Chapter 7 🪓

56 1 0
                                    

 
  Quira's POV

    Hindi sila nagtigil sa kakausisa sakin kung ano talaga ang nangyari sa'min ni Sj. Well, ayoko na talagang pag-usapan pa, ako lang ang magiging kawawa.

Kanina matapos niyang mag walk out , dumeretso na din ako sa bahay para don ilabas ang hinanakit ko. Untu unti ding rumerehistro sa utak ko na wala talagang kami. Na sa aming dalawa ako lang may gusto dahil siya? Nakulong pa din sa nakaraan niya .

Natigil ako sa biglaang tawag ni Astrid, sabi na pupunta silang lahat sa  bahay nina Yanna para mag sleepover . Wala sana akong balak na pumunta dahil sa nangyari kanina kaya lang ayoko na talaga maging kawawa. Tama na!

Buti na lang at humabol ako, kay ayos naman pala dito. Nagkapatawaran din kami ni Yanna, which is nakakatawa matapos naming magkasakitan kani kanina lang ay tila kami mga baliw na nagtatawanan at maayos na ngayon.

Well, they are right. Yanna is a good addition to our circle. I see her as a threat lang talaga kay Sj, pero ngayong malinaw na sa'kin ang lahat sa amin Sj at unti unti ko ng tatanggapin. There's no reason for me to hate Yanna and to my sister Kara, I will just give it time.

       Maldita at maarte lang talaga ako tignan pero mabait naman talaga ako, yong kay Kara may pinag-udlutan lang yung galit ko sa kanya pero gaya nga ng sabi ko, I will give time for now...

   Hindi naman kayo magiging awkward niyan? Tanong ni Erwann .

  Bakit naman maawkward eh after all naging mahkaibigan naman kami muna. Sagot ko, hanggang dito wala pa din talagang paki si Sj . Hays!

    Aba'y dapat lang! Yang awkward awkward di pwede sa barkada yan! Singit ni Deanna..

One down!  Sino kaya susunod? Pangbubuska ni Chester .

  Asshole! Iritang komento ni Charmaine, batid kong tinamaan siya. Sila nalang kase ni Erwann ang natitirang couple, well silang lang naman talaga pala dahil gaya ng sabi ni Sj hindi ko daw siya boyfriend at nagpapanggap lang kami...

    Ni kahit nga nong nagpapanggap pa kami, ni hindi nga siya nagpakita ng kahit konti man lang na kasweetan ...  Tsssk!

     May susunod.... Bungad ni Jervin. Susunod na dadagdag. Haha! Sabi niya sabay tawa kaya natawa nalang din kami..

  Sino? Kayo ni Reika?! Basag sa kanya ni Chester.. naku Reiks wag ka magpapaniwala sa ugok na yan. Babaero yan! Dagdag niya na agad namin sinang-ayunan.

  Ulol !  Nagbago na ako no! Sabad niya.

Paano hindi magbabago eh ang huling naging girlfriend mo gangster!  Sabad ni Giselle...

  Dalang dala siya don eh . Haha! Sagot ko na naman.

   Napakamot nalang siya sa ulo..  Pero nagbago na talaga ako Reika . Pramis! Tumayo pa siya at tinaas ang kanang kamay na parang nag panatang makabayan! Haha kahit kelan ang kulit nitong si Jervin.

  Nagbago na nga, ikaw ba naman bugbugin ng huling girlfriend na halos ikamatay mo eh . Haha! Si Rico naman ngayon ang sumabat.

     Mukhang si Reika na nga ang papatay sa kanya kapag nagbabae pa siya eh! Haha.. lahat kami ay natigilan sa komento ni Dylan...

   Kakaiba siya bigla ngayon, ni hindi sumasabat sa asaran yan o kahit makikitawa. Sanay kaming tahimik lang yan siya at seryoso. Hindi ko nga alam paano nakakatagal yan sa'min eh sa ingay ba naman namin magtotropa.

    Not a good joke Dylan.  Kabadong sagot ni Jervin, batid kong nadala talaga siya sa dati niyang girlfriend na siga.

Kaya umayos ka, kung ayaw mong magkatotoo ang joke ko. Muling sabi ni Dylan na nagpabigay talaga ng kilabot kay Jervin..

La VendettaWhere stories live. Discover now