tsssk!

Teka? Nasaan si Sj? Pambihira mukhang hindi pa ako ginising ng mokong.

Malakas kong tinulak si Jervin pero kahit ganoon hindi pa din siya nagising. Bahala ka nga dyan!

Pati pala sina Dylan , Rico at Erwann ay wala na dito. Tssk! Mga putang ina, hindi nanggising . Kahiya tuloy, hindi pa naman namin bahay to..

Dali dali kong inayos ang pinaghigaan ko tapos tumakbo sa cr para maghilamos at magmumog.

Nang matapos ay agad na din akong lumabas, nakakapagtaka ay walang tao sala, sumilip ako sa nay dining wala din sila , pumunta naman ako sa may kusina at ayon yung amoy palang ay nakakatakam na . Ansarap! Kumakalam na tuloy ang sikmura ko.

Gising ka na pala.. muntik pa akong mapatalon dahil sa nagsalita sa likuran ko .

H-hi good morning . Nahihiya kong bati kay Yanna. Pasensya na hindi nanggising ang nga hinayupak eh..

Good morning din . Nakangiti niyang tugon. Ayos lang yon, tara na andon sila sa pool area.

Manang pakihatiran nalang po kami ng pagkain sa may pool area. Sabi niya sa maid nila tapos bumaling siya sa'kin. Tara na?

Sige mauna kana, kunin ko lang yong phone ko . Tumango lang siya bilang sagot saka mabilis akong bumalik sa kwarto para kunin yong cellphone ko and when I checked it. Niratrat na naman ako ng mga texts ang miscalls ng mga member ng fansclub ko sa football. Hay! Problema ng mga pogi..

Tinignan ko kung may text sina mom and dad. Good thing at wala, hindi pa nila alam na wala ako sa bahay. Kay ate lang kasi ako nagpaalam kagabi.

Pagkasunod ko sa kanila sa pool area si Sj agad ang nilapitan ko, aambahan ko sana ng batok pero mukhang wala sa mood eh kaya tumabi nalang sa kanya at pasimpleng nagsalita .. gago bro ba't hindi mo naman ako ginising, kahiya tuloy kay Yanna.

Sa labas ako na tulog.. kalmante niyang sagot sabay simsim ng kape sa tasa.

Kumunot ang noo ko. Bakit?

Sa lakas ba naman ng hilik ni Jervin! Paano ako makakatulog.

Maya maya lang ay dumating yong mga katulong nila na may dala dalang pagkain..

Isa isa nila itong nilapah sa lamesa, yong mga kaibigan namin na masayang naliligo ay umahon na din..

Mukhang masarap tulog mo Chest ah. Bungad sa'kin ni Astrid nang makalapit siya sa'kin.

Mas masarap kay Jervin, hanggang ngayon tulog pa din . Sagot ko sa kanya.

Kanya kanya na kaming sandok ng pagkain sa mga plato namin. Maya maya lang ay narinig na namin ang ingay ni Jervin.

Putang ina! Lahat kami ay nagulat sa pagmumura ni Jervin. Putsa sino nagyosi dito? Reklamo niya habang tinaas pa yong yosi halos kalahati lang. Tang ina! Ang sakit ng pwet ko.

Walang nagyoyosi dito sa'min. Sagot ni Yanna, pasimple naman akong napatingin kay Sj, siya lang ang alam kong nagyoyosi lalo pa't kung hindi siya makatulog.

La VendettaWhere stories live. Discover now