Prologue

33.2K 547 1.2K
                                    

Prologue

"Yera!" pagtawag sa akin ni Emily. "Totoo bang nag-resigned ka?"

Sinakop ko ang buhok ko at pinuyod. Ito na ang huling beses na magtatrabaho ako bilang waitress sa isang restaurant. Matagal-tagal ko rin itong pinag-isipan. Maayos naman ang sahod ko rito. Ang problema lang ay ang boss namin. 

Palagi na lang nagpapansin sa akin ang boss namin. Hiwalay na siya sa kanyang asawa, kaya nagagawa niya ang bagay na iyon. Kahit na wala akong boyfriend, hindi ko kayang pumatol sa lalaking may asawa na.  

Hindi ako nakatapos ng kolehiyo. Dalawang taon na lang sana, pero may pangyayaring hindi namin inaasahan. Naaksidente si Papa at kinailangang putulin ang isa niyang paa. Habang si Mama ay isang labandera.

Apat kaming magkakapatid, at ako ang panganay. Marami akong pasanin kaya kailangan kong magsumikap para sa pamilya ko. Ako na lang ang maaasahan nila. Nahihirapan na rin si Mama sa paglalaba, kaya pinatigil ko na siya sa pagtatrabaho.

Habang si Papa naman ay tambay lang sa bahay. Hindi na siya makakilos pa dahil sa pinutol na isa niyang paa. Kung minsan ay nagpupumilit siya na magtrabaho. Kaya niya naman daw ang sarili niya pero hindi ako pumapayag.

Ayaw ko siyang mahirapan. Kahit na may saklay siya, hindi pa rin siya nakalalakad nang maayos. Baka kung ano pa ang mangyari kay Papa kapag nagtrabaho siya.

Hindi ko alam kung magagawa ko pang unahin ang sarili ko. Ang pamilya ko ang mas priority ko. Gagawin ko ang lahat, basta lang mapakain ko sila ng tatlong beses sa isang araw. Kahit na tinitipid ko mismo ang sarili ko.

"Aalis ka na talaga?" muling tanong ni Emily.

Tumango ako. "Last day ko na ngayon sa work."

Bumahid ang lungkot sa mukha ni Emily. Matagal-tagal din kaming nagkasama kaya naging close na kami sa isa't isa. Siguradong nagtatampo siya sa akin dahil hindi ko man lang nasabi sa kanya ang plano ko na pag-alis sa trabaho.

"Sure ka talaga na aalis ka?" aniya. "May nahanap ka na bang ibang work?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi ako sigurado kung kakayanin ko ang napili kong trabaho. Magtatrabaho ako bilang nanny. Sanay naman akong mag-alaga ng mga bata dahil tinulungan ko si Mama na alagaan ang mga kapatid ko.

"May nahanap na 'kong work," tugon ko. "Natanggap na 'ko biglang nanny."

Lumapit sa akin si Emily at niyakap ako. "Basta mag-iingat ka. Huwag mo rin akong kalilimutan."

"Oo naman," ani ko at niyakap siya pabalik.

Matapos naming mag-drama ni Emily, bumalik na kami sa trabaho. Marami ang nalungkot sa biglaang pag-alis ko. Buo na talaga ang desisyon ko na lumuwas ng Manila. Doon nakatira ang aalagaan ko. Nalaman ko na ten months old pa lang ang baby.

Ang pinsan ko ang nagbalita sa akin ng trabahong iyon. Siya rin ang kumausap sa ama ng bata tungkol sa pag-a-apply ko bilang nanny. Hindi ko inaasahan na matatanggap ako.

Pagka-uwi ko sa bahay ay sinalubong ako ng mga kapatid ko. Alam nila na luluwas ako ng Manila. Nakatira kami sa Pampanga at malayo-layo sa lugar na iyon. Matatagalan din akong makauwi sa pamilya ko.

"Hindi ba po pwedeng dito ka na lang?" tanong ni Miyah na sumunod sa akin. 

"Oo nga po, Ate," ani Lyon na patatlo kong kapatid.

"Ate Yeye!" pagtawag sa akin ni Syerra.

Sinalubong ko si Syerra at kinarga. Labing-anim na taon na si Miyah. Habang si Lyon ay labing-apat, habang si Syerra ay nasa dalawang-taon pa lang. Pumapasok na sa school sina Miyah at Lyon. Nasa public school naman sila kaya kahit papaano ay nakatipid kami sa gastusin.

"Kailangang mag-work ni Ate," sabi ko at isa-isa silang hinagkan sa noo. "Kaya pagbubutihan n'yo ang pag-aaral n'yo."

Nilambing ko muna ang mga kapatid ko. Alam kong nagtatampo sila sa akin. Darating ang araw na maiintindihan nila ang ginagawa ko. Hindi naman tumutol sina Mama at Papa sa plano kong pagluwas sa Manila. Basta mag-ingat lang daw ako.

Hanggang sa dumating na ang araw na kailangan ko nang lumuwas sa Manila. Kahit na masakit na iwan sila, kailangan kong maging matatag. Malaki-laki ang sahod na matatanggap ko bilang nanny. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na umalis sa trabaho ko bilang waitress.

Nag-bus lang ako papunta sa Manila. Isang maleta lang ang dala ko at shoulder bag. Kahit na hindi ako sanay sa lugar, nagawa ko pa ring puntahan ang meeting place namin ng pinsan ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Eva dahil hinanapan niya ako ng trabaho.

Puting bestida ang suot ko. Habang hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Kailangan kong maging maayos sa paningin ng magiging boss ko. Sana lang ay mabilis kong makuha ang loob ng bata na aalagaan ko.

"Ready ka na ba sa work mo?" tanong ni Eva.

Tumango ako. "Oo naman, sanay akong mag-alaga ng baby."

Hinawakan ni Eva ang kamay ko. "Kapag nagka-problema, tawagan mo lang ako. Pupuntahan agad kita."

Kumain muna kami ni Eva at nagkuwentuhan. Pagkatapos ay inihatid niya ako sa building kung nasaan ang aalagaan ko. Hindi ko alam kung mag-i-stay din ba ako sa condo, o, kailangan kong maghanap ng apartment na tutuluyan. Tatanungin ko na lang sa boss ko ang tungkol sa bagay na iyon.

Sa halip na dumiretso sa condo ng boss ko, nagtungo ako sa restroom para ayusin ang sarili. Mahaba-haba ang buhok ko at light brown ang kulay May lahi akong Japanese nang dahil kay Mama. Pure Japanese si Mama, at dito siya lumaki sa Pilipinas.   

May pagka-singkit ang mga mata ko, at sobrang puti ko rin. Marami ang nag-aakala na galing ako sa mayamang pamilya. Kahit na hirap kami, hindi ko kinahihiya ang buhay ko. Masaya naman ang pamilya namin.

"Go, Yehirah!" pagpapakalma ko sa sarili ko. "Kayang-kaya mo 'yan. Ikaw pa!"

Nang mapakalma ko ang sarili ko ay sumakay na ako ng elevator. Nilista ni Eva sa papel kung ano ang floor at kung ano ang unit number. Hindi ako nahirapan na hanapin iyon.

Huminga muna ako nang malalim bago pinindot ang doorbell. Hanggang sa magbukas ang pinto. Bumungad sa akin ang isang lalaki. Wala siyang suot na pang-itaas. Nahahalata rin sa mukha niya na babagong gising pa lang siya. Magulo nga rin ang buhok niya.

Bago pa niya ako mahuli na nakatitig sa kanya, mabilis na akong nag-iwas ng tingin. 

"You're the new nanny, right?" He asked me.

Tumango ako. "Opo, ako nga 'yon."

Niluwagan niya ang bukas ng pinto. Hindi siya umimik, pero alam ko ang ibig sabihin niya. Pumasok ako sa loob ng condo at nilibot ang tingin sa paligid. Malinis naman at halatang mamahalin ang lahat ng mga kagamitan.

Narinig kong tumikhim ang lalaki kaya nilingon ko siya. May suot na siyang puting T-shirt. Mukhang siya ang ama ng batang aalagaan ko.

"Yehirah Vience Alcantara," pagbanggit niya sa pangalan ko. "Please, take care of my daughter..."

Ngumiti ako. "Ako na po ang bahala sa anak n'yo."

Dinala niya ako sa isang room kung nasaan ang baby. Pagkatapos ay agad din siyang umalis. Mahimbing na natutulog sa crib ang bata. Habang tinititigan ko si Hillary, hindi ko mapigilan na mag-isip. 

Kung sino ang kanyang ina. Kung anak ba talaga ng lalaki ang batang nasa harap ko ngayon.

Ilang saglit lang ay nagising na si Hillary. Marahan ko siyang kinuha sa crib at kinarga. Hindi naman siya umiiyak. Pilit niyang kinikilala ang mukha ko. 

"Hi, baby,” malambing kong sabi. "Ako na ang mag-aalaga sa ‘yo…”

Muli ko siyang inilapag sa crib. Marunong na siyang umupo dahil nasa ten months old na siya. May nakita akong laruan at ibinigay sa kanya. Tuwang-tuwa siyang nilaro iyon. Humihiyaw pa nga siya habang makikita sa mukha niya ang saya.

"Pwede ba kitang sabihan ng sikreto?" tanong ko kay Hillary kahit na hindi niya naman ako maiintindihan.

“Dwyne Ryner Mendez,” I mumbled. “That's the name of my first love…”

Hinaplos ko ang buhok ni Hillary. “Yes, baby… Ang Daddy mo ang tinutukoy ko…”

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now