10

4 0 0
                                    

“Mag-isip ka nga muna, Gabriela! Hindi ka na bata para maging ura-urada!” sigaw ni Papa sakin matapos kong magpaalam na pupunta akong Albay para magtrabaho.


Sa totoo lang, sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakapuntang Albay. Ni isang lugar sa Bicol, wala pa akong napupuntahan. Wala nga rin akong alam kung ano ang mga tourist spots do’n eh. Ang tanging binabalita lang naman sa Bicol ay ang Mayon Volcano at yon lang din ang alam ko.


Pero kahit na ganon, buo ang puso kong maglakbay para makapagtrabaho. Alam kong kaonti at hindi sasapat sa hospital bills ni Jonathan ang kikitain ko bilang isang Tour Guide ron, pero parang may tumutulak sakin na pumunta sa lugar na yon. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Para naman hindi ako gaano mabuang dito kakahantay kung kailan gigising si Athan. Saka isa pa, tama siguro sila Trisha’t Claire, kailangan ko rin muna siguro ng hangin mula sa probinsya, baka sakaling magkaron ako ng gana ulit sa ibang mga bagay.


Nga pala, mula nong makagraduate kami ni Akin, wala pa akong naging trabaho. Hindi kasi talaga ako pinapayagang magtrabaho ni papa. Kasi ang dapat daw sakin, nagbabantay ng bahay.

“Pa, hayaan mo na si Abby. Malaki na ang anak mo, kaya niya na sarili niya,“ pag-aalo ni Mama dahil nangangalaiti na ang ugat ni Papa kakasigaw sa akin kanina pa.

Sumisilay naman ang ngisi sa labi ko, “Hindi ko naman hinihingi permiso nyo eh, sa ayaw at sa gusto niyo, aalis ak---”

Isang malakas na sampal ang inabot ko. Isang sampal na halos mawala ang pandinig ko. Isang sampal na may kaakibat na sumpa ng pagiging babae ko!


Hinawi ko ang buhok ko, “Saya na kayo, Pa? Kasalanan nyo to eh, nag anak-anak pa kasi kayong babae! Malas nyo lang, kasi yung babaeng anak niyo HINDI pambahay lang!”

“Abby, tumigil ka na, Papa mo yan!”

“Talaga Ma? Hindi nyo man lang ba naisip? Sayang yung pag-aaral ko! Sayang yung pag-aaral ko kung hindi ko man lang magagamit. Alam niyo minsan naiisip ko, kaya kayo botong-boto na ikasal na ako agad kay Jonathan para maibahay na ako at hindi na magawa ang sarili kong mga pangarap sa buhay!” Pinunsan ko ang mga sunod-sunod na luhang pumapatak sa mga pisngi ko, “Kaya siguro gumawa ng paraan ang tadhana para i-udlot muna ang kasal. Kasi yung problema wala kay Jonathan. Nasa inyo pala! Ni hindi niyo ako hinahayaang lumipad gamit ang mga pakpak ko!”

Isang mala-kulog muling sampal ang nakuha ng kabilang pisngi ko. Sapo-sapo ko ngayon ang marahil namamaga ng mukha ko.

Isang sampal na hinding-hindi ko makakalimutan.

“Sana naririnig mo pa ang sinasabi mo, Gabriela. Wala ka ng respeto. Kung gusto mong umalis, sige! Lumipad ka! Tingnan natin kung gaano kataas ang kayang liparin ng mga pakpak mo,” huling tugon ni Papa bago siya tuluyang tumalikod.

“Anak,” lumapit sa akin si Mama. “Alam kong ginagawa mo to hindi lang para kay Jonathan, kundi para rin sa sarili mo. Pero anak, nag-iisang babae ka ng Papa mo, nilalayo ka lang niya sa lahat ng sakit na pwedeng idulot sayo ng mundo.”

Tinanggap ko ang paghawak ni Mama sa mga kamay ko, “Kahit isang beses man lang, Ma. Hayaan niyo akong masugatan.”













------



“Kanina pa namumugto ang mata mo ha? Sigurado ako mapapahilik ka sa byahe mamaya!”

Nandito kami ngayon sa terminal ng bus papuntang Albay. Kung ako lang mag-isa, mas gugustuhin ko pang mag eroplano para madali ang byahe, pero dahil may jejemon akong kasama, no choice ako kundi sumakay ng bus. Saka hindi ko rin naman kayang mag-isang pumunta do’n, wala akong alam.

“Asa ka!” matigas na sambit ko, sabay kuha ng maleta ko at akmang iaakyat na ito sa loob ng bus.

“Hoy! Miss! Hindi diyan ang maleta!” habol niya.

Nilingon ko naman siya, “Akin na, doon ang maleta.” Tinuro yong bandang gilid ng bus na kanina pa pala binuksan ng konduktor. Di ko alam, parang compartment ang laman.

Nilagay niya ang maleta ko sa loob at siniguradong maayos ang pakalagay nito.

“At dito naman sa loob ang tao,” patuloy niya saka kinuha ang palad ko at inaya sa assigned seat namin base sa ticket na binili niya.


“Sa may bintana ka ba?”

Hindi na ako sumagot, umupo na ako sa tabi ng bintana. Ilang saglit pa binuhay na ang makina ng bus, at halos mapapikit na lang ako.

Hindi pa naalis ang bus, pero mukhang nag-aaway away na ang mga bulate sa tiyan ko!


“Alam ko na kung bakit ayaw ka pagtrabahuhin ng mga magulang mo,” tugon niya sabay kain ng mani na bitbit niya.

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Mukhang nagkamali na naman talaga ako sa pagkwento sa kaniya. Nakakairita!

“Kasi bus pa lang, tagilid ka na.”

“Hindi nakakatuwa,” sagot ko sabay plug ng earphones ko sa tenga.

“Joke lang, to naman! Wala ka talagang kasiyahan sa buhay mo eh no?” tinanggal niya ang isang earphone ko.

“Wag ka mag-alala. Sasaya ka sa Bicol, pangako yan!”

Binalik ko ulit ang earphone sa tenga ko, at hinayaan ko siyang magdaldal mag-isa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KundimanWhere stories live. Discover now