03

3 1 0
                                    

May 04, 2011



“Uy Abby, wala pa si Jonathan?” tanong ni Claire sa’kin.



Napatingin-tingin ako sa paligid ko, umaasang makikita ko na siya pero ni anino niya wala man lang ako masumpungan.



Nakailang tawag at texts na rin ako sa kaniya pero hindi pa rin siya sumasagot!


“Wala pa nga Claire eh,” nababahalang tugon ko.


“Ano ba naman yang syota mo Abby! Simula highschool hanggang college graduation, palagi na lang late! Kailan ba magiging sakto ang orasan n’yan!” gatong pa ni Trisha habang inaayos ang eye lashes niya.



Kanina pa kasi kami tina-tap ng coordinator  dito kung nasaan na daw ba ang Summa Cum Laude. Hindi kami makapagsimula nang wala siya dahil siya ang magbibigay ng speech mamaya!



Napahinga na lang ako nang malalim saka iniwan muna saglit ang mga kaibigan ko at dumiretso sa may pintuan.



Halos naka-ilang tingin na ako sa relo, wala pa ring Jonathan Castillo-ng dumarating!



Halos naiinis na rin ang ibang graduates dahil halos magtatalumpong-minuto na, hindi pa rin kami makapagsimula!



Siya nga pala.. Oo, syota na ako ng bwiset na Jonathan na iyon na naihi sa pantalon no’ng 3yrd highschool!



Mabilis lang lumipas ang mga araw at buwan, saktong pagtungtong namin ng college ay siya ring pagsagot ko sa kaniya.



Hindi ko rin alam kung bakit o kung paano. Marahil ay ginayuma niya ako. Kaya ayon tumabla! Joke!



Ah basta, ikanga nila, sadyang hindi naipapaliwanag ang hiwaga ng pag-ibig.


“Anak, nakakapangit ang nai-stress,” tugon ni Tita Marife—ang Mama ni Jonathan.


Taray ano? Mas nauna pa rito sa venue ‘yong Nanay kaysa ‘yong ga-graduate!


Inayos-ayos nito ang buhok ko at nginitian ko naman siya. Muli akong nagtipa sa cellphone ko para i-text ang missing-in-action kong boyfriend!


“Ayon na siya oh!”



Dagli kong inangat ang ulo ko at kagaya ng dati, nagmistulang huminto ang oras. Kung saan wala akong ibang nakikita kundi ang nag-iisang lalaking tumatakbo papalapit sa akin. Ang marahang paghaplos ng hangin na nagpapalipad ng buhok ko at ang mga ngiti niyang nagpapatunaw sa pagkababae ko.



Animoy lahat ng inis, galit, pagod sa akin ay nawala na. Lalo pa’t ngayon, bukod sa masaya akong nakikita ko na siyang paparating, nararamdaman ko na rin ang tuwa sa kaibuturan ng puso ko dahil sa ngayong araw na ito, ay ang aming pagtatapos.


“S-sorry,” utal-utal niyang sambit.



“Ano ba anak, ba’t ang dungis mo?”



Muling bumalik ang pagkakunot ng noo ko, “Oo nga, sa’n ka naman bang sulok sumuot ha? Ano ba ‘yan! Summa Cum Laude na’t lahat, dugyot pa rin?” pagbibiro ko.



Aba puno ba naman ng grasa ang polo niya!
Buti na lang ay papatungan ito ng itim na toga kaya’t hindi gaano makikita ng lahat ang kadugyutan, hays.



“Sorry we’re late,” tugon ng Senior Professor namin sa likuran niya.



Napaangat ang tingin ko kay Jonathan. Mukhang alam ko na kung bakit.



KundimanWhere stories live. Discover now