Chapter 29

13.5K 315 776
                                    

Chapter 29

“Ikakasal na talaga tayo, Yehirah?”

Hawak-hawak ni Dwyne ang kamay ko habang pinagmamasdan ang singsing na suot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari ito. Na darating sa punto na ikakasal kami ng lalaking mahal ko. 

Para bang nawala lahat ang sakit na nararamdaman ko noon. Alam na niya ang dahilan kung bakit ko siya nagawang iwan. Nang dahil sa kanyang ina na pinagbantaan ako. Natakot lang naman ako na baka masira ang buhay ni Dwyne nang dahil sa akin.

Mabagal akong tumango. “Hindi ko na babawiin ang sinabi ko.”

“Dapat lang,” aniya at humalakhak. “Dahil wala na talaga ‘kong balak na pakawalan ka…”

Isang linggo na ang nakalipas nang mag-proposed siya sa akin. Nandito na kami sa Maynila. Bumalik na si Dwyne sa trabaho niya. Kapag wala siyang ginagawa ay saka kami nagpaplano sa magaganap naming kasal.

“Dwyne…” Tumagilid ako ng higa at pinagmasdan siya.

“Hmm…”

“Kailan pa?” I asked him. “Kailan nagsimula na nagugustuhan mo uli ako?”

“Maniniwala ka ba kapag sinabi ko na gusto na agad kita noong unang kita ko pa lang sa ‘yo?”

Kumunot ang noo ko. “Noong pumasok ako rito bilang nanny ni Hillary?”

“Yes,” he smiled. “Hindi ko alam kung bakit, pero nagustuhan na agad kita, Yehirah. Kaya nga tinanong ko kung may boyfriend ka.”

Mahina ko siyang hinampas. “Ikaw lang naman ang naging boyfriend ko!”

Marami na ang nagtangkang manligaw sa akin, pero wala akong tinanggap sa kanila. Si Dwyne lang talaga ang gusto ng puso ko. Kahit na hindi niya ako maalala noon, umaasa pa rin ako na babalik siya sa akin.

At nangyari na nga. Ikakasal na kami ng lalaking una’t huli kong mamahalin.

“Ikaw lang ang lalaking minahal ko, at mahal ko hanggang ngayon,” pagpapatuloy ko at hinawakan na ang pisngi niya. “Hinding-hindi magbabago ‘yon…”

Napangiti siya. “Kahit isang beses, walang lalaki na nakakuha ng atensyon mo?”

I shook my head. “Wala, kahit pa si Zed. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.”

“Habang ako, selos na selos dahil akala ko ay bibigyan mo na ng chance sa buhay mo ang kaibigan ko.”

Pinisil ko ang tungki ng ilong niya. “Hindi ka nga mawala sa isip ko, kaya paano kita ipagpapalit sa iba?”

“Kinikilig ako, baby,” aniya at sumiksik sa akin. “Gusto ko po ng kiss…”

Napailing na lang ako. Nagsisimula na naman siyang landiin ako. Hanggang sa narinig namin na bumukas ang pinto. Pagtingin namin ay bumungad si Hillary na nagkukusot ng mga mata. Bumangon si Dywne at sinalubong si Hillary.

Inihiga niya sa gitna namin si Hillary. Naglambing sa amin ang bata at agad din na nakatulog. Gusto niya lang pala kaming makasama. Mukhang natatakot din siya na baka iwan ko na naman siya.

Kinabukasan ay may pasok si Dwyne sa trabaho. Sa halip na ako ang kumilos, siya ang nagluto at nag-intindi kay Hillary. Mas lalo siyang naging maalaga sa akin nang dahil sa pagbubuntis ko. Kaya ko pa naman kumilos, pero hindi maiiwasan na manakit ang likuran at balakang ko.

Pumunta ngayon dito si Eva. Hinatid siya ni Zed. Tumigil na sa pagtatrabaho ang pinsan ko. Nag-aalala kasi sa kanya si Zed kaya mas pinili na lang ni Eva na magpahinga. Ako ang mas unang nabuntis, pero mas malaki ang tiyan ni Eva.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now