07

3 0 0
                                    

Mag-iisang linggo magmula no’ng matapos ang insidente.  Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Akin.

Ang sabi ng mga doktor, marahil 25% na lang ang natitirang pag-asa na mabubuhay pa siya, maraming dugo ang nawala sa kaniya at may namumuo na ring dugo sa ulo niya.

Pinipilit kong ipakalma ang aking sarili. Pinipilit kong ‘wag magalit. Pero hindi iyon ganoon kadali.

Ni hindi ko mahanap sa isip ko kung bakit niya naaatim na isugal ang buhay niya sa mga taong hindi niya naman kakilala, o kung ano ba ang tumatakbo sa isipan niya.

Hindi naman siya tumatakbong pulitiko para magpabida sa tao. Hindi rin naman siya si Superman na superhero ng mundo. Isang hamak na ordinaryong tao lamang siya, pero bakit ganoon siya mag-isip? Bakit, iba muna bago ang sarili?




“Anak, pahinga ka muna.”

Hinawakan ako ni Tita sa balikat. Halos ilang araw na akong walang tulog, panay iyak at hagulhol lang sa tabi ng kama ni Akin.

“Ah hindi na ho muna, Tita. Baka po hanapin ako ni Akin ‘pag nagising siya,” sagot ko saka muling ibinaling ang tingin sa kaniya.

Himlay na himlay siya. Ang mga mapupungay niyang mga mata ay tila namamahinga na. May kulay puting nakapulupot sa may bandang noo niya. Kaawa-awa kung tingan. Bakit ganito ang sinapit mo, mahal?

“Oh sige, ikaw ang bahala.”

Lumakad siya papuntang mesa at may kinuhang maliit na piraso ng papel, “Lalabas muna ako saglit at bibilhin ko ito g reseta ng doktor. Ituturok daw ito sa kaniya mamaya.”

Tumango na lang ako bilang tugon.

Wala pa isang minuto nang muntik ng matumba si Tita.

Agad naman akong tumayo at inalalayan siya. “Naku Tita, mukhang ikaw ang kailangang magpahinga muna.”

Inaya niya ang sarili niyang tumayo at napahawak sa ulo, “Hindi, wala ‘to. Nahilo lang ako.”

“Maupo po muna ako, ako na ang bibili. Baka mapano pa ho kayo ‘pag baba ng hagdan.”

Kinuha ko sa kaniya iyong reseta, at binigyan muna siya ng tubig.

“Bibilhan ko na rin po muna ng makakain,” dagdag ko pa.

“Hindi nga nagkamali si Athan sa pagpili sa’yo, Abby anak.”

“Si Tita talaga oh,” ngumiti na lang din ako.

Pareho kami wala sa mood makipagbiruan ngayon lalo pa’t sa gitna ng sitwasyong ito. Pero pinilit ko pa ring ngumiti. Katulad niya, girlfriend lang ako. Nanay siya, kung nasasaktan ako, mas nasasaktan siya.

“Sige ho, bibilhin ko na po ito.”

Wala sa sarili kong tinahak ang daan palabas ng hospital. Medyo malapit lang naman ang pharmacy dito kaya’t kayang-kaya ko na ito lakarin nang mag-isa.

Sa totoo lang, hindi talaga ako nalakad nang solo lang. Natatakot kasi ako.

Natatakot akong tumawid mag-isa. Hindi naman sa hindi ako marunong, pero siguro may phobia na talaga ako.

Pakiramdam ko kasi kapag nasa gitna na ako ng kalsada ay bigla-bigla nalang may hahagip sa’kin. Eh syempre nakakatakot ‘yon! Kaya’t mula pagkabata hanggang sa ngayon, wala, takot pa rin akong tumawid nang mag-isa!







--

“Isang lunch budget meal,” tugon ko sa tinderong nakatalikod sa akin.

Naibili ko na iyong nasa reseta, at heto ako ngayon sa stall, tapat lang din ng hospital.

Sa kakamadali ko ba naman kanina, nakalimutan kong dalhin iyong wallet ko. Buti na lang at may isang-libo pa akong nakaipit sa case ng cellphone ko at iyon na lang muna ang ginamit ko. Ang mamahal pa naman ng mga panturok na ‘to!

Umupo muna ako saglit sa isa sa mga mesa dito. Hindi pa kasi na-lingon ‘yong tindero kaya tumambay muna ako ng ilang minuto.  Sinubukan kong unuwain ang sulat ng doktor sa reseta. Parang mga uod lang na pinaghalo-halo eh!


“53, Miss.”

Napaangat ako ng tingin sa lalaking tindero.

Jusko! Agad kong tinanggad ang tingin sa kaniya at tinakpan ang mga mata ko!

Ano ba yan! Hindi man lang nagdamit! Tanging apron lang talaga ang nilagay sa katawan!

“Ay sorry!” gulat ring tugon niya sabay takbo pabalik sa stall.

Napairap ako sa kawalan. Jusko naman! Ano sa tingin niya dito? Bar?

Kinapa ko na sa bulsa ko iyong sukli sa’kin sa botika para sana iiwan na lang iyong bayad ko dito sa mesa, at maka-alis na!

“Pagkaminalas-malas nga naman!” buntong-hininga ko.

Kulang na ‘yong perang dala ko!

Singkwentang buo na lang talaga ang nasa bulsa ko!

“Sorry Miss, nakalimutan ko kasing magdamit muna.”

Kunot-noo ko siyang tiningnan habang tinatali niya iyong scarf na kulay asul sa ulo niya. Nagmistulang gangster sa Tondo!

“Magkano nga ulit?”

“53, Miss.”

Muli akong napahinga nang malalim.

“Bakit Miss, wala ho ba kayong pambayad?”

Ay wow ha? Anong tingin mo sa’kin, pulubi? Diba pwedeng kulang lang?

“Pwede bang iwan ko muna dito?” mataray kong tugon.

“Hala miss, hindi pwede ‘yan! Na-order mo na eh, kung wala kang pambayad edi sana ‘di----”

Pinutol ko ang sasabihin niya, “May pambayad ako, okay? Ang lakas lakas pa ng boses, mamaya niyan pagtinginan tayo dito!”

In-untie niya iyong apron niya, “Kung may pambayad naman ho pala kayo, bakit niyo pa iiwan? Imposible naman pong 53pesos lang wala kayo, sa ganda ba naman ng tindig niyong iyan?”

“How many times do I have to tell you na may pambayad ako?!”

“Oh naku Miss, ‘wag naman english-an! Nosebleed nosebleed!” nag-peace sign pa ang loko!

Argh! Nakakainis! Bakit ba naman kasi kulang ako ng tatlong piso! Nakakahiya!

“I only have 50---”

“Ay ‘di na ho uso ang tawad,” tumingala siya, “Tirik pa ho ‘yong araw.”

Ano naman connect?

“Kaya nga sabi ko babalikan ko diba? Nakipagtawaran ba ako? Kahit doblehin ko na, kulang lang talaga ‘yong dala ko. Don’t you see? Galing ako sa botika,” itinaas ko iyong mga gamot na bitbit ko.

“Naku! Lumang istilo na ‘yan! Modus ka ‘no?”

Muli ko itong inarapan.

“Will you please shut your mouth?! Tres nga lang kulang ko, modus agad?! Eh diba nga sabi ko babalikan ko!”

“Sungit mo naman, Miss. Ikaw na lang ata ‘yong may energy na ganyan ka-taas ngayong magtatanghali na.”

“Wala akong oras para makipagchismisan sa’yo. Accept this 50,” inilagay ko iyong 50pesos bill sa kamay niya, “and let me get my wallet.”

Hindi ako mayamang tao, pero hindi rin ako ganoon ka-kuripot pag nagbabayad! Nagkataon lang talagang naiwanan ko sa bag ang wallet ko! Ito na ata ang pinakanakakahiyang nangyari sa buhay ko!


Akmang tatalikod na sana ako nang, “Sige na, Miss, kunin mo na ‘to! Utang mo nalang muna ‘yong tatlong piso.”

Wow talaga. As in, WOW! Ngayon pa talaga ako magkakautang sa jejemon na lalaking ‘to!


“Whatever!” inirapan ko siya sabay kuha ng pagkain sa mesa at deritso nang umalis.


“‘Di man lang nag-thank you,” rinig kong bulong niya.



KundimanWhere stories live. Discover now